SKYLA'S P.O.V.
"Hoy batang kamukha ni dora!", sigaw ng isang batang lalake
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ako ba ang tinutukoy niyang kamukha ni dora!?
Napalingon ako sa gilid ko, pati sa likod ko kung may iba pa bang bata dito, pero wala na eh. Kaya ako lang talaga!
"Ano bang problema mo batang bunot!?", pasigaw na sabi ko
Mukha naman talaga siyang bunot eh! Nakakainis!
"Sinong bunot!? Ako!?", sigaw niya
"Sinong kamukha ni dora!? Ako!?", sigaw ko pabalik
Tapos lumapit siya sakin na nakapamewang pa. Ano siya bading!? Yaks!
"Ano!?", sigaw ko
Aga aga iniinis ako! Tsaka sino siya para tawagin akong kamukha ni dora!? Hindi ko naman kamukha si dora eh! Nakabangs lang ako! Pero hindi ko siya kamukha!
"Bakit ang taray mo!?", sigaw niya
"Bakit ang pangit mo!?", sigaw ko pabalik
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Okay, hindi naman talaga siya pangit eh. Pero kasalanan ko bang yun ang lumabas sa bibig ko.
"Aba't!", sigaw niya
Akmang itutulak niya ko pero biglang may humarang na batang lalaki sa gitna namin.
"Ano ba Ritz. Nang aaway ka na naman", sabi nung lalaki
So Ritz pala ang pangalan nitong bunot na 'to. Pang-mayaman. Kaya naman pala matapobre at maangas.
"Anong bang pakialam mo Kise!? Umalis ka nga dyan! Wag mong pagtakpan yang kakambal ni dora!", sigaw ni Ritz
Ano!? Kanina kamukha ni dora ngayon nag level up naging kakambal na ni dora!?
"Aba! Bwisit kang bunot ka ha!", sigaw ko
Saka ko hinawi yung si Kise at sinabunutan si Ritz! Bwisit na lalaking 'to!
"Aray! Aray! Ano ba! Bitaw! Bitawan mo yang buhok ko dora!", sigaw niya habang nakahawak sa kamay ko
"Siraulo kang bunot ka! Nananahimik ako dito tapos aawayin mo ko!? Gusto mo sipain kita!!", inis na sigaw ko
"Bata teka! Bitawan mo si Ritz!", sigaw nung Kise
Tapos sinusubukan niya kong ilayo kay Ritz.
"Kise! Ritz!", sigaw ng isang babae
Pagtingin ko, isang may edad na. Yaya siguro nila 'to.
"Ano bang ginagawa niyo ha?!", sigaw nung matandang babae
"Eh yang dora na yan Mimi eh! Sinabunutan ako!", sigaw ni Ritz
Dinuro duro pa ko ng mokong! Aba! Papalabasin pa yatang kasalanan ko!
"Naku iha. Bakit mo naman sinabunutan ang alaga ko? San ka ba nakatira ha? Sinong magulang mo?", tanong nung matandang babae
Halah! Bakit tinatanong!?
"Mimi, hindi niya kasalanan. Si Ritz talaga ang nauna. Inasar asar kasi niya. Inaawat ko lang silang dalawa Mimi", sabi ni Kise
"Tss. Epal talaga", pairap na sabi ni Ritz
Isang isa na lang talaga, iisipin ko na talagang bading siya. Sayang, may itsura pa naman. Bunot lang kasi. Psh.
"Naku pasensya na iha at inaway ka nitong alaga ko. Halah sige at umuwi ka na. Baka pagalitan ka pa ng mga magulang mo iha", sabi nung matandang babae
ŞİMDİ OKUDUĞUN
I am F.O.O.D.S. (Completed)
RastgeleWhat if no matter how hard I try....I still fall for him over and over again? Story Started: June 25, 2017 Story Ended: November 8, 2017 Book Cover: KGC GRAPHIC SHOP