Chapter 43: Suspension

598 24 14
                                    

Savannah Ysabel's

Maaga ako gumising ngayon. Finals na kasi namin and today is our last day of exams. Ayoko naman ma late pati dun.

Pag baba ko sa dining area nakita ko sila Kuya and daddy. It's been weeks na rin simula nung makalipat kami dito. Buti na nga lang bago mag exams kami nakalipat.

Nung una ayaw nila tita at tito na isama sila Kuya Zach dito, may bahay naman daw kasi sila. Pero sabi ko sakanila gusto ko sama sama parin kami. Atsaka gusto rin ni Daddy makabawi sakanila. He treated my Mom's family like his own.

Uuwi na rin sila tita after maka graduate kami ni Kuya Zach. Yung bahay naman namin dati si Lolo Berni na ang care taker nun. Every Sunday pumupunta kami dun.

"Asan po si Lola?" Tanong ko sakanila at umupo na.

"Andun sa garden nalilibang nanaman mag tanim tanim" Kuya Stephen said. I just nodded. Si Kuya Paolo lang ang wala dito dahil maagang pumasok sa office.

"Oo nga pala, the Chua's invited us to their Christmas Party" nagulat naman kaming lahat sa sinabi ni Daddy.

"They are doing this every year, mga close friends and family lang ang invited" Explain ni Dad.

"All of us?" Tanong ko. He nodded.

"It's okay if you do-" Agad ko pinutol ang sasabihin  ni Daddy.

"Okay lang. We are going" Sabi ko sakanila. They are looking at me na parang nag aalala. I just smiled at them at bumalik na sa kinakain ko.

The Chua's and dad must have a really good relationship, sabi ni dad close friends lang ang invited. Kahit nagkagulo between me and Sky, hindi nila nakalimutan ang friendship nila with my Dad.

Ayoko naman na may bago dahil lang sa niloko ako ng anak nila. Maliit na bagay lang yun kumpara sa mga ibang problema ng bansa.

After ko kumain sabay sabay na kaming apat pumuntang school. Kay kuya Stephen na ako sumabay.

"Are you sure na gusto mong pumunta tayo? We can say no naman" Kuya stephen said.

"Okay lang talaga kuya. Promise" i said to him and smiled.

I wonder kung ano nararamdaman ngayon ni Kuya. Nasasaktan din siguro siya. He loves Anna, kitang kita ko naman sa mga mata niya.

Pag dating namin sa school nauna na akong pumunta sa classroom ko habang si Kuya nag hanap pa ng parking.

Habang papunta sa classroom nakasabay ko si Harry. These past few months lagi na niya ako kinukulit, sinasamahan kung saan saan. Hindi ko alam ang trip niya.

"So nag review ka?" Tanong niya sakin.

"Hmmm. Natulog?" Natawa naman siya sa sinabi ko.

Habang nag lalakad nakasalubong namin si Marc. Isa pa yun, hindi ko alam kung ano trip niya. Lagi ako tinitext at chinachat pero syempre hindi ko yun pinapansin.

Sakto naman pag dating namin.mag uumpisa na ang exams.

2 exams lang ang meron kami ngayon na sunod sunod. Nauna kaming natapos na tatlo sa last exam namin kaya agad na kaming lumabas ng classroom. Si Harry may itetake pang exam na hindi namin siya ka klase.

Pumunta kami sa may field para dun mag hintay kala kuya. Pag  dating namin nakita ko si Chanine. Buhay pa pala siya? Ano ba nangyari sakanila ni Marc? Simula kasi nung naging masaya ako sa piling ni Sky, nawalan na ako ng pake sakanila.

Lalagpasan na namin sana sila ng bigla akong binunggo ni Chanine.

"Ano bang problema mo ha?!" Sigaw niya sakin. Baliw ba toh? Siya nangbunggo ako ang sisigawan.

"Ikaw ang may problema Chanine, hindi kami" Sagot sakanya ni Aya.

"Hindi kita kinakausap! Yang malanding kaibigan mo ang kinakausap ko!" Nag init ang ulo ko ng marinig ko yun.

"Ano namaman ba ang gusto mo mangyari ha?" Naiinis ko sakanyang sabi.

"Ang landi mo kasi. Purket wala na kayo ni Sky, nag papalandi ka na agad kay Harry! Hindi ka pa nakuntento! Pati si Marc! Inaagaw mo!" Sigaw niya. May mga students ng nanonood.

"Nahihibang ka na ba? Sayonh sayo na yun!" Sigaw naman sakanya ni Dani.

"Look, wala akong inaagaw sayo okay? Kung gusto mo sayo na lahat ng lalaki sa mundo. Wala akong pakielam" Sabi ko sakanya at tinalikuran siya.

"No wonder kaya ka laging iniiwan. Well kung ako si Sky, mas pipiliin ko si Anna kesa sayo. Mas mabait at mas galing sa magandang pamilya. Eh ikaw? Bastarda ka lang naman" Gusto ko ng suntukin ang babae na yon.

Bumalik naman ako at hinarap siya.

"I don't care kung palagi ako iniiwan, mas pabor pa sakin atleast wala ng salot sa buhay ko. Eh ikaw? Wag ka kasing mang agaw ng ibang lalaki, ayan tuloy nag sasawa na sayo. Kung ako sayo I don't trust boys na kaya iwan ang babae para lang sayo. Hindi mo kinaganda yun. Kung kaya niya gawin sa iba yun, kaya niya rin sayo. Sayo pa na pang samantalang kaligayahan lang" I said to her then smirked.

"Ooops burn" Bulong ni Aya.

Aalis na sana ako ng bigla niya akong sinabunutan. Pinipilit ko naman alisin ang kamay niya kaso masyado siyang baliw. Pinipigilan din siya nila Aya. Masyado ng nagkakagulo sa paligid.

"What is happening here?!" Agad na napabitaw si Chanine sa buhok ko ng marinig namin ang dean namin.

Pinapunta kaming dalawa ni Chanine sa office para kausapin. Pinag kwento kami ng dean pero syempre si Chanine nag sinungaling.

Masyadong salungat ang kwento namin ni Chanine kaya hindi pa makapag decide. Pero kahit ano daw mangyari mauuwi sa violation ang ginawa namin.

Nagulat naman ako sa sinavi niya dahil pag nagka violation pa ako ng isa mauuwi nako sa suspension.

Paglabas namin ng office andun ang mga kaibigan namin. Even Sky and Marc.

"Gusto ko ng umuwi" tipid kong sabi sakanila at nag lakad na paalis.

"Ysa! Wait!" Sigaw ni Sky sakin at hinawakan ang braso ko pero agad akong bumitaw.

"What happened? Nagka violation ka? You might be suspended right? You need to tell tito" Sunod sunod na sabi niya.

"Can you stop?!" Sigaw ko sakanya.

"Hindi mo ba nakikita? Lumalayo na ako sayo. I'm trying my best to move on. Hirap na hirap nako Sky. Hindi ko na alam ang gagawin ko." hindi ko na maiwasan umiyak.

"Magulo  ang buhay ko, given na yun.Pero nung dumating ka inayos mo pero nung iniwan mo ko? Mas lalong gumulo. " He's just looking at me.

"Habang ikaw masaya kay Anna, eto ako hirap na hirap kalimutan ka, hirap na hirap mag mahal muli ng iba"


"Can you do me a favor? Kahit bilang kaibigan mo lang. Stay away from me" I said then iniwan ko siya.

If We Fall In LoveWhere stories live. Discover now