Chapter 4

132 5 0
                                    

ALTZHEA'S P.O.V.

A/N: Ang pangalan niya is pronounced as Al-zea. Silent "T" ang pangalan niya, okay?

"Ikaw, sabi mo magc-cr ka lang. Pero di kana bumalik. San ka nagpunta?", biglang tanong sakin ni Skyla

Gosh! Oo nga pala! Bakit nakalimutan kong naiwan ko siya sa canteen!? Aish.

"Halah sorry! Narinig ko kasi yung bell tas nataranta ako. Nakalimutan kong nasa canteen ka pa pala. Halah. Sorry talaga", sabi ko

Ngumiti lang siya at umupo sa tabi ko.

"Baliw okay lang. OA mo naman magreact. Nagtanong lang ako kung san ka nagpunta peri ang haba ng sinagot mo", umiiling iling niyang sabi

Napalingon ako kay Dase pero umiling iling lang din siya at napayukom ang kamao niya. I get it. Is it possible na narinig kami ni Skyla kanina?

"Pasensya na talaga", sabi ko

"Okay lang. Hayaan mo na. Buti na lang alam ko na yung way pabalik dito. Hahaha", sagot niya

Hindi na rin ako nagsalita kasi dumating na rin naman kasi si Ma'am.

"Okay class, I will be dividing you into groups for your first group project", sabi ni Ma'am

Um-oo na lang kaming lahat. Tapos hinati hati niya kami sa ilang grupo.

"Wait, where is Mr. Salazar and his friends?", biglang tanong ni Ma'am

"Sorry ma'am we're late", sabi ni Ryoma.

Saka sila sunod sunod na pumasok. May sugat sa labi si Dart. Nakipag-away na naman ba siya? Tsk.

"Okay. Take your seats", sabi ni Ma'am

Umupo naman sila ng sunod sunod. Nagkalingunan pa sina Gon at Dase pero agad ring nag-iwas ng tingin. Anong kinalaman ni Dase sa pagkalate nila?

"For the last Group, Benedicto, Sebastian, Salazar, Saldivar, Valencia, Rivas, De Croix", sabi ni Ma'am

Whaaaaat!? Kami kami pa ang magkakasama!? What a disaster!!

"Oh sht", bulong ni Ryoma

"Fck", bulong ni Gon

"The heck is that", bulong ni Killua

BAKIT KASI NA-LATE SILA!? Samin tuloy napunta!

"Any problem?", taas kilay na tanong ni Ma'am

"Wala po ma'am", sagot ni Gon

Shocksss talaga. Huhu. Whyyy? Whyy? Whyy? Delilah. Charot.

"Who will be your group leader?", tanong ni Ma'am

"Dase/Dart", sabay namin sabi ni Skyla

Saka kami nagkatinginan. Ako ang nagsabi ng pangalan ni Dart, habang siya, sinabi niya ang pangalan ni Dase.

"Who?", tanong ulit ni Ma'am

"Skyla", sabay na sabi nila Dase at Dart

Okay?

"Okay, Skyla", sabi ni Ma'am

Napakunot-noo naman si Skyla at hindi sinagot si Ma'am. Malamang nagtataka na 'to. Geez! Pahalata masyado yung dalawa sarap pag-untugin!

-

"San bahay mo? Hatid na kita", sabi ko kay Skyla

"Ha? Wag na. May trabaho pa ko", sagot niya

Ay oo nga pala.

"Saan ba? Hahatid na kita", sabi ko

"Wag na. Kaya ko naman eh", nakangiting sabi niya

"Please? Para lang masiguro kong safe ka", sabi ko

Gusto ko lang siguraduhing makakarating siya don ng ligtas.

"Okay sige", sagot niya

Ngumiti naman ako at pinagbuksan siya ng pinto ng kotse. May driver ako okay? Hindi pa ko marunong magdrive ng kotse. I can't.

-

Habang pauwi kami, tahimik lang ako. Si Skyla? Nakatulog na. Hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha niya. She looks like an angel that was sent by God for us. To guide us and to help us. Too bad, this angel was badly hurt because of us.

"Ma'am, nandito na po tayo", sabi ni manong Driver

Napatingin ako sa kung saan kami tumigil at nakita ko ang isang maliit na apartment kung saan siya tumutuloy ngayon. She shouldn't have to experience this kind of life if not because of us.

"Skieeee", tawag ko sa kanya at unti-unti siyang ginigising

"Hmm", sagot niya pero hindi pa rin niya minumulat ang mga mata niya

"Skiee, nandito na tayo", sabi ko

"Da... Dart", mahinang sabi niya

Nagulat ako sa pangalang binanggit niya. Why is she thinking of Dart? Sa dinami-dami ng tao, bakit si Dart?

"Skie!", sigaw ko

Halos mapatalon siya sa gulat at agad na napamulat ng mata. Pero nginitian ko lang siya at umakto na parang wala akong narinig.

"Kanina pa kasi kita ginigising", sabi ko

"Ah. Sorry. Nanaginip lang", sabi niya

Saka na siya tumango at bumaba ng kotse. Paalis na sana ako, pero bigla siyang kumatok sa bintana.

"May nakalimutan ka?", tanong ko

Baka nakalimutan niya mag-thank you. Haha. Pero kahit hindi na, ayos lang naman.

"Ngayon lang naman tayo nagkakilala Zee diba? Hindi naman tayo magkakilala noon pa?", seryoso niyang tanong

Nawala ang ngiti ko dahil sa biglaang tanong niya. Ano bang dapat kong isagot?

"Ah. Haha. Hayaan mo na. Weird lang kasi nung panaginip ko. Wag mo ng sagutin. Malamang 'oo' ang sagot mo. Pero gusto ko lang sabihin Zee, ayoko sa lahat, niloloko ako. Lalo na kung malapit sakin. For me, once is enough. I don't give second chances", sabi niya

Saka na siya kumaway at tumalikod. Naiwan akong tulala habang pinagmamasdan siyang maglakad papasok ng apartment niya.

Nabalik ako sa diwa ko nang biglang tumunog ang phone ko. Pagtingin ko, si Dase pala.

"Bakit?", bungad ko

"Nakauwi na ba siya?", tanong niya

"Oo. Kakahatid ko lang", sagot ko

"Good", sagot niya

"Dase", mahinang sabi ko

"Bakit?", tanong niya

Nanahimik ako saglit habang nakatitig sa gate ng apartment kung san tumutuloy si Skyla.

"Her memories. She's slowly remembering everything", sabi ko

Saka ko pinatay ang tawag. Napahigpit ang hawak ko sa phone ko saka ako napapikit ng mariin.

Paano na kapag nalaman niyang nagsisinungaling ako? Kami? Ano na lang ang mangyayari saming apat? Tuluyan na ba kaming magkakawatak-watak? Tuluyan na bang mababaon sa nakaraan ang lahat?

I am F.O.O.D.S. (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz