Chapter 45: Remember me

700 26 13
                                    

Savannah Ysabel's

Dumaan ang pasko at new year. Walang araw na hindi ko iniisip si Sky. Walang araw na hindi ako umiiyak. Hanggang ngayon hindi ko makalimutan ang mga masasayang araw kasama siya.

Hanggang ngayon naalala ko parin yung nangyari sa Christmas party.

Buong break wala akong ibang ginawa kung di mag kulong sa kwarto, umiyak, tumulala. Ilang beses kong gustong tawagan siya pero di ko magawa.

Iniisip ko palang na ikakasal sila ni Anna, hindi ko na kaya. Pano pa kaya pag nangyari na?

Akala ko maaayos pa namin, akala ko may pag-asa pa kami. Ako na lang ata ang lumalaban.

"Ysa are you ready?" Narinig kong tawag sakin ni Kuya Stephen.

"Yes wait lang" Sagot ko sakanya.

Ngayon ko kasi ang enrollment namin, napilit naman ako nila kuya na sumama. Ngayon na lang ata ulit ako lalabas simula nung nangyari sa party.

Pag labas ko agad kaming umalis ni Kuya Stephen. Sila kuya Zach bukas na lang daw mag e-enroll madami pa kasi silang requirements sa school na di pa natatapos.

"Kuya puntahan ko lang muna sila Aya" sabi ko kay kuya nang dumating kami sa school.

"Sige punta muna ako sa finance" Kuya said.

Pinuntahan ko naman sa may field sila Aya. Pag dating ko dun andun din sila Tristan and Carlo. Andito kaya si Sky? Ngayon din kaya siya mag eenroll.

"Ngayon ang alis niya" Tristan said. Mukang di pa nila ako napapansin na dumating.

"What?! We need to tell her!" Aya said.

"Yun ang sabi nga namin, pero ayaw niya ipasabi kay Ysa" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Carlo.

"Ano ang ayaw ipasabi sakin?" Napatingin naman lahat sila sakin. Wala sakanila ang nag sasalita. They are just looking at me.

"Ano yun?!" Tanong ko ulit.

"Si Sky. Aalis na siya. He's going to new york for good" Bigla ako nanlambot sa sinabi ni Dani.

"A-no? Totoo ba yan?" Sabi ko sakanila.

"Ngayon lang din niya samin sinabi. He said hindi na siya mag eenroll. He's going to continue his studies in new york. With Anna" Tristan said.

"Asan siya? Puntahan natin siya" Sabi ko sakanila.

"Pero Ysa" Pigil nila sakin.

"Please? Ayokong may pagsisihan ako" Pag mamakaawa ko sakanila.

Madami pa akong gustong sabihin sakanya.

"Okay let's go. I'll drive" Tristan said. Kaya agad kaming pumunta lahat sa sasakyan niya.

I texted kuya at sinabing hindi ako mag e-enroll ngayon dahil hahabulin ko si Sky sa airport. After nun pinatay ko ang cellphone ko para di niya ako matawagan.

Habang nasa byahe di ko maiwasan mag panic. Pano pag traffic? Pano pag di ko siya maabutan?

After an hour nakarating na rin kami sa airport.

"Nasa parking lot sila" Sabi naman ni Carlo kaya nag drive papuntang parking lot si Tristan.

"How did you know?" Tanong ko sakanya.

"Kuya brandon" Simpleng sagot niya.

Habang nag lilibot kami sa parking lot ng airport, nakita ko si Sky at kuya Brandon na nag bababa ng mga maleta.

"Stop!" Sigaw ko. Agad naman inihinto ni Tristan ang sasakyan at mabilis akong bumaba. Sinundan naman ako ng mga kaibigan ko.

"Sky!" Tawag ko sakanya. At agad naman niya akong nilingon. Halata sa muka niya na nagulat siya. Napatingin naman siya sa kuya niya.

"Sige na take your time. It's okay" Kuya Brandon said.

"We will leave you two alone" Sabi ulit ni kuya Brandon at umalis na siya pati na rin sila Dani.

Nang makaalis sila, agad akon lumapit kay Sky at niyakap siya. Wala akonh pake kung may makakita samin, wala akong pake kung ayaw na niya ako kayakap.

"Pwede ba pag iiwanan mo ako mag paalam ka naman sakin, para prepared ako" Sabi ko sakanya habang umiiyak ako.

Niyakap niya rin ako. I missed his hugs kaya lalo akong napahigpit ng yakap sakanya.

"Love" Tawag ko sakanya. Sobrang na miss ko siyang tawagin ng ganun.

"Dito ka lang please. Wag mo ko iwanan. Okay lang kahit makita ko kayo araw-araw sa school ni Anna. Basta dito ka lang" Pag mamakaawa ko sakanya. Humigpit naman ang yakap niya sakin.

"I'm sorry" Yan lang ang nasabi niya sakin.

"Mahal na mahal kita Sky kahit di mo ko mahal. Kahit ilang beses mo kong saktan ikaw parin eh. Kahit andito ka feeling ko ang layo layo ko na sayo. Pano pa kaya mag umalis ka pa?" Para akong bata sa harapan niya.

"Hindi na ba talaga kita mapipigilan?" Tanong ko sakanya. Hindi siya sumagot. Nanahimik lanh siya. Mukang silence means yes.

"Pwede ba bago ka umalis? Pwede ko pa ba ulit marinig boses mo? Please?" Pakiusap ko sakanya.

Gusto kong maalala tong moment na toh. Kahit man lang bago siya umalis at kalimutan akong tuluyan may baon man lang ako na memory niya.

"Remember me
Though I have to say goodbye
Remember me
Don't let it make you cry" He started singing.

"For ever if I'm far away
I hold you in my heart
I sing a secret song to you
Each night we are apart" His voice never fails to make my heart melt.

"Remember me
Though I have to travel far
Remember me
Each time you hear a sad guitar"

"Know that I'm with you
The only way that I can be
Until you're in my arms again
Remember me" Sinubsob ko naman ang muka ko sa dibdib niya.

I will never forget you Sky.

After niyang kumanta bumitaw nako sa yakap at pinunasan ang mga luha ko.

"Thank you Sky. Alagaan mo sarili mo dun ah? Wag mo masyado sungitan mga tao dun" Sabi ko sakanya. Pinipilit kong pigilan ang mga luha ko.

"I will. Please, please take care of yourself. And please always wear the ring" He said then he held my hand and kissed me on the forehead. Hindi ko na talaga napigilan ang mga luha ko.

"Bye baby love" Sabi ko sakanya. Ngumiti naman siya ng malungkot. That would be the last time i will call him that.

Unti unti na niyang binitawan ang mga kamay ko at umalis na siya papuntang airport.

He left me. Alone. But he will always be in my heart.

If We Fall In LoveWhere stories live. Discover now