Chapter 13

1.3K 32 0
                                    

MY STUPID GIRLFRIEND

CHAPTER 13

Hanggang ngayon, pilit parin nila akong pinapasama sa Italy.

"Ilang beses ko bang kailangan tumanggi sa inyo,huh? Isang milyong beses?!" medyo napapasigaw na ako

Nakita ko kasi na may tatlong dala dalang ticket si Mama eh kaya siguradong akin yun pero pag nahawakan ko talaga yun, pupunitin ko yun at susunugin.

"Kenneth, hayaan nalang natin siya. Total school days ngayon at kailangan niyang pumasok" panunuyo ni mama kay Dad

"Nishida! Diba sabi ko pagsabihan mo yang anak mo?!" si Dad habang galit na nakatingin kay Mama

Tsk! Bahala ka sila.

Kinain ko nalang yung pagkain na hinanda ni Manang saken. Nakakamiss rin kasi ang home made eh kesa sa mga resto na pabalik balik lang recipe.

"Iwanan niyo na ako total diyan naman kayo magaling eh" ako habang ngumunguya

Nilakasan ko talaga yung boses ko pero bigla nalang may tumapik sa balikat ko

"Manang?!" sigaw ko kay Manang

Nakatingin siya saken at parang sinasabi ng mata niya na "hayaan mo na sila".

"Ken, alis na kami. Baka sa susunod na buwan pa ang balik namin kasi didiretso pa kami sa--" pinutol ko ang  sinasabi ni Mama

Ngayon ko lang ata narinig na nagpapaalam siya. Dati kasi kay Manang ko nalang naririnig kung saan sila pumupunta

"Bye" walang gana kong sabi kaya bumuntong hininga si Mama and naglakad na palabas

Napatigil ako sa pagkain dahil parang may nagawa akong mali. Nkatingin lang ako sa mesa pero yung isip ko, lumilipad. Kailan pa nagkapakpak ang isipan ko?

"Manang ,labas muna ako. Magpapahangin lang" sabi ko kay Manang

Hindi ko na siya inantay na sumagot at naglakad na ako papunta sa garden at naupo sa may bench kung saan ako nakaupo kagabi at nakita si Reiku.

Alam kong hindi yun panaginip. Sigurado ako dun.

"Reiku..." kung alam ko lang kung saan ka nakatira ngayon. Kukunin na kita. Parang hindi ko ata kaya na hindi ka makita eh.

Tumayo ako at pumitas ng bulaklak.Ini imagine ko na nilalagay ko to sa ulo niya at napakaganda na niya tingnan.

Napangiti ako. Alam kong hindi mo rin ako matitiis Reiku.

Ano bang dahilan niya at nahihirapan siyang bumalik?

KERUS P.O.V

  Dalawang linggo na ang lumipas mula nung makabalik si Reiku sa tahanan namin.

Pinarusahan siya ni Ama pero hindi pisikal na pasakit ang inihatol niya kay Reiku.

Ginawa ko ang lahat pero wala, walang nagbago sa pasya niya.

"Batas ko ang masusunod at hindi ang batas mo" sabi niya saken

Ikinulong ni Ama si Reiku sa loob ng kweba at pinagbawalan na makita ako. Yun ay parusa niya sa loob ng tatlong araw.

Kung hihingan ng opinyon ang iba tungkol sa kweba, bihira lang ang makayanan ang parusa na yun dahil yun ay lugar na tapunan ng mga bangkay.

Pinagdasal ko na sana bumilis ang takbo ng oras para makalabas na siya. Hindi nagtagal, ang araw ng kanyang paglaya ay dumating na kaya agad ko siyang sinalubong pero hindi naman siya masaya.

"Ama, may gumugulo sa akin" siya habang nakatingin sa 'king mga mata

Kumunot ang noo ko sa simabi niyang yun

"Lagi akong may napapanaginipan ama. Isang lalaki pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita noon" siya na ngayo'y nakatalikod na saken

Hindi kaya, naaalala na niya ang lalaking yun?

"Anak, masyado ka lang pagod kaya magpahinga kana" ako at inihatid na siya sa kanyang silid

Ilang araw pa mula nong malaman kong nagpunta pala siya kay Shuga, ang kaibgan niyang salamangkero at ano pa nga bang mangyayari? Nalaman yun ni Ama.

Lingid sa kaalaman ni Reiku na may karagdagang parusa na ipapataw sa kanya pero hindi pa yun agad isiniwalat ni ama saken.

Ilang oras pagkatapos ng usapan namin ng nuno niya ay dinakip ako ng mga tauhan ni ama at tinalian. Pagkatapos, kinulong nila ako sa isang madilim na silid.

Nung una ay naguluhan ako. Humanap ako ng butas para may masilipan sa labas at nakita ko si Reiku na umiiyak habang kaharap ang nuno niya.

"Lumabag ka na naman sa patakaran ko Reiku. Ang tigas talaga ng ulo mo. Kung sa kweba ay hindi ka tumino, ano kaya kong ang ama mo nalang ang gagamitin ko?"

Halatang nagulat si Reiku sa pahayag ni Ama. Anong ako ang gagamitin. Patuloy akong nakinig sa usapan nila hanggang sa malaman kong balak pala ni Reiku na pumunta sa mga tao at hanapin ang lalake na siyang pinahayag ni Shuga.

Pag hindi kasi nagsalita si Shuga, siguradong papatayin din siya ni ama. Ganun kasama ang mangyayari sa sinumang lalabag.

"Sasamahan kita dun para makasiguro akong magpapaalam ka na sa mortal na yun. Kung hindi mo gagawin, ipapatapon ko sa balon ng Iman si Kerus na siyang hindi mo gugustuhin" pahayag ni ama

Ang balon ng Iman ay mapanganib. Oras na mahulog ka dun ay mamamatay ka.

Mali ito. Tinakot ni ama si Reiku para gawin ang bagay na alam kong ikakasakit ng damdamin niya.

"Nuno, wag namang ganito" si Reiku

Tumalikod si Ama at nagsalita ulit

"Ngayong gabi ay aalis tayo. Yan na ang magiging huli mong pakikipagkita sa mortal na yun" si ama at naglakad na palayo habang si Reiku naman ay hinawakan sa magkabilang kamay para hindi makasunod.

Naupo ako sa silid at kahit ibuka ko pa ang mga mata ko, wala rin naman akong makita.

"Reiku, pasensya ka na. Kung kaya ko lang lumabas dito, patatakasin na kita.  Sana  isipin mo ang payo ko sayo noon.

"Kung saan ka masaya dun ka, wag mong ipagpilitan ang sarili mo sa bagay na pakiramdam mo sakit lang ang hatid nito"

A/N: Good day everyone. Enjoy reading..

My Stupid Girlfriend (WILL BE EDITED SOON)Where stories live. Discover now