Chapter 7

1.7K 62 8
                                    

MY STUPID GIRLFRIEND

CHAPTER 7

Mga bandang 12:00 pm na kami nakaalis ng school kaya  siguradong gutom na gutom narin tong kasama ko.

Nasa loob  na kami ng kotse pero nakikita ko parin na malungkot siya. Kahit hindi niya sabihin, nakikita ko yun sa mga  mata niya.

Tulala lang siya kaya lumapit ako sa kanya at inayos ang seatbelt. Pagkatapos, naupo na ako at bumuntong hininga.

"Iniisip mo pa rin ba yung nangyari kanina?" pagkasabi ko nun, lumingon siya saken kaya tiningnan ko rin siya

"Wag mo nang isipin yun" ako sabay ngiti

Nakita kong ngumiti siya ng konti at inilapit ang mukha sa mukha ko.

"Bakit?" nagtataka kong tanong

"Anong nangyari diyan sa pisngi mo?" siya sabay himas niyo

Naalala ko naman yung ginawang pagsuntok saken ni Vince kaya naramdaman kong humapdi ulit.

"Ah...-" pinutol niya ang pagpapalusot ko at bigla nalang akong hinalikan sa pisngi

Natulala ako bigla dahil sa ginawa niya. Hindi ko kasi inasahan yun nuh?

"Ayan, yaan mo. Mawawala narin ang sakit niyan mamaya" siya sabay ngiti

Pinaandar ko na ang sasakyan.Hanggang sa makarating kami sa isang korean resto, walang nagsasalita samin.

"Sir, table for two?" tanong nung babaeng sumalubong samin

"Yes" diretsa kong sagot

Kumain lang kami ng kumain at kahit puno yung bibig, nagsasalita parin siya.

"Ang sharap naman neto" siya at feel na feel pa ang finger licking good

Napapatingin samin yung ibang customer pero bahala sila, snob yata tong kasama ko at walang paki sa paligid.

Una akong natapos sa pagkain kaya sumandal nalang ako sa upuan habang siya kain parin ng kain.

Ilang sandali pa, may biglang tumawag saken. Hinugot ko sa bulsa ko ang cellphone at dun ko nalamang si Dad pala.

Tsk! Hindi pa pala nila ako nakakalimutan ?

Walang gana kong sinagot ang tawag and as usual, puro pangaral lang ang ibinilin saken.Tapos, magpapadala daw din sila ng pera. Hindi ba nila inisip na mas  kailangan ko sila kaysa sa pera na yan ?

Kinumusta rin nila ang school, yung pinapasukan kong school ngayon, as in ang EAST CITY HIGH.

Kami ang may ari ng school at nakapangalan saken yun.

Sinabi ko sa kanyang ayos lang ang school pero ang totoo, wala akong paki dun.

Ilang sandali pa, natapos narin ang walang kwentang usapan na yun kaya umuwi na rin kami ni Reiku sa bahay ko.

Pagpasok namin sa bahay, agad akong sinalubong ni Roy kaya naalala kong gutom narin to habang si Reiku naman, nakita kong napahiga sa sofa.

Mukhang napagod siya sa ginawa namin ngayong araw.

Pumunta ako sa kusina at pinaghanda ng masarap na lasagna si Roy kaya ayun, sarap din ng kain eh.

Pagkatapos, pinuntahan ko si Reiku habang natutulog na. Tumabi ako sa kanya at naupo sa tabi niya.

Nahagip ng mata ko yung kwintas niya dahil umiilaw ito.

Bakit kaya? May LED ba na nakalagay dito?

Hindi ko nalang hinawakan yung kwintas niya ,baka magising pa eh.

Umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga din. Hindi lang katawan ang pagod saken eh, pati utak ko. Padabog akong humiga sa kama at nagtakip ng unan sa mukha hanggang sa makatulog.

HOUSE OF COUNCIL
Kerus P.O.V

Ngayong araw na to, nakatakda na ang pagpunta namin sa mundo ng mga tao.

