Chapter 5

1.7K 43 0
                                    

MY STUPID GIRLFRIEND

CHAPTER 5

Dahil sa nangyari kagabi, late na ako nagising. Exam pa naman namin ngayon. Habang nakahiga pa, naalala ko naman yung paghalik ko kay Reiku kaya napahawak ako sa labi ko habang nakangiti.

Masaya lang ako. Paki niyo ba?

Kinapa ko sa may paanan ng lampshade ang cellphone ko at tiningnan yun. 8:02 am na pala tapos 7:30 am ang exam namin.

Lagot na!

Bumangon na ako at sinulyapan ang  mukha ng mahimbing na natutulog na si Reiku.

Ba't napapangiti ako pag nakikita ko siya?

"Kenshin, mag focus ka dahil exam niyo na mamaya" sa isip ko at naglakad na papuntang banyo

Pagkatapos kong mag shower, lumabas na ako habang naka topless lang. At siyempre, kitang kita yung 6 pack abs ko.

Pahawakan ko kaya kay Reiku?

Joke lang, makapagbihis na nga.

Paglabas ko ng banyo, nakita ko si Reiku na nakaupo sa kama at nagbibinat. Mukhang ang sarap ng tulog niya.

Oo na, magkatabi kami kagabi kasi di ko siya maiwan. Di daw kasi siya makatulog eh pero, ooppps! Wag nga kayong dirty minded diyan! Pag uumpugin ko kaya yang mga ulo niyo (hehe, peace)

Magkatabi nga kami pero wala namang nangyari na di maganda. Di lang talaga ako masyadong makatulog kasi abala ako sa panunuod sa kanya habang tulog na tulog na. Buti nga di tumulo yung laway eh.

Agad naman siyang bumaba ng kama at lumapit saken kaya napaatras ako.

Ano kayang gagawin niya?

"Naku Shin, may nakain ka yatang matigas na bagay" siya habang hinihimas himas ang abs ko

Pffff! Gusto kong tumawa ng malakas pero wag na lang

HAhahaha

TAlaga ngang napaka ignorante niya.

Teka, ba't hindi ako nagagalit sa kanya ngayon?

Di bale, baka magalit na ako sa kanya mamaya. -_-

Pinaalis ko muna siya para makapagbihis ako. Alangan namang maghubad ako sa harap niya di ba? Baka makita niya pa yung kaluluwa ko edi patay na?

Minadali ko ang kilos ko para makaalis na papuntang school. Bago paman ako makatapos sa pagkain ,may natanggap akong text galing kay Vince.

"Bro, 10:00 am pa yung exam. Mag relax ka muna" siya

Napahinga ako ng maluwag. 'Kala ko kasi late na late na ako eh.

"Reiku, pagkatapos mo maligo magbihis ka dahil may pupuntahan tayo" seryoso kong sabi sa kanya

Nasa harapan ko kasi siye eh habang may bitbit na bote ng.....

....Ng alak?

Bago niya pa mainum yun, hinablot ko na sa kamay niya.

"Bakit?" siya sabay pout

Ang cuuute! :-)

"Magpapakalasing ka ba?" tanong ko sa kanya habang binabalik sa ref yung wine

"Anong maglalasing? Nauuhaw kaya ako." siya habang nakasunod saken

"Di naman kasi tubig tong kinuha mo eh" ako sabay salok ng tubig para ibigay sa kanya

"Bilisan mo na habang may oras pa tayo" sabi ko sa kanya

Pag alis niya saka na ako ngumiti. Ayokong makita niya ako na ganun  ang expression sa mukha dahil baka manibago siya.

Nag antay ako ng halos 40 minutes bago siya makababa. Nakasuot siya ng whole dress ngayon na kulay pitch at nakabuhaghag yung buhok.

Lagi naman kasing ganyan ang buhok niya eh.

Lumabas na kami pero nakaharang si Roy sa may pinto.

"Roy, alis nga diyan !" ako tas pinagsisipa siya

Lumapit naman sa kanya si Reiku at kinarga ito.

"Shin, pwedi ba natin siyang isama?"
"Hindi pwedi" sabi ko sa kanya

Nilapag niya si Roy sa sofa habang may lungkot sa mga mata. Hayst, nalulungkot na naman siya!

Lumabas na kami ng bahay at pumunta sa kung saan.

9:00 na ng umaga kaya may 1 hour nalang ako para maipasyal siya. Oo, ipapasyal ko siya ngayon.

Napadaan kami sa isang stall na nagbebenta ng hairclip kaya hininto ko ang sasakyan dun.

Pababa na sana ako ng magsalita siya.

"Kinakain ba yun?" siya habang nakadikit ang mukha sa salamin ng pinto

Tiningnan ko yung sinasabi niya. Street foods pala .

"Oo bakit, gusto mo ba?" ako
"Titikman ko lang sana" siya at lumabas na kaya lumabas na rin ako

Bago siya naglakad palayo, binigyan ko muna siya ng pera para pambayad. Pagkatapos nun, naglakad narin ako papunta sa stall na nagbebenta ng hairclip.

Tumingin tingin ako dun. Nalilito  ako kung anong klase ng hairclip ang bibilhin, kasi naman ang damng nakadisplay eh.

A/N: Guys, alin kaya dito? Patulong naman oh? hahaha
Nalilito si Shin 😄😄

My Stupid Girlfriend (WILL BE EDITED SOON)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora