Chapter 18

1.2K 35 0
                                    

MY STUPID GIRLFRIEND

CHAPTER 18

Reiku's P.O.V

Finally, may P.O.V narin si Reiku.

Dahil sa mahilig akong tumuklas ng mga bagong bagay at isama mo pa ang katigasan ng ulo ko, napadpad ako sa mundong wala akong kaalam alam pero bago nangyari yun, hayaan niyo muna akong ikwento ang lahat.

Naikwento saken ni Ama na kakaiba raw ang mundo ng mga mortal o tao sapagkat nakatira daw siya dati doon nung ipinagbubuntis ako ni Inang Camila.

Nagka interes ako sa mga kwento ni ama kaya pinilit ko siyang buksan ang lagusan papunta sa mundo ng mga tao at siyempre hindi ko pinahalata sa kanya ang dahilan ko.

Gusto kong malaman kung bakit nasabi ni ama na kakaiba dun at gusto ko ring malaman kung ano ang pinagkaiba nila sa amin.

Pagkatapos mabuksan ni ama ang lagusan ay umuwi na kami sa bahay at nagpahinga. Ilang sandali pa, may biglang pumasok at pinagtaasan ng boses si ama.

Walang iba kundi si nunong Cameron.

Siya ang pinuno ng Konseho ng mga lobo.

"Ano tong nabalitaan ko na binuksan mo na naman daw ang lagusan Kerus!" siya habang sumisigaw pa

Akala niya siguro sira ang tainga ni ama kaya todo sigaw siya

Hindi makaimik si Ama at bigla naman siyang tumingin saken na parang sinasabi na ayos lang siya pero ang totoo, alam kong hindi.

Pinagalitan siya ng todo ni Nuno at sinagot ito.

"Hindi pa naman perpekto ang pagkakabukas nun ama" sagot ni ama kay nuno

Nagtago ako sa likuran ni ama dahil mukhang handa na akong lapain ni nuno sapagkat ako naman ang dahilan nun.

"Dun ka muna sa labas, anak" si Ama at agad ko namang sinunod yun

Lumabas ako ng silid pero hindi ako masyado lumayo dun hanggang sa makarinig ako ng hindi kaaya ayang mensahe galing kay nuno.

"Wala talagang kwenta yang anak mo! Dinadamay ka lang sa mga kalokohang ginagawa niya!" si nuno

"Ama, wag kayong magsalita ng ganyan. Baka marinig niya kayo" si ama

"Mas mabuti ngang marinig niya ng sa ganun malaman niya ang totoo! Isa pa, hindi siya purong lobo kaya siguro hinahanap hanap niya ang mundo ng mga mortal! Mas mabuti pa sigurong palayasin mo nalang siya dito! Wala naman siyang kwenta! Hanggang ngayon nga hindi pa niya nailalabas ang lobo niya?! Baka naman mas nangingibabaw ang pagiging tao niya Kerus? Mas tatanggapin ko pa kung naging lalaki yang anak mo, Kerus para naman magkaroon siya ng silbi!" si nuno

Halos mawasak ang puso ko sa mahabang linyang yun na galing kay nuno.  Walang bahid ng kasinungalingan ang pagkakasabi niya nun.

"Mas tatanggapin ko pa kung naging lalaki yang anak mo, Kerus para naman magkaroon siya ng silbi!"

Paulit ulit ko yung naririnig.

"Ama, sumusobra ka na!" sigaw ni ama sa kanya

Bigla nalang tumulo ang luha ko at hindi ko namalayang nasa harap ko na pala si Nuno at nasa likuran naman niya si ama habang nakatingin sa akin na may bahid ng pag aalala.

Binangga ako ni nuno sa balikat nung lampasan niya ako. Pagkatapos, tumingin ako kay ama habang lumuluha ang mga mata.

Hindi ko matanggap ang mga narinig ko.

Parang pinipiga ang puso ko.

"Reiku, anak" si ama na akmang lalapitan ako pero tumakbo ako papalayo sa kanya

Pumunta ako sa gubat at dun nagpalipas ng gabi. Inakyat ko ang puno at sumandal sa sanga nito at pinagmasdan ang mga bituin at kalahating buwan habang patuloy parin sa pag iyak.

"Ano kayang pakiramdam nang may Inang nag aaruga sayo?" tanong ko sa isip

Siguro kung nabubuhay lang si ina, sasamahan niya ako dito. Yayakapin niya ako  ng mahigpit.Pupunasan niya ang mga luha ko at higit sa lahat, siya ang magiging tagapagtanggol ko kay nuno kasama si ama.

Napakasakit sa akin ng mga salitang yun. Wala talagang puso si nuno. Hindi niya inisip na nakakasakit na siya. Sarili lang niya ang iniisip niya.

Hanggang pagdating ng umaga ay hindi parin ako umuwi samin.
Bumaba na ako sa puno at naglakad lakad. Bigla naman akong sinalubong nung usang kaibigan ko kaya napahinto ako.

Hindi naman malamig ang panahon pero bakit kaya siya lumabas?

Hindi umuulan ng nyebe.

Tumingin siya saken na parang nalulungkot. Alam niya kaya na umiyak ako kagabi? Buti pa tong uso eh dinadamayan ako.

Hinimas himas ko ang ulo niya kaya may papikit pikit pa siyang nalalaman.

Ilang sandali pa, umalis narin siya kaya mag isa na ulit ako.

Hindi ko pa naman gustong makita si nuno kaya ayw ko munang umuwi ng bahay hanggang sa maisip ko ang lagusan.

Tumakbo ako papunta run. Nung marating ko na, huminto ako at tinitigan ang lagusan.

Naglakad ako ng dahan dahan papunta sa lagusan.

Nagagalak akong makita ang mundo na pinanggalingan ni ama. Hindi ako nababagay dito kaya baka mahanap ko ang lugar sa mundong yun.

"Prinsesa Reiku?!"

Sigaw nung lobong kakilala ko kaya minadali ko ang pagpasok dun hanggang sa makapasok na ako.

A/N: Alam niyo na ang gagawin pag may UD 😉 Roooots!

My Stupid Girlfriend (WILL BE EDITED SOON)Where stories live. Discover now