Chapter 14

1.3K 36 0
                                    

MY STUPID GIRLFRIEND

CHAPTER 14

Hindi ako mapakali. Hindi ko kayang maghintay nalang dito at tumunganga kaya nag impake ako ng gamit.

Pupunta ako sa lugar kung saan ko unang nakita si Reiku  noon habang walang malay. Nagka camping kami nun nina Vince ,Mark at Gab.

Walang masyadong signal kaya naglakad lakad ako nun habang nakataas ang kamay ko na hawak ang cellphone. Bigla akong natumba dahil may nakaharang sa daanan ko.

Akala ko nun puno eh pero babae pala na walang malay. Nakaharap siya sa lupa at napuno ng dahon ang katawan niya. Binuhat ko siya at pinagpagan.

Tutol ang mga tropa ko nun na dalhn siya kasi daw baka nagkukunwari lang pero napansin kong namumutla siya. Sinunod ko ang bagay na sa tingin ko ay tama.

Sinama ko siya. Gusto kong tawagan si lolo para sana humingi ng permiso pero walang signal eh pero buti nalang pumayag nung pagdating ko.

Himala nga eh dahil hindi siya nagalit.

Ngayon, ang goal ko ay puntahan ulit ang lugar na yun. Baka nandun siya at wala na naman malay.

Ay, hindi. Baka andun siya at naghihintay saken.

"Oh, hijo san ka pupunta" si Manang

Buti pa siya may time magtanong saken eh yung kadugo ko, ayun . Umalis at wala akong ganang sumama. Aaminin kong nagalit ako kay Manang nung umalis siya pero kalaunan, nawala rin.

Yun pa naman yung time na mababaliw na ako sa pakikisama kay Reiku.

Ngumiti ako at humarap sa kanya.

"Manang, may pupuntahan ako. Hahanapin ko muna ang may ari nito" sabi ko at ipinakita sa kanya yung hairclip

Pagkatapos, nilagay ko na ang mga gamit ko sa may compartment ng kotse pero may naramdaman akong kumikiliti sa aking paa.

Pagtingin ko, si Roy pala. Oo nga, mukhang nakalimutan ko na andyan siya mula nong nawala si Reiku. Masyado akong nagfocus kay Reiku at hindi ko na napansin ang alaga ko.

Kinarga ko siya kaya ayun, tuwang tuwa. Nakatingin parin si Manang saken habang nakangiti kaya ngumiti rin ako.

"Manang, pakialagaan muna si Roy habang wala ako ah" ako sabay abot kay Manang ang aso kong makulit

Nagpaalam na ako at nagsimula ng baybayin ang kahabaan ng biyahe. Pero bago yun, nag text muna ako sa tatlo . Gusto pa nga sana nilang sumama eh pero kailangan ko ang lakad na to mag isa.

Isang linggo narin akong absent kaya kinukumbinsi rin nila ako pumasok. Sabi ko naman, nex week siguro.

Sa ngayon, kailangan ko munang maibigay tong hairclip sa kanya. Binili ko talaga to para sa kanya kaya hindi ako papayag na masayang to.

Halos walong oras pa ang biyahe ko kaya hininto ko muna ang sasakyan para bumili ng tubig at pagkain. Baka magutom ako eh.

Pagkatapos, bumalik na ako sa kotse at nagpatuloy sa biyahe.

Mga 8:00 pm na nung makarating ako. Hindi pweding makapasok ang kotse kaya pinarada ko nalang dun sa parking lot kung saan may nagbabantay na caretaker nung gubat.

Kinarga ko lahat ng gamit sa likod at siyempre, dumidilim na ang paligid  kaya hinanda ko na ang flashlight ko.

Sa kalagitnaan ng paglalakad, napagod na ako kaya nagpahinga ako sandali. Nilapag ko ang mga gamit ko sa lupa saka kumain. Buti naisipan kong bumili kanina.Sumandal rin ako sa malaking ugat ng puno kasi medyo nangangawit na ang likod ko. May kabigatan kasi tong dala kong bag eh.

Pagkatapos kumain, tumingin muna ako sa langit. Nakita ko ang maraming bituin at full moon.

"Naku, full moon na naman" bulong ko sa sarili

"Malas" dagdag ko sabay gulo ng buhok

Baka sgurin na naman ako ni Reiku. Baka mamula na naman yung mga mata niya tsaka idagdag mo pa ang matutulis niyang ngipin.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa makarating na ako sa pakay kong lugar.

Biglang kumidlat kaya natapon ko ang cellphone.

"Pati kidlat, nanggugulat" pabulong ko habang ibinababa ang gamit

Napatingin ako sa kabuuan ng paligid at naramdaman ko ang maninipis na patak ng ulan.

"Naku, wag naman" napalakas na ang pagkakasabi ko

Dali dali kong inilabas ang tent at hinanda yun. Ilang sandali pa, natapos ko na rin kaya nakapagpahinga na ako saka pa bumuhos ang malakas na ulan.

Sinindihan ko ang lampara na dala ko pero hindi ako kuntento. INi on ko pa ang flashlight kaya medyo maliwanag na ang paligid.

Tiningnan ko ang cellphone ko at sinubukang i on yun pero ayaw na ma open. Tinapat ko sa ilaw at nakita kong nasira pala ang screen.

Hayst!

Halos tatlumpong minuto ang tinagal ng ulan. Lumabas na ako habang balot sa balabal. ANg ginaw kaya ,dagdag mo pa ang malamig na simoy ng hangin.

Naalala ko naman si Reiku. Namiss ko rin yung yakap ko sa kanya eh.

Naupo lang ako sa labas ng tent habang pamasid masid sa paligid.

"Reiku, andito na ako. Magpakita ka naman oh" bulong ko sabay yakap sa sarili

"Ang daya mo talaga. Siguro nakikita mo ako ngayon pero hindi naman kita makita" dagdag ko at bumuntong hininga

Dinadalaw na ako ni antok pero pilit kong binubuksan ang mga mata ko. Kailangan ko siyang makita.

----------

A/N: Continue readiiiiing 😉

My Stupid Girlfriend (WILL BE EDITED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon