Chapter 17

1.3K 30 0
                                    

MY STUPID GIRLFRIEND

CHAPTER 17

Ngayon ay nakaupo kami ni Reiku sa isang tumbang troso habang umuulan ng nyebe.

Tinitingnan ko lang siya habang may ngiti sa mga labi ko habang nakayuko siya. Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin din siya saken.

"Anong iniisip mo?" ako

Ngumiti siya bago ako sinagot.

"Hindi ko kasi akalain na pumayag si nuno eh" umpisa niya

"Teka? Ano ba yung nuno?" tanong ko sa isip ko pero di ko nalang pinahalata

Ganito pala talaga pag napadpad ka sa ibang lugar na hindi mo kabisado. Ngayon, naiintindihan ko na si Reiku. Napagkamalan ko pa naman siyang baliw noon, bwahaha.

"Hindi ako makapaniwala na pumayag siyang makipagkita ako sayo ngayon. Alam mo kasi, ngayong araw ang kaarawan ko at ang hiling ko kay nuno ay makita ka" napayuko siya saka ngumiti

"Ayos, tama lang pala na ngayon ko ibigay ang hairclip" napangiti ako sa isip ko pero bigla ring nawala kasi naalala kong tinangay pala yun ng letcheng uso na yun.

Kumunot ang noo ko kaya nakatingin na naman siya saken.

"Bakit?" tanong niya

Tumayo ako sa harap niya.

"Dito ka na muna, may hahanapin lang akong puting uso dahil--"  nahinto na naman ang pagsasalita ko dahil tumawa siya. As in, tawang tawa siya

"Nang aasar ka ba, Rei?" tanong ko sa kanya habang nakapamewang

Ayun,  tuloy parin ang tawa at napahawak pa talaga sa tiyan niya

"Pag hindi ka tumigil dyan, hahalikan kita" seryoso kong sabi at ngumiti sabay ng paglapit ng mukha ko sa mukha niya

Napatigil siya sa pagtawa tsaka napahawak sa bibig habang namumula.

Ilang sandali pa, hinawakan niya ang kamay ko sabay hila saken kaya napapasayaw tuloy ang buhok at mahaba niyang damit dahil sa hangin na sumasalubong samin at mga nyebeng kristal.

Huminto kami sa isang butas na nababalot ng nyebe.

"Teka, anong ginagawa natin dito?"

"shhhhhh!" sagot niya tapos pumito

"Kaibigan, labas ka na" siya

Ilang sandali pa, may malalaking bakas ang naririnig ko at nakita ko ang isang malaking puting uso na nagnakaw nung hairclip.

"Aba, aba! Nandito kalang pala ha!" ako

"Kaibigam, ibalik mo na sa kanya" si Reiku kaya lumapit naman sa kanya yung uso sabay luwa nung hairclip

Yuck!

Tapos, hiningahan pa talaga ako nung uso sa mukha.

Letche siya! Grrrr!

"Balik ka na dun"

Isang utos lang ni Reiku at bumalik na nga yung uso sa pugad ako. Ako naman, pinulot ko yung hairclip na nababalot na ng nyebe

Sinilid ko na sa bulsa ko yung hairclip tsaka hinila siya pabalik sa pinanggalingan namin kanina. Dun sa may nakatumbang troso.

Tahimik lang kaming dalawa. Parang may ilangang nangyayari. Tumingin ako sa kanya pero napapaiwas siya.

Ngayon pa ba siya mahihiya?
Hay naku Reiku.

Tumabi ako sa kanya at hinapit ang gilid niya kaya napatingin siya saken. Ngayon, kitang kita ko ang brown niyang mga mata at pinky lips niya.

My Stupid Girlfriend (WILL BE EDITED SOON)Where stories live. Discover now