Chapter 27:Surprise

558 24 7
                                    

Savannah Ysabel's

Nagising naman ako dahil sa ingay ng alarm ko. Napkaunot naman ang noo ko. Wala sa loob na bumangon  at pinatay ang alarm ko sa phone ko.

Napatingin ako sa orasan. It's only 3am in the moring! Sino ba ang nag set ng alarm na yun?! Summer na summer ganito ang gising ko! Sinong hindi mababadtrip nun?!

"Gising na pala ang mahal na prinsesa" Biglang sulpot ni Kuya Zach sa kwarto ko.

"Hoy! Ikaw ba ang nag set ng alarm ha?!" Inis na sigaw ko sakanya.

"Hindi ba obvious? Mag ayos ka na lang diyan. Pupunta tayo ng beach" Nagulat naman ako sa sinabi ni Kuya Zach.

Beach?! As in ngayon na?! As in?!

"Ano?! Seryoso ba kayo diyan?!" Gulat na sabi ko.

"Oo diba gusto mo mag beach na lang sa birthday mo? Kaya mag ayos ka na diyan" Kuya said then umalis na siya.

Oo nga pala birthday ko na bukas. Buti na lang nakabili ako ng mga susuutin sa beach. Balak kasi talaga mag beach actually every summer namin ginagawa pero di naman ako na inform na ngayon na pala.

Nag ayos na ako pati ng mga gamit ko. Katok ng katok sila Kuya na bilisan ko daw. Aba kasalanan nila toh hindi man lang ako sinabihan kagabi na aalis eh di sana nakapag ayos na agad ako ng gamit.

Pagbaba ko ng living room namin, laking gulat ko ng makita sila Dana, Aya pati na rin si Lolo Bernie!! Kaya agad akong lumapit sakanila at niyakap isa isa.

"Lolo Bernie! Buti makakasama na kayo samin!" Masayang sabi ko sakanya. Tuwing birthday ko kasi dati hindi siya sumasama. Kahit anong pilit namin.

"Syempre kaarawan ng paborito kong apo" Sabi niya saakin.

"Nako! lolo pano naman kami?" Biglang singit ni Aya.

"Wag na kayo! Mga pasaway kayo!" Sabi ko sakanila.

"Wow parang ikaw di ka pasaway ah?!" Nag tawanan naman silan lahat sa sinabi ni Dani.

Pagkatapos namin mag ayos umalis na rin kami. Sumakay kami sa isang van. Mukang nag rent sila Kuya. Si Kuya Paolo na ang nag drive kami naman magkakaibigan nasa likod.

Before lunch nakarating na rin kami sa La Union. Nag check in kami sa isang hotel dun. Pag baba ko ng sasakyan agad kong nasinghap yung masarap na hangin ng tabing dagat.

May something talaga sa beach na gustong gusto ko. Kaya every birthday ito na lang ang wish ko.

Magkakasama kami nila Dani sa iisang kwarto. Andito rin ang girl friend ni Kuya Paolo kaya sila ang magkasama ni Lola. Tas sila Kuya Zach ang kasama ni Lolo bernie.

Nag ayos na kami nila Dani para makapaglibot na rin kami. Nagpalit ako ng one piece na backless tas nag patong ako ng maong short.

Habang nag lalakad lakad kami nila Aya. Nagulat ako ng makita si Tristan at Carlo. Kaya agad akong lumapit sakanila at niyakap.

"Tuwang tuwa ka naman ata na makita kami dito Ysa" Sabi sakin ni Carlo.

"Eh bakit ba! Di ko kasi expected na andito kayo!" Sabi ko sakanila. Napatingin naman ako sa likod nila at sa paligid.

Asan siya?

"May hinahanap ka?" Asar sakin ni Tristan.

"Wala noh! Tara na nga!" Yaya ko sakanila.

Hindi muna kami nag swimming, balak namin after lunch na lang. Kaya nag jetski muna kami nila Tristan. Naki sama rin samin sila Kuya.

If We Fall In LoveWhere stories live. Discover now