Chapter 24: Anak

660 21 7
                                    

Savannah Ysabel's 

Last day of final exams na namin ngayon. Tapos na lahat ng exams namin ngayon nila Aya, hinihintay na lang namin sila Sky. Aalis kasi kami ngayon, mag ce-celebrate parang ganun. 

Wala naman nag bago samin ni Sky. Ganun parin siya ka sweet. Lagi na namin ginagawa yung nilalakad niya ako hanggang bahay namin. Mas nagkaron kami ng communication. Mas nagkaintindihan kami. 

"Oh buti naman andiyan na kayo! Napakatagal" Reklamo ni Dani sakanila. 

"Binilisan na nga namin eh!" Sabi naman sakanya ni Carlo.

"Dami niyong ebas tara na nga!" Yaya samin ni Aya kaya pumunta na lang kami sa may parking lot para maka alis na kami. 

"So how is your exams?" Tanong niya sakin habang nag da-drive siya. Sila Aya sumabay na kala Carlo, pinipilit ko nga na samin na lang sila sumabay pero sabi nila okay lang daw para makapag alone time kami ni Sky. Mga baliw talaga. 

"Sakto lang? Hindi ko alam kung madali or hinulaan ko eh. Nakakahiya! Nauna nanaman ako matapos" Kwento ko sakanya. Natawa naman siya. 

"Let me guess, multiple choice yan noh" He said. 

"Hoy hindi! May part lang na multiple choice dun" Sagot ko. 

"Galing talaga ng baby love ko." Nasanay na ako na yan ang tinawag niya sakin. Ayoko mauna na tumawag sakanya niyan kahit gustuhin ko. Syempre kailangan ko parin mag ingat noh. Pero pag pinipilit niya ako saka ko lang siya tinatawag na ganun. 

"Mas magaling ka kaya! Kahit hindi ka ata mag aral pumapasa ka eh" I said. 

"Eh di mas maganda para habang nag rereview ka papanoorin na lang kita" Sabi niya sakin. 

"Landi mo!" Yan na lang yung nasabi ko sakanya. 

After almost an hour nakarating na rin kami sa mall. Maglalaro muna kami sa lazer arena bago kumain para pagod kami pag kumain. Buti na lang naka civillian kami. 

May nag orient samin bago kami pumasok sa loob. May mga vest kaming suot doon namin itututok yung laser ng gun na hawak namin. Kahit naman ma ubos buhay namin, babalik din naman after ilang seconds basta hindi pa tapos yung  time namin sa loob. 

After ng instructions sabay sabay kami pumasok sa loob, si Sky hawak hawak kamay ko. Team blue kami, hindi lang kami yung nasa loob ang dami din na naglalaro. 

Nung una magkasama pa kami ni Sky pero nung nagtagal na naghiwalay hiwalay na kami. Kahit nakakapagod and ang init enjoy naman siya. 

Nag tago ako isang part ng arena kung saan gagapang ako para makapunta dun sa kabilang part. Pag tayo ko sakto may lalaking nakatayo sa harap ko. Agad ko naman siya binaril pero parang wala lang sakanya nakangiti pa siya. 

"Hindi mo ba ako babarilin?" Nagtatakang tanong ko sakanya. 

"No need. Tinamaan na ako sayo eh." Medyo nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi pa ako nakakapag salita. 

"Kanina pa kita nakikita dito. And I really want to know you" He said while smiling. 

Hala ayoko nito! Pano ako makakaalis dito?! Bigay ko na lang kaya pangalan ni Aya. Mag sasalita na sana ako buti na lang nakita ko si Sky na papalapit sakin. 

"Sky!" Tawag ko sakanya. 

"Sorry dude this girl is my baby love. Lets go" Hindi na hinayaan ni Sky mag salita yung lalaki, umalis na kami agad. 

"Wag ka ng bibitaw sakin ha?" He said habang hindi nakatingin sakin. 

Oo Sky, mukang mahihirapan na akong bumitaw sayo. 

After namin mag laro pumunta na kami sa isang restuarant at kumain. Pagkatapos nun nag libot libot muna kami tapos hinatid na ako ni Sky. Hindi na kami nag lakad kasi pagod na kami. Umuwi na rin siya kasi aalis daw sila ng family niya. 

Bago ako makapasok ng bahay may naririnig akong kausap nila Kuya. Pag pasok ko ng living room nakita kong may kausap na unfamiliar na lalaki sila kuya. Parang kasing edad nila tito. Sa porma nito mukang mayaman siya. 

"Ayan andiyan na siya, why don't you ask her" Galit na sabi ni Kuya Paolo. Lahat sila sobrang galit yung muka. Si Lola mukang stress na stress na kaya lumapit ako sakanya. 

"Lola, ano pong meron?" Tanong ko sakanya. 

"Anak" Nagulat ako ng biglang nagsalita yung lalaki. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o hindi eh. 

"Anak? Excuse me po pero sino po yung tinutukoy niyo?" Magalang na tanong ko sakanya. 

"I'm Steve Sandoval. Your real father anak" Nanlamig ako ng marinig ko yun. Andito siya. 

Andito ang unang lalaki na iniwan ako. 

"Sorry po, pero as far as i remember wala na akong tatay simula nung iniwan niya ako" Matigas na sabi ko saknya. Napayuko naman siya sa sinabi ko. 

"Ysa" Saway sakin ni Lola. 

"Anak, gusto ko lang sana bumawi sayo ngayon" Sabi naman niya. 

"Para saan pa po? Sobrang late na po ata. Andiyan na po sila Kuya at Lola, sa tingin ko po hindi na kailangan" I said. 

"Just listen to me anak" Lalapit na sana siya sakin kaso pinigilan ko siya. 

"Hindi niyo na po ako kailangan tawaging anak." Walang emosyon kong sabi sakanya. 

"Lola taas na po ako" Paalam ko at naglakad na ako. Pero bago ako maka akyat may sinabi pa si Steve. 

"Hindi ako titigil anak hanggang di mo ako bibigyan ng pagkakataon" Hindi ako sumagot sa sinabi niya,tumaas na agad ako. 

Hindi ako makatulog buong gabi. Ang dami kong iniisip. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang siya bumalik? 

Inaamin ko kahit nung medyo may sama na ng loob ako sakanya nung bata ako hinahanap ko parin siya. Hinihintay ko. Hanggang sa lumaki na ako, napagod na ako sa kakahintay. 

Hindi ko alam ang story nila ni Mommy. Kasi kahit si mommy hindi ko nakilala. Pero kahit ganun she will always be in my heart. Kahit wala siya sa tabi ko lagi ko nararamdaman love niya. She will always appear in my dreams, giving me advises. 

Pero hindi naman nag kulang sila Lola sa pagbibigay ng pagmamahal sakin. Sobra sobra pa nga. Kaya thankful ako sakanila. Sila tita nag tratrabaho hindi lang para kala kuya kung di para sakin. Kahit sila kuya lagi akong inaasar handa naman silang protektahan ako. Si Lola, siya ang naging mother figure ko. Siya ang nag alaga sakin at nag turo ng tama at mali.

Kaya siguro hirap akong tanggapin ang Tatay ko. Kasi may mga taong pumuno na ng mga kailangan ko na dapat siya ang gumagawa. 

If We Fall In LoveWhere stories live. Discover now