Chapter 19

1.3K 32 0
                                    

MY STUPID GIRLFRIEND

CHAPTER 19

Reiku's P.O.V cont.

Nang magkamalay ako, tumambad saken ang kakaibang suot, kakaibang lugar at kakaibang klima.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga panahong yun. Blanko ang isipan ko at sa tingin ko, nawala lahat ang alaala ko.

Nung araw ko sa silid na yun, may isang matandang babae na pumasok kaya napatayo ako agad. Natatakot ako sa mga maaari niyang gawin saken.

Paano kung katayin niya ako?

Dinalhan niya ako ng pagkain at sa inaasahan, hindi pamilyar saken yung lasa niya. K akaiba talaga.

Pagkatapos kong kumain, lumabas na ako sa kakaibang silid na iyon pero nauna yung matandang babae saken.

Naupo ako sa isang malambot na upuan at sa di kalayuan, may nagtatalong matandang lalake at isang lalake.

"Wala ka namang kasama hijo kaya hayaan mo muna siyang mag stay dito" yung matanda

Yun lang ang narinig ko habang yung lalake naman ay napapasulyap saken na parang galit.

Hindi yata parang galit. Mukhang galit na galit.

Mga ilang araw ay hindi ko na makita yung matanda. Yung lalake nalang ang nakikita at nakakasama ko pati yung matandang babae.

Hindi maganda ang trato niya saken. Lagi niya akong sinisigawan at minsan ay kung ano ano pa yung sinasabi.

Hindi nagtagal, nakilala ko na rin siya pati si Manang Bebet na dati ang tawag ko ay Manggang Bebet kaya tinuruan niya ako.

May mga pagkakataon pa na isinama niya ako sa isang lugar na marami ring tao. Ang tawag pala dun ay "school o skwelahan".

Marami akong natutunan pero hindi nagtagal, bumabalik narin ang alaala ko sa West Hill kung saan talaga ako nanggaling.

Isang araw nun, isinama ako ni Shin pero iniwan lang niya ako sa labas.

Tumingin ako sa langit at pinagmamasdan ang sinag ng buwan at ningning ng maraming bituin.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang may kakaiba sa sarili ko ngayon na parang may gustong lumabas sa kaloob looban ko.

Tumingala ako sa langit at hindi ko alam kung bakit bigla nalang tumulo ang luha ko.

Nung oras na yun, bigla naman  niya akong nilapitan. Hindi ko siya pinigilan na punasan ang mga luha ko dahil parang ang bigat din kasi ng pakiramdam ko.

Hinagkan niya ako at dahil sa ginawa niyang yun, hindi ko maitatangging medyo gumaan ang nararamdaman kong bigat.

Hindi nagtagal, umuwi narin kami ng bahay at agad naman akong nahiga sa malambot na sofa.

Bago ako nakatulog ng mahimbing, nakita ko siyang karga karga si Roy, yung tuta at pinakain ito.

Malalim narin ang gabi at napagod ako ng sobra kaya naman mabilis akong nakatulog.

Mga ilang minuto, bigla nalang akong nagising sa pakiramdam na hindi ko maintindihan.

Nangangati ang katawan ko at ang bilis ng tibok ng puso ko.

May biglang lalaking papalapit saken. May binabanggit siya pero hindi ko marinig.

Parang gusto ko siyang saktan pero may nagsasabing huwag ko daw gawin yun.

Tama. Hindi ko siya sinaktan o baka naman mali lang ang akala ko.

Nung makabalik ako samin, ilang araw din akong nakatulog. Lahat ay nagkakagulo nang dahil saken pero buti nalang may natitira parin akong mga kaibigang lobo at pati na si ama.

Nang dahil sa paglabag ko sa batas ni nunong Cameron, pinatapon niya ako sa kweba sa loob ng tatlong araw.

Kung iba yun, siguradong hindi nila kakayanin. Alam ko ring ginawa ni ama ang lahat para pigilan si nuno pero ayos  lang yun saken kung hindi nagtagumpay si ama.

Sa mga araw ko dun sa kweba, bumabalik ang alaala ko kay Shin. Yung mga panahong inaaway niya ako at sinisigawan, yung pinagtanggol niya ako at yung pamamasyal namin.

Nung makalabas ako galing sa kweba, agad kong sinabi yun kay ama pero nalaman yun ni nuno. Nakabalik nga ako kay Shin nun pero para lang magpaalam. Para makasigurado si nuno na gagawin ko nga yun, sinamahan niya pa ako. Kahit masakit sa kalooban ko, ginawa ko dahil narin kung hindi ko gagawin, mapapahamak si ama.

Walang araw nun na hindi ko iniisip si Shin. Masyado nang malalim ang nararamdaman ko sa kanya kaya napakahirap saken na kalimutan siya.

Naisip ko na ika-18  taong gulang ko na pala sa araw na ito kaya naisip kong kumbinsihin si nuno. Ako mismo ang pumunta sa silid niya at nakiusap.

Hindi siya pumayag pero gumawa ako ng paraan.  Lumabas ako ng lagusan pero sa paglabas ko wala na yung epekto saken dahil naperpekto na ni ama ang pagpapabalik nun.

Tama rin lang ang ginawa ko dahil nandun din si Shin habang tulog na tulog at inaapoy ng lagnat. Wala sa isip ko siyang kinarga at dinala sa silid ko nung bata bata pa ako.

Sa inaasahan, nalaman na naman yun agad ni nuno pero hindi niya naman ako sinaktan.

Sabi lang niya na napakatigas daw ng bungo ko at manang mana daw ako kay ama.

Hindi ko alam at bigla nalang niyang kinuha ang kwintas ko. Papalag pa sana ako pero nagsalita siya ulit.

Kung gusto ko daw makasama si Shin, kailangan daw muna niyang makapasa sa pagsubok. Hindi niya sinabi kung anong klaseng pagsubok yun pero susubukan daw niya ang tapang ni Shin.

Tatakutin niya daw ito at pipilitin na pumunta sa West Hill ng walang sinumang kasama.

Nag alala ako sa kanya pero may tiwala din ako. Sa inaasahan ko, nakarating nga siya sa West Hill.

Masaya ako dahil nagawa niya pero nagtataka ako dahil wala paring pagbabago sa ugali ni nuno. Alam kong sinasabayan niya lang kami dahil nga kaarawan ko.

Nung umalis siya, sinabi niyang may  ipaghahanda daw na okasyon.

Umaasa ako na sana Kasalan ang ipagdiwang namin at hindi ang kaarawan ko.

Sana nga kasalan.
Kasalan.
Kasalan.

A/N: Ano kayang okasyon?
Hulaan niyo kaya 😉😉

My Stupid Girlfriend (WILL BE EDITED SOON)Where stories live. Discover now