Chapter 5: Ellie

791 25 8
                                    

Savannah Ysabel's

Nagising naman ako dahil sa ingay ng phone ko. Labag sa loob kong kinuha ito. Ano ba naman yan sunday na sunday eh!

Pag tingin ko si Tristan yung tumatawag. Sinagot ko naman ito.

"Hello?! Ang aga aga naman eh!" Sigaw ko sakanya.

[Inutusan lang ako okay!]

"Ano ba kasi yun?!"

[Ngayon daw natin gawin yung project natin sa gen psych sabi ni Sky] Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Ngayon?! Wala bang pamilya yan?! Sunday ngayon Tristan hindi ako pwede" Ito na lang kasi ang time namin nila Lola na mag samasama and mag sisimba kami.

[Eh yun sabi ni Sky. Kilala mo naman yun. Sige na mag ayos ka na. Papunta na kami maya maya. Text ko yung address nila Sky]

"Sige susunod na lang ako after namin mag simba bye" Sabi ko then binaba ko agad yung call.

Lintek na Sky yun ang sakit sa ulo!

Agad akong bumangon at bumaba na. Andun naman sila Kuya at Lola kumakain na ng breakfast.

"Anong himala ang nangyari pag ang aga mo magising?" Asar sakin ni Kuya Zach.

"Namo. Manahimik ka diyan" Sabi ko sakanya.

"Mga apo nasa harap ng pagkain wag mag away" Sabi samin ni Lola. Nag belat naman ako kay Kuya.

"Ay Lola, pwede po ba after natin mag simba and lunch umalis ako?" Paalam ko.

"Sabi na eh may kailangan toh! Kaya maaga nagising!" Singit ni Kuya Sean.

"What? San ka nanaman ba pupunta Ysabel? Palagi ka ng pumunta sa bar ah wag mong hintayin na i grounded kita" Sabi naman ni Kuya Paolo.

"Mga judgmental! Di porket aalis ako mag babar ako! Gagawi kami ng project noh!" Sabi ko sakanila.

"Nako pang ilang beses na ba namin yan narinig" Kuya Zach said. Napakumos naman ako ng muka.

"Seryoso kasi toh! Promise! Lola oh!" Pag sumbong ko.

"Sige na apo. Pagkatapos natin kumain ng lunch at mag simba gumawa ka na ng project niyo" Pag payag ni Lola. Natuwa naman ako at niyakap siya.

"Thank you Lola!"

"Hala Lola! Wag ka nga mag pauto diyan sa babaeng yan!" Reklamo ni Kuya Zach.

Problema ba niya eh totoo naman eh. Inggit lang siya kasi hindi siya makakagala.

"Okay fine. Basta ihahatid at susunduin kita"  Sabi ni Kua Paolo. I just nodded.

Pagkakain namin ng breakfast nag kwentuhan lang kami then nag ayos na rin kami. 11 am kasi yunh start ng mass eh 1 hour pa papunta dun.

After namin mag masa dumiretso kami sa isang mall para kumain ng lunch.

"Paolo apo, kelan mo ba ipapakilala ang girlfriend mo?" nagulat kaming lahat sa sinabi ni Lola.

"Yieee! Si Kuya nag bibinata na!" Asar ko sakanya.

"Sus inggit ka lang eh" Asar sakin ni Kuya Sean.

"Luh? Ako maiingiit. Asa! Ikaw nga eh wala samin pinapakilala kasi napakadami mong girlfriend!" Akala niya siya lang marunong mag asar ah.

Pinatigil naman kami ni Lola sa pag tatalo at bumalik na kami sa pag kain.

After kumain nag stay muna sa mall sila Lola tas kami ni Kuya Paolo pumunta na dun sa bahay nila Sky. Malapit lang sa mall na pinuntahan namin yung bahay nila.

After ilang minuto nakarating na agad kamk. Napatingin namam ako sa bahay. Sobrang laki nito. Bahay pa ba toh?

