Chapter 3

2.2K 46 0
                                    

MY STUPID GIRLFRIEND

CHAPTER 3

Naalimpungatan ako nung maramdaman kong may pumipisil sa matangos kong ilong. Pagdilat ng mga mata ko, buong mukha ni Reiku ang tumambad saken.

"Anong ginagawa mo, ha!?"  ako habang nakatayo na dahil sa gulat ko

Makakita ka nga naman ng mukhang unggoy (biro lang)

"Ginigising ka? Kanina pa kaya ako dito   pero ayaw mo parin magising"  kalmado niyang paliwanag

Ilang sandali pa, nakita ko si Manang Bebet na papunta sa direksyon namin habang may dala dalang tasa ng kape.

Nilapag na niya yun at tumayo sa harap ko. Parang alam ko na? May gusto ata siyang sabihin eh.

"Uhm, Shin.... Kasi.." utal utal niyang pasimula

"Ano yun Manang? Sabihin niyo na dahil may gagawin pa ako"

"Shin, okay lang ba kung aalis ako. M ay..-

Pinutol ko ang sasabihin niya.

"Naku, bakit ngayon pa eh mas kailangan kita ngayon? ako habang nakakunot ang noo

"Babalik rin naman ako hijo. May kailangan lang akong asikasuhin" panunuyo niya

Hindi ako nakasagot. Alam ko naman na may responsibilidad din siya sa kanila kaya bago pa ako magwala dahil sa inis eh pinaalis ko nalang siya sa harapan ko.

Nung makaalis na siya , iinumin ko na sana yung kape kaya lang kalahati nalang yung natira. Nakita ko naman si Reiku na nakaupo sa sofa habang labas yung dila at pinapaypayan gamit ang dalawa niyang kamay.

"Reiku, ininum mo  ano? ako sabay turo sa  tasa ng kape

Umiling iling siya habang pinapaypayan yung dilang nakalabas.

Aba, aba! Dini deny pa eh halata naman.

"Hayst, tinatamad pa naman akong magtimpla ng sarili kong kape kaya.....
iinumin ko nalang to" sa isip ko sabay abot ng tasa

Inamoy amoy ko muna bago yun ininom. Mahirap na dahil baka mahawa pa ako sa kabobohan niya. Virus pa naman yun, nakasasama sa kalusugan.

Mga 1:00 pm na nung lumabas ako ng bahay. Sinubukan kong libangin si Reiku sa panonood ng TV para hindi niya magulo ang pupuntahan ko kaya lang masyado atang matalas ang pandama niya eh.

Nag tip-toe na ako sa paglalakad at hindi man lang gumagawa ng ingay. Dumaan ako sa likuran niya at nakita ko namang libang na libang siya hindi sa panonood kundi sa pagpindot ng remote. Paulit ulit niya yun ginagawa kaya ayun walang permanenteng channel.

Malapit na ako sa pinto ng magsalita siya

"Saan ka pupunta Shin? siya kaya napakamot nalang ako sa batok

"Paki mo?" pagtataray ko

Nagtataray din pala ang lalaki, hahaha

"Siyanga pala, Shin ang tawag sayo ni Manggang Bebet kaya yun din ang itatawag ko sayo" siya habang nakatingin saken pero patuloy paring pinipindot yung remote

"Manang Bebet, hindi Manggang Bebet.Tsk! Tsaka yung mahal ko lang ang pweding tumawag saken ng pangalan ko kaya young master ang itawag mo saken, maliwanag?

Bigla naman siyang tumingin sa paligid at nagtatakang tumingin ulit saken.

"Maliwanag naman talaga ah? Madilim na ba para sa paningin mo? siya

Grrrgh! Talagang  baliw na ako!
Nagpumilit siya kaya wala akong ibang nagawa kundi ang isama ang baliw na babaeng to kasi naman ang kulit. Siya na yata ang pinakamakulit na taong nakilala ko at ang...

PINAKABOBITA! Shhh, secret lang natin yun ah!

Birthday kasi ngayon ng tropa kong si Gab kaya siyempre hindi ako pweding umabsent  sa pool party na hinanda niya.

