Chapter 8

1.5K 43 0
                                    

MY STUPID GIRLFRIEND

CHAPTER 8

Pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na hindi totoo ang lahat ng nangyari kagabi.

Yung pulang buwan, yung namumulang mata ni Reiku, yung mga pangil niya at yung matatalim niyang koko.

Idagdag mo pa ang hindi maipalawanag niyang lakas. Kinabig lang niya ako nun pero tumilapon na ako.

"Reiku, ano ka ba talaga?

Bigla ko namang naalala ang nakita kong puting lobo , nakilala ko siya bilang si Reiku dahil sa suot niyang kwintas. Hindi lang yun, siya lang naman ang dumaan dun sa bintana at wala ng iba.

Hindi ko na maalala lahat ng ginawa ko kagabi. Gusto kong sumigaw at tumakbo pero hindi ko nagawa.

Si Reiku, hindi siya isang tao kundi isang lobo?

Hindi! Hindi totoo yun. Panaginip lang lahat o di naman kaya ay nakulong lang ako sa isang bangungot.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at naglakad palabas. Umaasa na makikita ko si Reiku'ng mahimbing na natutulog sa sofa.

Pero, isang nagkalat na bubog ng vase ang nakita ko. Mga ilaw, ang sapin ng sofa ay halos punit punit na. Lalo akong nadismaya sa nakita ko.

Kung ganun...,totoo nga ang nangyari kagabi. Yung pagiging lobo ni Reiku. Yung nakakita ako ng Lima pa sa labas nung sinundan ko siya.

Pinapalibutan siya nung lima. May kulay gray, itim, may maabo at puti tulad nung kulay niya.

Inaatake siya nung nakaputi pero wala silang magawa. Halos hindi nga ako makagalaw nung tumingin na saken ang mapupula niyang mga mata.

Buti nalang, hinarangan siya nung iba. Mga kasamahan niya kaya yun? Bakit ako pinoprotektahan nung mga lobong yun.

Kung sa bagay, malamang namatay na ako ngayon.

Si Reiku ay wala sa sarili niya. Nagwawala siya. Nagbago siya kasabay ng pagbabago ng buwan.

Isa siyang taong lobo. Yun ba ang dahilan kung bakit wala man lang siyang kaalam alam ? Kahit ang tamang pagsubo sa pagkain, hindi niya alam.

Tinawag ko pa man din siyang bobo sa isipan ko. Kalaunan, nasanay rin ako sa mga kalokohan niya.

Naupo ako sa sofa at hinimas himas yun kahit punit-punit na.

"Sayang. Hindi ko man lang naibigay sayo ang hairclip na yun" ngumiti ako ng mapakla dahil sa naisip kong yun

Namimiss ko na rin ang mga kabobohang ginagawa niya. Nung pinasabay ko siyang mag tooth brush, sabi ko i spit out niya yung tubig eh pero nilunok lang niya.

Sobrang nandiri ako nun pero siya, napaka inosente.

"Reiku, makakabalik ka pa kaya?" sumandal ako sa sofa at naramdaman kong tumulo ang luha ko pero hinayaan ko nalang yun

Bakit? Bakit ako nagkakaganito? Para sa iba, hindi sapat ang konting panahon  na magkakilala tayo pero para saken, sapat na lahat ng yun.

Aaminin kong hindi ko pa alam ang lahat nang tungkol sayo, pero, kahit ano ka pa, tatanggapin kita.

"Reiku, hahanapin kita" sabi ko sa sarili at tumayo na

Pupunta na sana ako sa kwarto ko para kumuha ng jacket at susi ng sasakyan ng isang tanong na naman ang nabuo.

"Hahanapin kita, pero saan ako magsisimula?"

Nagulo ko nalang ang buhok ko dahil sa naisip kong yun.

Napaupo nalang ako sa sahig at sumandal sa poste. Tumingala ako at pinagmasdan ang kisame.

Naririnig ko namang tumutunog ang cellphone ko pero wala akong ganang sagutin yun.

Mula kagabi, hindi pa ako nakatulog dahil sa kaiisip sa mga nangyari. Sa mga nakita ko, sa pagkawala ni Reiku.

Inaantok na ako pero yung utak ko ang ayaw. Hindi ko na alam ang gagawin.

"Reiku, bakit? Bakit umalis ka ?" ako

"Shin, bakla ang umiiyak" sabi ko sa sarili

Ngayon lang ako nagkakaganito. Namimiss ko siya. Yung pag aaway namin, yung kulitan namin at higit sa lahat yung halik na pinagsaluhan namin sa gabing yun.

"Reiku, iiwanan mo rin ba ako tulad ng ginawa ng pamilya ko saken?

Siguro nga sobra akong naapektuhan sa pagkawala niya dahil sa kanya ko nakuha ang atensyon na pinagdamot ng pamilya ko saken.

Sa sandaling panahon na pinagsamahan namin, nagawa kong gustuhin siya.

Sa inaakto ko ngayon, parang mahal ko na nga ata siya eh.

"Reiku, umuwi ka na" ako sabay pikit ng aking  mga mata

"Hijo" ...isang pamilyar na boses naman ang narinig ko kaya napatingala ako

Ngumiti ako ng mapakla dahil sa presensya niya. Bakit pa siya umuwi? Hindi siya ang kailangan ko.

A/N: Missing muna si Reiku ngayon guys ...PAHIRAPAN muna natin si Shin ,hahahaha

My Stupid Girlfriend (WILL BE EDITED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon