Chapter 6: Not for you

728 25 6
                                    

Skyler Yohann's

After they left nag kulong agad ako sa kwarto ko. Masyadong pinapasakit ni Ysa ang ulo ko. Kanina pa rin ako kinulit ni Ellie about sakanya.

Patay talaga sakin yang Ysa na yan.

Wala pang taong kumukontra sakin except kala Dad. Masyado siyang matapang. Tss.

Bigla naman nag ring phone ko, pag tingin ko may tumatawag na unknown number. Agad ko naman sinagot.

"Who's this?"

[Ouch naman Love hindi naka save number ko] Di na niya kailangan magpakilala.

"First of all don't call me love. Nakakadiri. Second, sino ka ba para i save ko ang number mo?"

[Alam mo ang harsh mo! Wala ka man lang ba takot sa karma?]

"I don't believe in karma and can you please stop bothering me" Inis kong sabi sakanya.

[Bakit takot ka bang ma fall sakin?] What the?!

"Ako? Lul. Asa ka. Like i said before you are not my type"

[Naiintndihan kita Sky, ganyan talaga sa una mag dedeny ka kasi di mo tanggap na may gusto ka na sakin]

"Whatever" I said then ended the call. Nag airplane mode ako para hindi na niya ako matawagan ulit.

Everytime na nakikita ko siya or nakakausap sumasakit ulo ko. I hater her presence. Mas pipiliin ko pa makasama magulang ko kesa sakanya.

I hate her. I really really hate her. Masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya.

Ginawa ko na lang mga school works ko. Para naman mawala yung inis ko sa babaeng yun.

Malapit na akong matapos sa ginagawa ko ng bigla naman may kumatok sa kwarto ko.

"Come in"

"Iho kakain na ng dinner" Sabi ni Mama Martha. Isa siya sa mga ka close ko. Siya ang nag palagi sakin. Kaya parang nanay na rin ang turing ko sakanya.

"Okay. Sunod na lang ako po. I just need to finish this" I said.

"Iho. Ang gusto ng kuya mo sabay kayo. Kilala mo naman yun" She said. Wala naman akong magawa kaya tumayo ako at sumunod na kay Mama.

Pagbaba ko andun na si Kuya at si Ellie. Kumakain na sila.

"Tito Sky!" Sigaw ni Ellie then lumapit siya sakin ay yumakap. Tapos bumalik na siya sa upuan niya at kumain.

"Where's mom and dad?" Tanong ko kay Mama Martha.

"Ma lelate daw sila sa pag uwi ngayon kaya mauna na raw kayo" Sabi niya. I just nodded. Sumabay na rin samin si Mama Martha kumain.

Tahimik lang kami kumakain ng biglang nagsalita si Kuya.

"So Ellie told me that you have a girlfriend" Napatigil ako sa pagkain ng marinig yun.

"Yes dad! She is so pretty!" Sagot naman ni Ellie. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Talaga iho? Siya ba yung nakita kong kausap mo sa kusina?" Mama Martha said.

"She is-" Di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi biglang nag salita si Kuya.

"What does her family do?" Bigla akong nainis sa sinabi niya. Yun lang ba talaga ang importante sakanya?

"Why is it important to you?" Inis na tanong ko sakanya.

"You're a Chua. Remember that" He said. Pano ko ba makakalimutan yun? Halos buong buhay ko pinapakamuka nila sakin yun.

"Then what if she doesn't come from a wealthy family? What if they don't have a business? What if she is just a normal person?" Tanong ko sakanya habang nakatitig lang sakanya.

"Then she is not for you" I expect him to say that. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na sigawan siya.

"Really? Yun lang ba ang importante sayo? Hindi pa importante sayo that she's kind and lovable?" I said.

"Someone is waiting for you Sky. You just need to control yourself" At dahil sa sinabi niya. Hindi ko na talaga napigilan. Binagsak ko ng padabog ang hawak kong spoon and fork.

"Waiting?! Ako pa talaga?! Matagal na akong naghihintay!" Napalapit naman si Ellie kay Mama Martha dahil sa pag sigaw ko.

"Brandon! Sky! Tigilan niyo yan nasa harap kayo ng bata at ng pagkain!" Saway samin ni Mama.

Hindi nako nag salita. Tumayo na lang ako nag walk out. Pumunta ako sa roof top ng bahay namin. When I want a peace of mind dito ako palagi pumupunta.

Habang nag mumuni muni biglang dumating si Mama Martha at tumabi sakin.

"May nobya ka na pala anak di mo man lang sinabi sakin" She said. Natawa naman ako sa sinabi ni Mama.

"Mama hindi po yun totoo. Pinag tritripan lang ako ng babaeng yun kaya sinabi niya kay Ellie." Explain ko.

"Eh bat mo naman siya pinag tanggol kanina?"

"Hindi po noh. Gusto ko lang po malaman sagot ni Kuya" I said. Bat ko naman ipagtatanggol yun?

"Oh sige sabi mo eh. Basta wag mo palaging pinapairal ito" She said then tinuro niya ang ulo ko.

"Minsan sundin mo rin ito" Tapos tinuro niya ang aking puso. Ngumiti na lang ako.

"Sige anak mag lilinis pa ako" Paalam niya then umalis na siya.

Kung pwede lang Mama Martha matagal ko ng sinunod ang puso ko.

If We Fall In LoveWhere stories live. Discover now