Alam ko rin kasi na aalis si Manang Bebet kaya kahit 1;00 pm palang eh nag decide na akong umalis, at siyempre kasama ko si Reiku.

Gusto kong pigilan si Manang na wag umalis pero ang sabi niya kailangan daw ,eh kailangan ko rin naman siya ah lalo na ngayon na baliw tong naampon ko.

Pero, ayaw niya magpapigil. Paano ko kakayanin ang trabaho sa bahay eh siya na nga lang ang kasama ko maliban kay Reiku na dagdag problema.

Hayst, di ko na talaga alam ang gagawin .Eh kung ibalik ko nalang kaya si Reiku sa gubat kung saan ko siya nakita. Siguradong mawawalan na ako ng problema.

Tsk! Gusto man ng isip ko pero nakikipagtalo parin ang puso ko.

Arrrgh! Ano ba tong naiisip ko?

Habang nasa biyahe kami, sinulyapan ko si Reiku habang nalilibang sa panonood ng dinadaanan namin. Halos halikan na nga niya yung salamin ng pinto eh.

"Reiku, pagdating natin dun, wag mo naman sanang kalimutan ang usapan natin" ako habang diretso lang ang tingin

"Alin dun?" siya , di man lang ako nililingon

"Kita mo? Nkalimutan mo na agad ang usapan natin? ako habang umiling iling

Ang nasa isip ko kasi eh kung isasama ko siya sa loob, baka guluhin pa niya yung party ni Gab.

NAKAKAHIYA YUN NUH?

"Ganito nalang, habang nasa loob ako, dito ka nalang sa kotse mag antay" ako at sumulyap sa kanya sandali

Nakikinig ba siya? -_-

"Sige, okay lang saken yun" siya na ngayon ay nakaharap na sa daanan

" KAhit matagalan ako , wag na wag kang aalis dito sa kotse maliwanag ?"  ako

"Kahit anong mangyari, hindi ako aalis dito" pag ulit niya sa sinabi ko habang tumango tango pa

Tsk! Inulit mo lang naman ang sinabi ko eh

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng gate, dito sa bahay ni Gab.

...
Aba, nandito rin ang iba naming tropa ah!  Nakapark kasi yung mga kotse nila dito sa labas eh. Alangan namang sa bubong nila i park.

Lumabas na ako ng kotse kaya ginaya niya rin ako.

"Reiku, dito ka lang ah. Hindi ka pweding pumasok dahil...."

Ano bang dapat kong ipalusot?

"Dahil ....walang magbabantay sa kotse. BAka tumakbo pa yan okay?!" palusot ko

Tumango tango naman siya

Grabe, talaga bang wala siyang kaalam alam?

"Sige, diyan ka na at mag do doorbell na ako" ako tas nag wave lang sa kanya

Tiningnan pa niya ang kamay niya bago kumaway saken. Mahilig talaga siya manggaya nuh?

Naglakad na ako papunta sa gate at isang doorbell ko lang eh bumukas na.

Tumambad saken ang naka shorts lang na si Gab.

"Uy bro, antagal mo naman" siya sabay tapik sa balikat ko habang sinasara ko yung gate

"Hindi  naman, may inasikaso lang. 'Lam mo na" palusot ko habang papasok na kami sa loob

"Ooopps, siyempre di ko makakalimutan ang regalo ko sayo" ako saka kinuha yung susi na nasa bulsa ko

Tuwang tuwa naman siya nung inabot ko sa kanya ang susi ng BLACK FORTUNER.

"Whoa, Fortuner talaga bro? Di ba pweding Sports Car? Ang barat mo naman." siya

"Eh kung basagin ko yang gwapo mong mukha?!" ako

"Eto naman, di mabiro. Siyempre ayos na to nuh?" siya at inakbayan ako

Kulit talaga. Tsk!

"Tara na nga! Kain muna tayo" siya at hinila na ako

Sa araw na yun, nawala sa isip ko na may naiwan pala ako sa labas. ISANG BABAENG NAGNGANGALANG Reiku.

#to_be_continued...

My Stupid Girlfriend (WILL BE EDITED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon