Chapter 1

5.8K 91 8
                                    

MY STUPID GIRLFRIEND

CHAPTER 1

Hindi ko alam kung magpapasalamat ako kay lolo since pumayag siyang mag stay dito si Reiku.

Hayst! Ang alam ko lang, malapit na akong mabaliw sa pakikisama sa kanya.

Habang nasa mesa kami, sumusubo na ako pero si Reiku nakatingin lang saken

"Kakain ka ba o manonood lang?" ako tapos uminom ng tubig

"Paano ba kumain? Yan ba yung ginagawa mo?"

Halos maitapon ko na yung kinakain ko dahil sa sinabi niya.

Talaga bang hindi niya alam kung paano kumain?

NAMAAN !!

Nagpasensya ako sa kanya at tinuruan siya kung paano sumubo. Ano ba yan, para akong nagbabantay ng 1 year old.

Kumakain lang siya ng kumakain at walang pakialam na may sauce na ng steak sa gilid ng bibig niya kaya binigyan ko siya ng panyo.

Tumingin siya saken habang ngumunguya.

"Kakainin ko rin yan?"

Natampal ko nalang ang noo ko dahil sa sagot niya.

"Tsk! Hindi, ano ka ba? Pampunas yan kaya kunin muna.! " ako habang nakalahad parin ang kamay

Inabot niya yung panyo saka tiningnan ito ng mabuti.

NAgulat ako sa ginawa niya. Pinunas niya sa mesa yung panyong binigay ko sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatigil siya.

"BAkit?" inosente niyang sagot pero imbes na sagutin ko siya ay tinawag ko nalang si Manang Bebet.

"Bakit po young master?"

Pinakuha ko lang naman siya ng tissue at agad naman siyang nakabalik.

"Tumayo ka na dyan? utos ko kay Reiku

"Pero hindi pa nauubos eh" siya habang tinitilaan yung daliri niya

Hayst. Para talaga siyang bata!

Pinigilan ko siya sa kadidila ng daliri niya, nakakadiri kaya

(eww!)

Hinila ko siya sa may balcony at dun ko pinunasan yung mukha niya. Buti nalang hindi malikot eh, nakatingin lang siya saken habang ginagawa ko yun.

°°boogsh! boogsh! boogsh! °°

Naramdaman kong bigla nalang bumilis ang heartbeat ko kaya lumayo muna ako sa kanya.

"Magbihis ka na muna. Ang dungis na ng suot mo eh" sabi ko sa kanya habang nakatalikod

"Uhm, saan ako magbibihis?" siya

"Arrrgh!

Kahit saan mo gusto basta makapagbihis ka lang! " nakasigaw na ako dahil di ko na napigilan ang sobrang inis

Bakit nga ba ako naiinis ha?
Hay naku, nababaliw na talaga akoooo!

Pagtingin ko sa kanya, akmang huhubarin na niya yung suot niyang damit kaya ko siyang pinigilan.

"Anong ginagawa mo ha?"
"Magbibihis" sagot niya

"Eh bakit dito ka maghuhubad?"
"Sabi mo kasi, kahit saan ako pwedi magbihis"

Natampal ko naman ang noo ko saka hinila siya papunta sa kwarto...

Tumagal siya sa poder ko at ngayon ay ang pangalawang linggo na niya mula nung matagpuan ko siya sa gubat. Reiku ang pinangalan ko sa kanya since may suot siyang kwintas na may nakaukit na "REIKU"

Ng mga panahong yun, nag ca-camping kami ng mga tropa ko. Hindi ko alam kung anong gagawin that time pero ang alam ko lang, tinulungan ko siya.

Saka na ako nagsisi dahil sa ginawa kong pagsama sa kanya nung sinabi ni lolo ang linyang to

"Since wala ka namang kasama dito hijo, dito mo muna siya patuluyin" habang nakangiti pa

Hanggang ngayon, pinagsisisihan kong ginawa ko ang bagay na yun.

Nasa may garden ako ng bigla nalang sumulpot si Reiku habang humihingal at nagtago sa likuran ko.

"Ano ba, lumayo ka nga!" sigaw ko sa kanya pero nasa likuran ko parin siya

Sa di kalayuan naman, may naririnig akong aso na tumatahol

"Hayst, aso lang pala eh" ako at humarap sa kanya

"Wag kang mag alala, hindi nangangain yan. Nangangagat lang" dagdag ko sabay ngiti na parang tinatakot siya

Bigla siyang sumigaw at tumakbo kaya hinabol ulit siya ng aso. Hindi pa siya nakakalayo saken ng bigla siyang madapa saka dinidilaan ng aso yung mukha niya.

Humarap siya sa langit at pilit na pinapaalis yung aso saka tumawa.

😒" Baliw talaga siya "

Bigla namang tumunog ang cellphone ko at pagtingin ko, si lolo pala. Buti pa si lolo, may patawag tawag pa saken di tulad ni mom and dad na walang pakialam.

"Yes lo?" pasimula ko

Sinabi niya na matatagalan daw siya bago makauwi. Bigla naman akong napakamot sa ulo ko. Hanggang kailan ba magtatagal sa bahay ko ang babaeng to? Hanggang mabaliw na ako?

Arrrgh !

Nang matapos yung tawag, binulsa ko na yung cellphone at naglakad na.

"Young master, si Reiku po lumabas" sabi ni Manang Bebet saken

Oo nga pala, hindi ko napansin na nawala na pala siya dahil masyado akong nagfocus sa usapan namin ni lolo. Teka, sandali lang naman ang pag uusap na yun ah? Ang bilis niya namang mawala!

Tumakbo ako papunta sa gate and as expected, bukas nga. Bakit nga ba siya tumatakbo?

Naalala ko nalang na hinahabol pala siya ng aso kong si Roy

"Reiku! sigaw ko
"Reiku! Nasan ka na ba?! patuloy kong sigaw

Dahil hindi ko siya mahanap, bumalik ulit ako sa bahay para kunin ang susi ng kotse na nasa kwarto pero hindi paman ako nakaka akyat, may narinig akong tumatawa sa loob.

Pagbukas ko ng pinto, wasak na ang gamit ko sa loob, pati yung mga damit ko nakakalat na.

"Reiku ! Anong ginagawa mo dito ?! sigaw ko sa kanya

Tumingin siya saken habang buhaghag ang buhok

"Naglalaro?" sagot niya

Ilang sandali pa, lumabas si Roy galing sa closet ko

"Reikuuuuuuu !! " sigaw ko sa kanya habang pinagbabato siya ng unan.

"LAGOT KA SAKEN NGAYON !!!!!"

#to_be_continued...

My Stupid Girlfriend (WILL BE EDITED SOON)Where stories live. Discover now