Chapter 20

2K 38 5
                                    

 MY STUPID GIRLFRIEND

CHAPTER 2O

KENSHIN'S P.O.V

Pagkatapos ng salu-salong inihanda ng matanda ay nagpahinga na kami sa nasabing room na yun.

Akala ko pa naman wedding of the year na.

Sabi pa nung matanda, magpahinga na daw kami dahil marami pa kaming pag uusapan bukas.

Habang nakahiga, nasa isip ko parin ang lahat ng nangyari. Mula nung nagdecide akong pumunta sa gubat.

Nung nagising ako at nakita ang kakaibang lugar,

nung nakilala ko ang matanda,

nung naglakad ako sa gitna ng manyebeng lugar at nakakita ng malaking puting uso hanggang sa matagpuan ko na ang hinahananap ko.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko sa akala na panaginip lang ang lahat pero nangyayari naman pala talaga.

Nainis pa ako dahil sa kabilang silid pinatulog si Reiku. Kahit kailan kontrabida talaga ang matandang may mataas na bigote na yun. Kala niya kasi kinagwapo na niya ang pagiging strikto niya kay Reiku eh.

Pinikit ko na ang mga mata ko para narin makapagpahinga. KAhit sa panaginip ko, dinadalaw parin ako ni Reiku. Ganito pala talaga pag inlove nuh? Matatagpuan mo talaga siya kahit sa pagtulog mo.

Ang totoo niyan, first love ko si Reiku dahil yung mga past girlfriends ko pinaglalaruan ko lang. Sila naman kasi tong pumupulupot saken kahit hindi ko sila gusto. Masyadong maaarte at kung ano ano ang dinedemand.

Ibang iba talaga si Reiku sa kanila. Walang arte, napaka inosente pero may dating. Hindi tulad nung mga asungot nayun, gumaganda lang dahil sa kapal ng make up.

Kaya ko siguro nagustuhan ng ganun kadali si Reiku. MAhal ko siya dahil siya yung babaeng nagbigay kaligayahan saken na ni minsan hindi naibigay ng parents ko.

Ayoko na siyang pakawalan kaya sana, payagan ako ng matandang may bigote na yun na makasama si Reiku habang buhay.

Sana nga.

Pagkagising ko, bumangon ako agad at sinalubong ang malamig na hangin. PArang hindi yata tatagal ang katawan ko dito. Pati buto ko hinihigop ng hangin eh at hanggang buto yung lamig.

Hindi tulad sa mundo ko na masyadong mainit at kailangan mo pang i on ang aircon para malamigan.

Bakit ba may nyebe dito? Dagdag pa sa pagpapasensyahan ko eh. Grrrr.

Bakit sa Pinas walang nyebe para di ko narin kailanganin ang aircon tsaka dagdag pa sa bayarin ko.

Oopps, dont get me wrong! Kahit mayaman ako, kailangan ko ring magtipid.

Wala kasing forever.

Walang forever sa pera. 😉

Lumabas na ako at agad naman akong sinalubong nung ama ni Reiku na si Manong  Kerus. Mabait siya ,kabaliktaran nung matanda.

Bakit ba yun laging nakasimangot? Kung sa bagay, ganun din ako dati nung hindi ko pa nakilala si Reiku.

Teka, nasan na nga ba siya? tanong ko sa isip

"Sumunod ka saken" mahinahon na sabi ni Manong

Sumunod naman ako hanggang sa makarating kami dito sa Colorful na room.

Ganda tingnan kasi catchy sa mata. Talagang hindi mo mapapalampas na tingnan kasi masyado ring creative ang pagkakagawa.

Mga lobo kasi ang nakaukit at tao.

My Stupid Girlfriend (WILL BE EDITED SOON)Where stories live. Discover now