Nung pinahayag ko yun sa konseho ay isang malaking pagtutol lang ang natanggap ko lalo na kay ama na siyang pinuno nito.

Nasa gitna kami ng pagpupulong at dun ko pinaliwanag ang lahat pero ayaw parin nilang makipagtulungan kaya napatayo ako.

"Mga kagalang galang na pinuno, alam kong hindi dapat sinasakripisyo ang buhay ng nakararami para sa nag iisa. Pero sana maintindihan ninyo, anak ko yun. Isa't kalahating buwan na siyang nawalay saken.Ama din kayo, kaya imposibleng hindi niyo ako maintindihan" turan ko

Umalis ako nang hindi man lang nagpapaalam sa kanila. Aalis ako. Kung kinakailangan ko tong gawin mag isa, gagawin ko maibalik ko lang si Reiku dito.

"Pinuno, sasama po kami"
"Kami rin po"
"Isama niyo narin po ako"

Buti nalang at may natitira pang tapat saken. Lumabas na kami ng lagusan at napadpad sa mundo ng mga tao.

Pinuntahan namin agad ang lugar kong saan namin nasundan si Reiku pati na yung kasama niyang lalaki.

Ang bilis ng oras at ngayon ay gabi na.

"Pinuno, nararamdaman ko po si Prinsesa Reiku" yung isa habang naka anyong lobo na.

Ganundin naman ako, siguradong umiilaw yung kwintas niya ngayon at hudyat yun para maging lobo na siya. Ang kinakatakot ko ay baka hindi niya makontrol.

Nag uusap kami gamit ang aming isipan at  naiintindihan namin yung isa't isa  dahil sa parehas kami ng lahi.

Pag kinausap ko si Reiku , maiintindihan niya rin ako kahit hindi siya mag anyong lobo pero ang problema, hindi niya ako naaalala.

"Pinuno, malapit  na" nag aalalang sabi nung nasa may daan. Siya ang nagsisilbing look out namin kung sakali mang may mapadaang tao.

Ang tinutukoy niya ay ang bloody moon.

"Reiku" bulong ko sa isipan habang patuloy parin na nagbabantay dito sa paligid

BACK TO SHIN'S P.O.V

Naalimpungatan ako dahil sa naririnig kong ingay sa labas ng kwarto kaya bumaba na ako.

Ang bilis naman ata ng oras. Parang minuto lang ako natulog eh.

Pagbaba ko sa may sala, nakita ko si Reiku na nagwawala kaya nilapitan ko siya.

"Reiku, anong nangyayari sayo?" ako habang nakahawak sa balikat niya

Nakatalikod kasi siya saken. Kinabig niya ang kamay ko kaya tumilapon ako sa may vase

"Aray, ansakit ng likod ko. Anong nangyayari sa kanya? Ang lakas niya ngayon ah?"  sa isip ko habang nakapikit at nung binuksan ko ang mga mata ko, nakita kong papalapit siya saken habang namumula ang mga mata at nakalabas ang pangil

"Reiku" .. ako habang iniinda ang sakit ng likod ko

Ano bang nangyayari sa kanya?
Palapit na siya ng palapit saken pero bigla nalang may nabasag sa may lababo kaya natuon ang atensyon niya dun.

Nung hindi niya makita ang may gawa nung ingay, bigla nalang siyang tumalon sa bintana. Nung tiningnan ko siya, lobo na ang nakita ko na kulay puti.

Nahagip naman ng mga mata ko na iba ang kulay ng buwan ngayon. Kulay pula na siya katulad ng ilaw sa kwintas ni Reiku.

Ano bang nangyayari ngayon? Panaginip lang to!
Panaginip lang to! sigaw ko habang pinagsasampal ang mukha

a/N: Oh ayan na ang tunay na identity ni Reiku. Kahit ako, di makapaniwala hahaha!! Enjoy, then vote mo nadin tong UD. Aaaat, Reishin every comment (thanks) 😝😝

My Stupid Girlfriend (WILL BE EDITED SOON)Where stories live. Discover now