Chapter 12

1.3K 36 0
                                    

MY STUPID GIRLFRIEND

CHAPTER 12

Midnight na pero di parin ako makatulog. Umiikot parin ang paningin ko at yung ulo ko parang mabibiyak na.

Lumabas ako ng bahay at umupo sa may bench, malapit sa may garden.

Tumingala ako sa langit at nakita ko ang napakaraming bituing nagniningning.

Naalala ko noon si Reiku na nakatingala sa langit at umiiyak. Wala akong ibang alam kundi ang yakapin siya't hagkan para maibsan ang sakit na nararamdaman niya.

Bigla akong mapatingin sa paligid dahil may narinig akong kaluskos. Lingon sa kanan, kaliwa, harapan at likuran ang ginawa ko.

Pakiramdam ko may nakatingn saken. Lumapit ako sa may masukal na bulaklak at tumambad saken ang isang kulay puting lobo.

Ang tutulis ng mga pangil niya pero itim ang mga mata. Mukhang galit ito kaya agad akong sinunggaban.

Pero sa pagkakataong to, hindi naman ako natatakot dahil magaan ang pakiramdam ko sa kanya.

Dahil sa pagsunggab niya saken, nanatili akong nakahiga sa damuhan. Ilang sandali pa, umilaw ang katawan ng lobo kaya napapikit ako.

Nabuksan ko lang ang aking mga mata nang may maramdaman akong patak ng tubig sa mukha ko.

At nung nabuksan ko na yung mga mata ko, tumambad saken ang mukha ni...

Ni....

Ni...

"Reiku?" gulat kong sambit sabay yakap sa kanya.

Hindi ako makapaniwala na siya ang nakikita ko pero umiiyak siya. Hindi ko pa naman gusto na makita siyang umiiyak.

Humiwalay siya saken at naupo sa may damuhan kaya yun din ang ginawa ko.

"Reiku, anong dahilan at hindibka agad bumalik?" seryoso kong tanong sa kanya

Ibinahagi niya saken ang lahat ng nangyari. Sabi niya, nung makabalik siya sa kanila, hindi niya ako maalala hanggang isang araw ay lagi ko na daw siyang dinadalaw sa panaginip niya.

Sinabi rin niya sa akin na palihim siyang humingi ng tulong sa kanyang kaibigang salamangkero na may bolang kristal. Sa bolang kristal daw niya tinanong kung sinong lalaki ang laman ng panaginip niya.

"Nakalimutan ka nga ng isipan ko Shin....."pasimula niya at lumingon saken

"Pero hindi ang puso ko" dagdag niya sabay ng pag agos ng kanyang mga luha

Kanina pa siya umiiyak ah. Imbes na nagkita na kami, mas pakiramdam ko mas lalo siyang nalulungkot.

"Reiku, nagpapasalamat ako dahil buma--" pinutol niya ang sasabihin ko at tumayo

Tumalikod siya saken sabay punas ng luha niya at nagsalita ng seryoso

"Shin, lagi mong tandaan na kahit anong mangyari mananatili ka sa alaala ko. Hindi kita makakalimutan" siya

Ano bang pinagsasabi niya? Hindi ko siya maintindihan

"Naikwento saken ni Ama ang nagawa ko sayo noong ako ay naging lobo.  Pag nagtagal pa ako sa tabi mo, baka mas malala pa ang magawa ko sayo" siya at humarap saken

"Ayokong humantong sa punto na ako pa mismo ang makapatay sa taong mahal ko Shin"

"Teka, tama ba yung narinig ko?" "Mahal mo'ko?" ako at lumapit sa kanya pero unti unti naman siyang lumalayo

"Wag ka nang humakbang pa kundi--" siya

"Kundi ano? Sasaktan mo'ko? Alam kong hindi mo yun kayang gawin" ako

"Shin, makinig ka. May mga bagay sa mundo na kailangan nating isakripisyo kahit na tayo ay masaktan. Kalimutan mo na ako at mamuhay ka ng masaya" siya at tumalikod ulit

Ano bang sinasabi niya? Paano naman ako magiging masaya kung ang taong mahal ko este ang taong lobo na mahal ko ay hindi ko kasama? Nagbibiro lang siguro siya

"Tapos na ang pamamaalam mo Reiku. Umuwi na tayo!" may narinig akong nagsalita sa may likuran ni Reiku.

Nakasuot ito ng hood kaya hindi masyadong kita ang mukha niya.

"Teka, pamamaalam? Reiku, anong ibig sabihin nito?"

Hindi nasagot ni Reiku ang tanong ko dahil bumalik na ulit siya sa pagiging lobo kasama ng kulay itim na lobong yun. Sino kaya siya??

--------

Nagising ako dahil sa malakas na katok sa pinto ng kwarto ko. Tiningnan ko yung cellphone ko at nakitang kong 8:00 na pala ng umaga.

"Hijo, bumaba ka na riyan para makapag almusal ka na"

Teka, parang kilala ko ang boses na yun ah

Bumangon na ako saka binuksan ang pinto. Nakita ko si Manang Bebet na may dalang tray ng pagkain.

"Manang? Kailan pa kayo nakabalik? ako habang nakakunot ang noo

"Ah eh, ngayon lang. Tara na sa baba para makakain ka na" siya

Bababa na sana ako ng bigla ulit siyang magsalita.

"Sandali, pwedi bang magsuot ka naman ng damit, Hijo?" siya at nauna ng bumaba

Tiningnan ko naman ang sarili ko at nakita kong naka shorts lang pala ako kaya bumalik ulit ako sa kwarto.

Naalala ko yung nangyari kagabi dahil sa hairclip na nakadisplay sa may paanan ng lampshade ko. Hanggang ngayon, hindi ko parin naibibigay sa kanya.

Binuksan ko ang closet ko at kumuha ng kulay puting sando saka sinuot. Umupo muna ako sandali at hinawakan ang hairclip.

"Reiku, balang araw maibibigay ko rin to sayo" ako sabay ngiti

Umaasa ako na magkikita pa kami at panaginip lang yung nangyari kagabi.

"Hijo, bumaba ka na! Bilisan mo dahil kailangan niyo na raw umalis! sigaw ni Manang Bebet

Teka, umalis? Arrgh! Sabi ng hindi ako sasama sa Italy eh! sigaw ko sa isip

A/N: Vote and commentsssss ...

My Stupid Girlfriend (WILL BE EDITED SOON)Where stories live. Discover now