"Thank you Kuya! Text na lang po kita pag tapos na kami" I said. He just nodded. Kinuha ko na yung camera at yung mga lighting tas pumasok nako.

Pinapunta naman ako ng kasambahay nila sa may rooftop andun daw ang mga kaibigan ko.

Pagdating ko agad akong masayang binati nila Aya pero si Sky nakasimangot sakin.

"Where have you been? Kanina pa kami nag sisimula!" Sigaw niya sakin. Kinuha naman ni Carlo yung sa lighting then inaayos ko na yunh setting ng camera ko.

"Eto naman namiss agad ako. May ginawa lang ako love" Sabi ko sakanya habang inaayos parin ang camera ko.

"Love?" Napatingin na ako sakanya at ngumiti.

"Oo. Ikaw love ko" Sabi ko then I winked at him. Natawa naman yung mga kaibigan namin. Kase naman inis na inis na siya.

"So ano na yung story natin?" Tanong ko sakanila. 

Inexplain naman nila sakin kung ano yung magiging flow ng story. Samantalang si Sky busy sa kanyang laptop. 

"What yun na yun?" Tanong ko sakanila. They just nodded. 

"Hindi man lang ba natin i e-explain kung bat nag rebelde yung character tas kaya siya nabuntis?" Sabi ko sakanila. 

"Eh yun sabi ni Sky eh" Tristan said. Napalingon naman ako kay Sky na nakatitig sa laptop tas napatingin na rin sakin.

"I want our film to be short. Okay na yan" Napairap naman ako sa sagot niya. 

"Short? Oo nga short! Meaningless naman!" Sagot ko sakanya.

"Are you mocking my idea?" Mukang nainis naman siya sa sinabi ko. 

"Hindi. Sinasabi ko lang ang totoo! Pano ma a-appreciate ng manonood yung gagawin natin? Hindi nila mararamdaman yun" I said. Bakit ba hindi kami magkasundo sa ganito?

"Whatever. We're going to stick in my idea" He said. Uminit lalo ang ulo ko. 

"Akala ko matalino ka, minsan tanga pala" I said then nag walk out nako. 

Bumaba na lang ako sa kitchen nila para kumuha ng tubig. Ako na ang feel at home. Habang umiinom may batang babae naman na pumasok sa kitchen. 

"Hello!" I greeted her. Ang ganda niya ah. 

"Hello din po!" Masaya din niyang bati akin while smiling. 

"What's your name pretty girl?" Tanong ko sakanya.

"Ellie po. Ikaw?" 

"My name is Savannah Ysabel but you can call me Ate Ysa" Sagot ko sakanya. 

"Sino po kayo bat po kayo andito? Friend mo po ba kayo ni tito Sky?" Sasagot na sana ako ng makita ko si Sky na palapit samin. BIgla naman akong may naisip na kalokohan. 

"I'm your tito's girlfriend" Nakangiting sagot sakanya. Nagulat naman siya sa sinabi ko. 

"Talaga po?! Girlfriend ka po ni tito Sky?!" Tuwang tuwang tanong niya. Tango lang ako ng tango. Sakto naman na dumating si Sky at narinig niya ito. 

"What the?" Sabi ni Sky ng makalapit samin. Habang ako nakangiti lang. Akala mo ha. 

"Yehey! May girlfriend na ikaw tito! Sasabihin ko toh kala Daddy!" Ellie said. 

"No Ellie! Wait!" Hindi na siya pinansin ni Ellie kasi tumakbo na ito palabas ng kitchen. Tumingin naman ito sakin. Kung nakakapatay lang ang tingin kanina pa ako patay. 

"What the hell?! Bakit mo sinabi yun sa bata?! Nababaliw ka na ba?!" Sigaw niya sakin. Hindi ko alam kung bat hindi ako natatakot. Actually natutuwa pa nga ako sa nangyayari eh. 

"Bakit? Akala mo ba ikaw lang may kaya na mang inis? Nagkakamali ka Mr. Skyler Yohann Chua" I said then iniwan ko na siya sa kitchen. 




If We Fall In LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt