Chapter 9

1.5K 38 0
                                    

MY STUPID GIRLFRIEND

CHAPTER 9

KERUS P.O.V

Ilang oras na mula nung maibalik namin si Reiku pero hindi parin siya nagigising.

Habang nakaupo , umiinom ako ng dugo para narin pandagdag sa nawala kong lakas kagabi.

Oo, dahil sa lakas ni Reiku marami akong sugat na natamo pero dahil rin sa isa akong purong lobo, madaling maghilom ang mga sugat ko.

Tama ang hinala ko. Hindi niya pa nga nako kontrol ang sarili niya. Kung hindi ko lang siya napigilan, pati ang lalaking yun masasaktan niya o baka naman mas malala pa.

Habang nakaupo, bigla nalang may pumasok at sinuntok ako kaya natapon ang iniinom kong dugo.

"Ama?!" ako sabay punas ng dugo ko sa labi

"Napakatigas talaga ng bungo mo! Hindi kita pinalaki para lang suwayin ako! Sinama mo pa talaga ang iba para lang mailigtas ang pasaway mong anak,ah?! si ama habang namumuro na sa galit

Tumayo ako at hinarap siya

"Ama, sa buong buhay ko sinunod ko ang lahat ng gusto niyo pero sa pagkakataong ito ,hindi ko pweding pabayaan si Reiku" paliwanag ko sa kanya

Isang suntok na naman sana ang sasalubong saken ng biglang may magsalita.

"Tama na! Tama na po, pakiusap"

"Reiku!" sigaw ko

Nagkamalay na pala siya. Ngayon ko lang narinig si Reiku na nagtaas ng boses sa kanyang nuno.

"Nandito na pala ang pasaway na batang to" si Ama at ngumiti ng peke .Tsk!

Naglakad siya papunta sa upuan habang si Reiku, nag aalalang inalalayan ako at tinatanong kung ayos lang ba ako.

"Ayos lang ako, anak. Wag mo'kong alalahanin" ako sabay himas ng likod niya

"Nuno, wag niyo pong saktan si Ama. Ako ang may kasalanan" si Reiku habang naiiyak na

"Reiku" ako na pinipilit siyang pigilan

Seryoso lang na nakatingin si Ama samin.

"Dahil sa paglabag mo sa patakaran , ikaw ay kailangang parusahan Reiku" nagulat ako sa pahayag ni Ama

Palabas na sana siya ng silid na yun pero pinigilan ko siya

"Ama, hindi pwedi ang gusto---"pinutol naman ni Reiku ang sasabihin ko

" Ayos lang saken ama, tinatanggap ko" malungkot na turan ni Reiku habang  si Ama naman ay napatigil sa may pinto

"Minsan mo na akong sinuway Kerus at ngayon naman ay ang anak mo. Nasa dugo niyo na talaga ang pagiging pasaway kaya panindigan niyo" sabi ni ama na may awtoridad

Pag siya ang nagdesisyon, hindi na yon mababago. Nung nalaman nga niya na umibig ako sa isang mortal, itinakwil niya ako bilang anak niya.

Nung mamatay si Camila dahil sa pagsilang kay Reiku, bumalik ako. NAtuwa ako dahil sa kabila ng paglabag ko sa patakaran niya, tinanggap niya parin ako pero simula ng araw na yun, nagbago na ang pakikitungo niya saken.

Naiwan kami ni Reiku sa silid.

"Ama, anong parusa kaya ang ihahatol saken ni nuno?! tanong ni Reiku.

Kitang kita ko sa mga mata niya ang pag aalala.

"Hindi ko rin alam anak" malungkot kong sagot sa kanya

Biglang nabalot ng katahimikan pero nabasag ko yun ng maalala ko ang nangyari kagabi.

"Anak, may naaalala ka ba tungkol sa nangyari kagabi?" tanong ko sa kanya

Kumunot naman ang noo niya.

"Siyempre naman ama. Nung naging lobo ako at hindi ko makontrol ang aking sarili ko at--"

Naghintay ako sa susunod niyang sasabihin

"Maliban dun wala na." siya

"Ama, hindi na po ba mababago ang desisyon ni nuno ?" siya habang nakatalikod

Sabi ko naman sa kanya na hindi ko pa alam lalo na ngayon na masyado ng  galit ang nuno niya.

Pinahatid ko na siya sa kanyang silid para makapagpahinga na at binilinang wag masyadong pagurin ang sarili sa kaiisip sa mga nangyayari.

Nagtataka ako kung bakit wala siyang naaalalang iba maliban dun sa pagiging lobo niya.

Mas mabuti ngang hindi niya maalala ang lalaking yun nang sa gayun, hindi na niya gugustuhin pang pumunta sa mga tao.

Pero, paano kung bigla niyang maalala?
Anong gagawin ko?

Pero hindi ko yun dapat isipin , sa ngayon kailangan kong makumbinsi si ama na iurong ang parusa kay Reiku.

Kung kinakailangan nga, ako nalang ang parusahan niya. Kung sakaling mabigat na parusa, baka hindi kayanin ng katawan ni Reiku lalo na ngayong hindi pa niya nakokontrol ang sarili niya.

Hindi rin siya purong lobo kaya kung sakali mang malalang sugat ang matamo niya, matatagalan pa ang paghilom nito maliban nalang kung makainom siya na preskong dugo ng tao.

"Reiku, nangako ako sa iyong ina na poprotektahan kita" ako habang nakaupo sa tapat ng puno at nakatingala sa langit

Pinagmamasdan ko ang mga bituin at buwan. Buti nalang at hindi bilog ang buwan ngayon.

Ginulo ko ang buhok ko dahil sa dami na ng aking naiisip.

Hindi ko na alam ang gagawin.

Aaminin kong hindi madaling makumbinsi si ama pero pag naparusahan si Reiku, hindi ko naman kakayanin yun.

Kung sa bagay, hindi ko pa alam ang mangyayari.

" Ano nga bang parusa ang ipapataw ni ama sa kanya?"

A/N: (Nuno ay ang tawag nila sa kanilang lolo) 😊

My Stupid Girlfriend (WILL BE EDITED SOON)On viuen les histories. Descobreix ara