Chapter 11

1.4K 38 0
                                    

MY STUPID GIRLFRIEND

CHAPTER 11

Nag aya sina Mark na pumunta daw kami ng bar total libre naman kasi sila ang may ari eh.

Agad akong sumama para uminom.Marami akong gustong sabihin sa kanila eh and hindi ko yun masabi kong hindi ako lasing.

Mga 3:00 pm na kami nakarating dun since pinasa pa nila yung assignments na ginawa nila kanina nung naabutan ko sila sa room.

Grabe, napaka responsable talaga nilang estudyante.

Ang totoo, wala naman akong pakialam kung bumagsak ako since wala rin namang makakapansin nun.

Umorder kami ng wine hanggang sa gusto namin . Si Mark nalang ang bahalang mag explain sa Dad niya.

"Bro, bakit di mo kasama si Reiku ngayon?" si Gab

Hindi ako umimik sa tanong niya. Eh ano ba kasing isasagot ko? Na naging lobo si Reiku, ganun??

For sure, hindi maniniwala ang mokong na to.

"Oo nga, kung kailan pa nalaman ng lahat na girlfriend mo siya, saka mo pa siya iniiwan" si Vince sabay lagok

Iniiwan? Ako ,iniwan siya? Eh siya nga yong hindi bumalik eh. Bakit parang may gustong lumabas sa mata ko?

Sumalok nalang ako ng alak at pinuno yung baso saka nilagok. Ang panget ng lasa pero okay na rin. Ang importante, malasing ako para bukas hindi ako makasama sa Italy.

Bukas ang flight nila Dad eh .

"Teka, ano nga pala yung sinabi mong Italy ,bro?" sa wakas nagsalita narin si Mark

Tumagilid ako ng upo dahil parang nahihilo na ako saka ko siya sinagot.

"Sabi ni Mom, may family reunion kami sa Italy. Kung walang  family reunion, hindi naman sila uuwi eh" ako sabay ubo.

Nangangati na yung lalamunan ko eh

"Guys, relax muna ah. May kukunin lang akong HOT salad" si Vince habang pangiti ngiti

Salad. Salad niya yung mukha niya. Alam ko na yan eh. Babae yan at hindi kakainin. Meron bang mainit na salad, ang alam ko malamig eh.

Hayst!

Nagdecide akong pumunta muna ng cr. Pero hindi ako mag che check in. Titingnan ko lang sarili ko.

Pagpasok ko sa cr, agad akong nanalamin sabay ayos ng buhok. Tapos, inilagay ko yung dalawa kong kamay sa mukha ko at pumikit saka bumontong hininga.

Naramdaman ko ang pagkahilo kaya napaupo ako bigla.

" Lintik naman! Konti pa naman yung nainom ko ah" bulong ko sa sarili

Naupo lang ako sa sahig hanggang sa may tumapik sa balikat ko. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang maamong mukha ni Reiku kaya agad akong nabuhayan ng loob.

Tumayo ako agad at niyakap siya.

"Reiku.." ako habang nakayakap sa kanya pero pilit niya akong pinagtutulak

"Hindi ako si Reiku. Ako to si Alexis. " siya

Napaatras ako sa sinabi niya. Hindi siya si Reiku.

"Mabuti pa umuwi ka na dahil masyado ng marami ang nainom mo" siya at inalalyan ako pero kinabig ko ang kamay niya

"Tsk! Ikaw pa nga tong tinutulungan, ikaw pa'ng nag iinarte!" sigaw niya bago pa ako makaalis sa lugar na yun

Bakit, sinabi ko bang gawin niya? Hindi siya ang kailangan ko kaya wag siyang assuming.

Habang papalapit ako sa pinag inuman namin, bigla akong nawalan ng balanse kaya napadapa ako sa sahig.

"Bro, dahan dahan." si Gab habang tinutulungan akong makatayo

"Kahit kailan talaga, mahina ka parin" si Mark

Pag upo ko sa sofa, nakita ko silang may kaakbay na babae at isa namang babae pa dito sa may gilid ko na may pahimas himas pang nalalaman.

Aba, ang bilis talaga nilang makakuha ng isda.

"Mabuti pa siguro, iuwi ka nalang namin, bro. Mukhang di mo na kasi kayang mag drive eh" si Vince habang pahalik halik dun sa leeg ng babae

Tumayo ako at namulsa. Kunwari hindi ako nakainom.

"Anong sinasabi niyong iuwi ako dahil hindi ko na kayang mag drive? Eh, nagawa ko nga dati yun diba?" ako sabay wave habang nakatalikod at naglakad na palabas ng bar

Umaasa akong may mag aantay saken sa labas ng kotse pero wala eh.

Damn!

Bumalik naman sa alaala ko yung paghalik ko kay Reiku noon. Napangiti nalang ako ng mapakla dahil alam kong hanggang alaala nalang lahat.

Sumakay na ako sa kotse at pinilit mag drive pauwi samin. Pagdating ko sa may gate, bumusina ako ng ilang beses hanggang sa maingayan lahat ng kapitbahay namin.

May nagbukas nung gate at nakita ko si mama.

Pagpasok ko sa loob, isang suntok ang sumalubong saken.

"Walanghiya ka talagang bata ka! Ano bang pinag gagagawa mo sa buhay mo!" si Dad habang nagngingitngit sa galit

Pinunasan ko ang dugo ko sa labi at ngumiti. Pilit kong inaaninag ang mukha niya

"Kailan pa kayo naging concern saken ha? Wag nga kayong umarte diyan na parang nag aalala kayo" mahina kong sagot sa kanya

"Ah ganun. Sumasagot ka pa--" susuntukin na naman sana ako ng biglang inawat ni mama si plastic

"Kenneth, tama na! Lasing lang siya kaya wag mo muna siyang kausapin ngayon " si mama sabay hawak sa mukha ko pero kinabig ko yung kamay niya at naglakad na papuntang kwarto

"Pagsabihan mo yang anak mo dahil baka hindi ako makapagpigil!" sigaw ni Dad kay mama

Ano daw? Anak? Kailan pa nila ako naging anak? Nung baby pa siguro ako hanggang sa tumuntong ako ng 5years old.

The rest, kay Manang Bebet na nila ako iniwan. Siguro nga sila din ang nagsulsol kay Manang na umalis since dyan naman sila magaling.

Nahiga ako sa kama ko habang nakatingin sa kisameng umiikot. Pinikit ko ang mga mata ko para makatulog na at makapagpahinga.

"Reiku, kailangan kita ngayon. Nasan ka na ba??

A/N: Hay naku! Pati ako naaawa na kay Shin. Buti pa siguro, hayaan ko nalang siya na makita si Reiku, nuh?

My Stupid Girlfriend (WILL BE EDITED SOON)Where stories live. Discover now