Chapter 2

2.4K 55 6
                                    

MY STUPID GIRLFRIEND

CHAPTER 2

Ayokong matulog sa guest room namin kaya nagtiis ako dito sa sofa. Pinalinis ko pa kasi yung kwarto ko dahil sa kalokohang ginawa ni Reiku.

Habang nakasandal sa malambot na sofa, inis ko siyang tiningnan . Kung hindi lang siya babae baka pinugutan ko na siya ng ulo. Ay, hindi mukhang ang sama ng dating ko nun ah? Gigilitan ko nalang siya ng leeg.

Kaya lang, hanggang isip nalang ako since babae siya. Wala akong ibang choice kundi ang habaan ang pasensya ko na malapit ng maubos.

"Anong tinitingin tingin mo, ha?" galit kong tanong sa kanya

"San tayo matutulog?" balik-tanong niya saken na parang walang nangyari

Asar naman! May gana pa talaga siyang magtanong?

"Dito ako sa sofa matutulog at ikaw..." sabi ko at tumingin tingin sa paligid

"kahit saan basta hindi dito" dagdag ko sabay himas sa sofa

Kinuha ko yung remote ng TV at ini on yun. Nung binaling ko sa kanya yung tingin ko, nakita ko siyang nakahiga na sa sahig kaya binato ko siya ng unan.

"Aray naman" reklamo niya habang nakahawak sa ulo

"Anong ginagawa mo?!" tanong ko ulit

"Hihiga, bakit ?

Hayst! Ako sabay takip sa mukha at bumuntong hininga

"Umalis ka nga sa harapan ko at maghanap ka ng ibang matutulugan basta hindi lang dyan sa sahig !" sigaw ko sa kanya

Tumataas na ata ang presyon ko.

Tumayo naman siya at nagpagpag sa pwetan, habang ginagawa niya yun Tumingin siya saken.

"Ano?" ako
"Mamaya nalang ako matutulog" Hindi rin sila natutulog eh," siya sabay turo sa TV

"HAYST! Bahala ka, basta ako dito ako ngayon sa sofa matutulog" ako

Hindi ko nalang papansinin ang kabobohang ginagawa niya. Saang planeta ba siya galing?

Ba't wala siyang alam kung paano mamuhay dito sa Earth? Taga Mars ba siya?
Oh di naman kaya taga Pluto.

Ginulo ko ang buhok ko habang siya naman papalapit saken at akmang uupo sa kinauupuan ko.

"Oops! Hindi ka nga pwedi dito!"

"Hindi pa ako makatukog eh" siya

"Paki ko ba! "

Nag puppy eyes siya.

Arrrgh! Ano pa nga bang magagawa ko?

"Sige na nga pero--" naputol ang sasabihin ko ng bigla napang siyang umupo sa tabi ko, mismo.

"Yeyyy" siya at mukhang ang saya saya pa 😒

"Umusog ka nga" ako
"Usog sabi" dagdag ko at pinagtutulak siya

"LOLOOOOOO!!!!! sigaw ko sa isip

Hanggang sa mag alas dyes ng gabi, hindi parin ako makatulog dahil sa kaiisip sa baliw kong ampon! Nilibang ko nalang ang mata ko sa panonood pero ang isang to, nakasandal na sa balikat ko yung ulo niya.

"Hoy, gising na dyan at maghanap ka ng matutulugan! bulong ko sa kanya

Ayun, gumalaw lang ng konti. Lintik na babaeng to !

Inusog ko siya at pinahiga sa sofa. Wag niyong sabihing naaawa ako sa kanya. Eh kung sa sahig ko naman siya patutulugin, baka sumakit pa yung tiyan niya. Tapos baka tumae siya kung saan, wala pa namang utak ang isang to.

Tsk!

Mahimbing siyang natutulog habang ako, nakaupo lang at tinititigan ang mukha niya. Ay ,hindi. Nanggigigil pala ako sa kanya, ang sarap tsumbagin. Sana hindi na siya magising eh.

Humikab ako. Parang dinadalaw na ako ni antok eh. Pinuwesto ko ang likuran sa sofa at pipikit na sana ako ng bigla kong napansin si REIKU na gumalaw at niyakap ang sarili.

"Bahala ka diyan" bulong ko at pumikit na pero kahit anong gawin ko, paulit ulit na nagpa flash sa utak ko yung pagyakap niya sa sarili

"Oo na, kukumutan ko na siya" ako sabay kamot sa ulo at tumayo na para kumuha ng kumot

Kung hindi niya lAng kasi ginulo ang kwarto ko, hindi sana ako magkakaproblema.

Teka, kahit naman hindi niya yun ginulo, kahit saang parte, panggulo lang siya.

Nung makabalik na ako sa sala, nakita ko siyang nakahiga na sa paanan ng sofa. Nahulog yata, buti nga sayo.

(bleh!)

As usual, wala akong ibang choice kundi buhatin siya at ibalik sa sofa tapos kinumutan ko na siya.

Ako naman, pumwesto na ulit at pumikit.

SOMEONE'S P.O.V

Kung hindi lang dahil sa katigasan ng ulo niya, hindi sana siya mawawala. Pati tuloy ang konseho, namomroblema dahil sa katangahan niya.

Pinakalat na namin ang lahat ng intelligence na meron kami para mahanap siya pero wala pa rin. Posible kayang......hindi niya kami naaalala.

Dahil kung naaalala niya kami, hahanap at hahanap siya ng paraan para makabalik. Yun kaya ang epekto sa kanya ng paglabas sa lagusan?

"Pinuno, wala parin pong balita sa kanya" ang tauhan ko

Naku, paano ba yan!! Anak, saan ka na ba napunta ?! sa isip ko

"Lahat na ba ng intelligence ay napadala na sa mundo ng mga tao ??" ako habng nakatalikod sa kanya

"Opo pinuno"

Hindi ko siya sinagot at nag isip muna ako

"Kung ganon, wala na akong ibang pagpipilian kundi sundan sila dun sa lugar na yun. Kailangan kong mahanap ang anak ko bago ang sinag ng bilog na buwan" sa isip ko

"Sige na, makakaalis ka na" kalmado kong utos sa tauhan ko.

# 😉
#to_be_continued...

My Stupid Girlfriend (WILL BE EDITED SOON)Where stories live. Discover now