Chapter 11: Happy Sunday

644 26 13
                                    

Savannah Ysabel's

Nagising ako ng masakit ang likod ko. Dito na kasi ako sa tabi ni Sky nakatulog. Halos hindi na ko bitawan ni Sky kagabi.

Nagulat ako ng maramdaman na magkahawak parin ang mga kamay natin. Napatingin naman ako sakanya at mas nagulat ako ng gising na siya at nakatingin sakin.

Agad akong bumitaw sa kamay niya at tumayo. Pero nabigla ang katawan ko kaya sobrang sumakit ang likod ko.

"Aray naman putek! Bat di mo ko ginising?!" Sigaw ko sakanya.

"Nakakahiya naman sayo eh masyado kang nag eenjoy" Nainis naman ako sa sinabi niya.

"Ano?! Ang kapal naman ng muka mo! Baka ikaw! Kanina ka pa siguro nakatitig sakin noh?" Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Ang taas mo mangarap noh? By the way ano bang ginagawa ko dito?" He said habang pinagmamasdan ang kwarto ko.

"Ikaw ang lakas kasi ng loob mo mag lasing tignan mo tuloy yung nangyari. Ayaw mong sabihin yung address mo kagabi kaya di ka nakauwi" Explain ko sakanya.

Magagasalit na sana siya kaso saktong pumasok si Lola na may dalang mga damit. Kaya agad naptayo si Sky.

"Good morning po" Magalang na bati ni Sky kay Lola.

"Magandang umaga din iho.Ito mga pampalit hindi ka na kasi nakapag palit kagabi. Hindi ko na rin nagising si Ysa dahil ang himbing ng kanyang tulog." Sabi ni Lola sakanya at inabot ang mga damit nila Kuya.

"Salamat po. Sige po cr lang ako" Sky said then pumasok na siya sa cr ng kwarto ko.

"Nasan po sila Kuya?" Agad na tanong ko kay Lola.

"Nasa baba na sila nag hihintay ng umagahan" Kinabahan naman ako sa sinabi ni Lola. Nako pano toh.

"Sige apo baba muna ako at ako'y maghahanda na. Bumaba na rin kayo pag katapos ha" Sabi sakin ni Lola at lumabas na siya ng kwarto.

Tinext ko naman agad si Kuya Sean na pumunta agad sa kwarto ko. Maya maya dumating na siya.

"Kuya Sean! Na explain mo na ba kala Kuya?" Agad kong tanong sakanya.

"Chill. Wag kang mag alala nasabi ko na sakanila" Nawala ang kaba ko sa sinabi ni Kuya.

"Nako!! Thank you Kuya Sean! Promise babawi ako sayo!" Sabi ko sakanya.

"Wag na. Bawing bawi mo na" Napakunot naman ang aking noo sa sinabi niya. Hindi na siya nag explain at lumabas na ng kwarto.

Baka nababaliw nanaman yun.

Maya maya natapos na rin si Sky. Bakit ganun? Kahit nakapang bahay siya ang gwapo parin niya tignan!

Hindi ko na lang siya masyadong tinignan siya at niyaya ko na lang siya kumain sa baba.

Pag dating namin sa dinning area nagulat si Kuya Zach kaya agad siya napatayo.

"Ano?! Yan ang boyfriend mo Ysa?! Yan yung mayabang na kwinento ko sainyo!" Lahat kami nagulat sa sinabi ni Kuya. Lalong lalo na ako.

"Hoy! Unang una ikaw naman kasi mali dun. Ar pangalawa anong boyfriend ang pinag sasabi mo?!" Sigaw ko sakanya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

If We Fall In LoveWhere stories live. Discover now