Chapter 16

1.3K 36 0
                                    

MY STUPID GIRLFRIEND

CHAPTER 16

Pagkatapos kung makuha ang kinakailangan ko para sundan si Reiku tulad ng mapa at tubig, mabilis na akong umalis sa lugar na yun.

Hinanap ko ang kotse ko pero hindi ko na makita.

"Dito lang yun eh. Dito ko lang yun pinark eh" ako sabay kamot sa ulo

Bigla ko namang naalala na hindi pala ito ang totoo kong mundo, sabi nga nung matanda.

Lakad takbo ang ginawa ko. Habang naglalakad, nakatingin lang ako sa mapa at yung may ex na pula, dun ako pupunta.

"West Hill? Ang layo naman" bulong ko

Sumagi sa isip  ko ang sinabi nung matanda.

"Ito ay magsisilbing pagsubok para sa iyo mortal, pag naibalik mo siya dito, papayagan na kitang isama siya sa mundo niyo"

Gagawin ko ang lahat para makarating agad sa lugar na yun. Baka ano nang nangyayari sa kanya ngayon. Baka natuklaw na siya ng ahas o di naman kaya, hinahabol ng lion.

Teka? May lion ba dito?

Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa may madaanan akong batis. Malinaw ang tubig nito at napaka kalmado. Pwedi ka ngang manalamin eh.

Inilapag ko muna ang mga gamit ko sa damuhan at naghilamos dun sa tubig. Pagkatapos, nagpatuloy na ako.

Hanggang kailan ba kasi ako maglalakad? Kung sa bagay, hindi rin naman makakadaan ang kotse dito kasi masyadong magkatabi ang mga puno. Isama mo pa ang malalaki nilang ugat na halos bungkalin na yung lupa.

Bumuntong hininga ako saka kinuha ang hairclip sa bulsa ng pants ko at tiningnan ito habang patuloy parin sa paglalakad.

"Reiku, siguradong magugustuhan mo 'to kaya maghintay ka lang. Parating na ako" bulong ko sa isip

Bigla naman akong nadapa dahil may nakaharang sa daanan ko. Isang tumbang puno.

"Aray, lintik naman!" ako habang nakadapa pa

Natapon tuloy yung hairclip.

May naaninag akong paa ng uso kaya inangat ko ang ulo ko.

"Naku, hindi!" kinuha niya yung hairclip at tumakbo kaya mabilis akong bumangon at kinuha yung gamit ko at yung mapa

"Hoy malaking puting uso! Bumalik ka dito!" sigaw ko habang nakasunod sa kanya

Parang may pakiramdam akong hindi maganda dito. Parang pinaglalaruan ako eh. Bwisit!

Napagod na ako sa katatakbo kaya huminto muna ako sandali. Yumukod ako sabay hawak ng tuhod at humihingal. Malalalim na hininga ang pinapakawalan ko.

Bwisit kang uso ka! Pag nahuli kita, kakainin talaga kita ng buhay!" ako habang pawis na pawis na

Nanghapdi ang tuhod ko kaya napahawak ako dito. Naramdaman kong may basa kaya tiningnan ko ang kamay ko.

"Oh shit!" ako sabay pikit

Nasugatan pala ako kanina sa pagkakadapa.

Habang patuloy ako sa pagsunod sa usong yun, sinasalubong ako ng malamig na hangin kaya sumasayaw din yung buhok ko.

Kailan pa may buhok na sumayaw? Tsk! Parang nahawa na ako sa mga kabaliwan ni Reiku ah.

Humangin ng malakas kaya napatakip ako sa mukha ko gamit ang braso. Hindi ko namalayang nabitawan ko na pala ang mapa.

"Shit, ano ba yan? Kung malasin ka nga naman!!!" sigaw ko

Para akong baliw na sumisigaw dito sa gitna ng gubat.

My Stupid Girlfriend (WILL BE EDITED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon