Chapter 4

1.6K 48 0
                                    

MY STUPID GIRLFRIEND

CHAPTER 4

Puro masasarap na pagkain, sexy'ng mga babae at sandamakmak na drinks ang nakikita ko pero si Reiku parin yung nasa isip ko.

Bakit ko ba iniisip ang baliw na yun ?

Pero, bakit nga ba?

KAhit may nakakandong na babae sa may hita ko, siya parin yung nasa isip ko.

"Babe, tara mag swimming tayo" hindi ko pinansin ang makating to.

Kung gusto niya mag swimming, edi siya nalang !

Si Gab lang naman ang may gusto na magsama ng babae dito sa sala kung saan kami nag iinuman.

Ilang sandali pa, tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko to at binasa kung kaninong text.

"From: Manang
HIJO, hindi ko na kayo mahihintay. Gabi na rin kasi at kailangan ko na talaga umalis. Alam kong hindi ka papayag peri kailangan eh. Sana maintindihan mo hijo. Siyanga pala, pinagluto ko na kayo ng hapunan ni Reiku kaya pagdating niyo dito, kumain agad kayo ha. Yun lang, alagaan mo sana palagi ang sarili mo at mag iingat ka. Hindi ko pa alam kung kailan ako makakabalik"

Yun ang laman ng text niya.

Bakit lahat nalang sila iniiwan ako? Hindi ba ako mahalaga sa kanila? Yung parents ko, once a year ko lang makita. Si lolo naman lagi ding umaalis tapos ngayon, si Manang iiwan din ako?

Nilagyan ko ng marami ang baso ko at nilagok yun.

Napangiwi pa ako dahil sa lasa ng wine na to pero masarap naman.

Tinngnan ko yung relo ko at nakita kong 8:57 pm na pala.

3 minutes nalang para mga alas 9 ng gabi

Tinulak ko yung babae na kanina pa pumupulupot sa katawan ko kaya ayun, nagalit.

"Bro, kailangan ko na ata umalis" ako habang nakatayo na

" Kaya mo pa bang mag drive? Lasing ka na eh?" si Vince na tropa ko rin

"Oo nga , baka mapano ka pa diyan sa daan" si Mark

"Okay lang ako ,bro. Hindi pa naman ako ganun kalasing" ako  tas nag wave habang nakatalikod

Bigla nalang umikot yung paningin ko kaya nawalan ako ng balance.

Buti nalang nasalo ako ni Gab.

"Bro, hatid na kaya kita. Hindi ka parin pala nagbabago, ang dali mo parin malasing ?!" siya habang inaalalayan ako

"Ano ka ba, hindi ka pweding umalis dito. Hindi pa tapos ang party nuh? dagdag ko at inalis yung kamay niya na nakaakbay saken

"Sige na, balik na sa loob. Kaya ko pa ang sarili ko" utos ko sa kanya

Kaya ayun, balik agad sa loob pero bago niya yun ginawa, nagpasalamat muna siya sa regalo ko.

Binuksan ko ma yung gate at nakita ko dun si Reiku na nakatayo habang nakatingala sa kalangitan.

Bigla nalang akong sumigla nung nakita ko siya.

Papalapit na ako sa kanya habang may ngiti sa mga labi. Sa mga oras nato, hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Parang gusto ko siyang yakapin ng mahigpit?

Lumingon lingon muna ako sa paligid at nakita kong konti nalang ang naka park  na kotse . Kung sa bagay, halos estudyante rin kasi ang bisita ni Gab kaya siguro umuwi ng maaga.

Teka? Maaga pa ba ang 9:00 pm ? Mukhang hindi.

Nung  nasa gilid na niya ako, nakita kong umiiyak siya habang nakatingala sa langit at nakatingin sa maraming bituin at  sa full moon.

Full moon pala ngayon?

Nilingon niya ako habang umaagos ang mga luha sa pisngi niya kaya  kaya mas lumapit pa ako sa kanya.

"Reiku" sambit ko habang pinupunasan yung luha niya

Umiiyak parin siya pero walang ingay. Dahil ba iniwan ko lang siya dito sa labas mag isa sa loob ng maraming oras ?

Ba't hindi ko agad naisip yun? Grrrr!

"Tahan na" ako habang nakatingin sa mga mata niya. Ginamit ko namang pampunas ang dalawa kong kamay dahil nawala yung panyong dala ko kanina

"I'm sorry kung iniwan lang kita dito" ako

" Gusto ko na silang makita" mahina niya sabi habang nakayuko na

Sinong tinutukoy niya? Ang pamilya niya ba?

Hinawakan ko ang baba niya at pinaharap siya saken.

Ang pakiramdam na to. Ngayon ko palang to naramdaman.

Unti unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya at pumikit hanggang sa maramdaman kong magkadikit na yung labi namin.

Inilayo ko  ng konti ang mukha ko sa kanya ng ilang segundo at nakita ko ang nagtataka niyang mga mata kaya hinalikan ko siya ulit.

Tumutugon naman siya at sa oras na yun ,isinandal ko siya sa kotse at niyakap ng mahigpit.

Sa mga sandaling yun, naging totoo ako sa sarili ko.

Ang halik na yun ay sa kanya ko lang nagawa. Wala akong pinaramdam na halik katulad ng ginagawa ko ngayon sa kanya sa ibang babae. Hindi kasi ako napipilitan ngayon, sadyang gusto ko lang gawin.

Ito lang din ang alam ko para maibsan ang bigat na nararamdaman niya. Hindi ko pa man alam ang tunay niyang dahilan sa pag iyak.

Hindi ko kaya na makita siyang ganun dahil nakakapanibago yun sa pakiramdam.

A/N: Use ReiShin in every comment😉 Whaaa! Nalito talaga ako kung paano gawin ang twist  na to, hahaha .ANYWAYS, just enjoy and have a great hair day este great morning pala. 😍😍
#(Most awaited part of mine😍)
#to_be_continued...

My Stupid Girlfriend (WILL BE EDITED SOON)Where stories live. Discover now