Chapter 3: Two Worlds Collide

1.1K 34 7
                                    

Savannah Ysabel's

Nasa kalagitnaan ako ng pag pigil ng antok ko ng biglang bumukas ang pintuan ng classroom. Lahat naman kami napatingin.


Isang chinito na lalaki na pawis na pawis na pumasok ng room. Teka nasa langit na ba ako? Bat may Anghel akong nakikita? 


Bigla tuloy ako nagising. Isang chinito lang pala ang kailangan ko eh.


"Sorry Ma'm I'm late" Sabi ni chinito guy.


"It's okay. Wag mo na lang uulitin" Sabi sakanya nung prof namin. Sus si Mam kung makasabi ng ganyan akala ko naman hindi  late palagi, ngayon lang naman siya maaga.


Umupo na siya sa second to the last row sa right side malapit sa door. Kami naman nasa dulo sa left side. Pa cool kami eh. Charot lang. Tumatakas talaga ako sa pag tulog.


"Oy tunaw na si Sky" Nagulat naman ako ng biglang nag salita si Aya.


"Huh? Sky? Siya yung Sky?" Di makapaniwalang tanong sakanya.


"Oo. Siya yan! Ano kinakain mo na ba ang sinabi mo?"


"Hindi......Hindi naman pala siya mukang bakla" Sagot ko sakanya. Natawa naman yunh dalawa sakin.


"Nako may target ng panibago si Ysa!" Biro ni Dani.


"Hay nako mahihirapan si Ysa! Balita ko wala sa utak niyan ang mag girlfriend. Puro aral lang" Napa kunot naman ang noo ko sa sinabi niya.


"Never? Ano yan? Bakla ba talaga siya?" Sabi ko sakanila. Tinignan ko naman si Sky.


Hindi naman siya mukang dead kid kaibigan din naman siya yung mga katabi niya na which is kilala din sa school. Ako na ang judgmental. Pero kahit na.  Atsaka hindi halata na puro aral lang siya! Muka siyang babaero! Char.


"Hoy hindi yan bakla! Atleast may goals yan sa buhay kesa naman dun sa mga nanligaw sayo!" Aya said.


Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong na curios kay Sky. Parang gusto ko pa siyang kilalanin?


"Tres Marias ano nanaman ang pinag uusapan niyo diyan?" Natigilan kami sa pag chichimisan ng mag salita yung prof namin.


Sanay na kami ng ganito, yung palaging nasisita. Wala akong pake sa isipin nila. Bakit ba eh di mag daldalan din sila!


"Pinag uusapan lang po namin kung kelan gagawin namin yung project na binigay niyo po samin" Palusot ni Aya.


Ganito lang yan guys, kung makikipag daldalan kayo be sure ready palagi ang mga sagot niyo.

If We Fall In LoveWhere stories live. Discover now