Chapter 16: Stephen

635 25 11
                                    

Savannah Ysabel's

Halos maging si flash ako ng takbuhin ko simula parking lot hanggang sa classroom ko.

Nagkaron daw kasi ng surprise quiz. At sakto naman na late ako ngayon. Ano pa nga ba bago diba.

Pag pasok ko lahat na sila nag sasagot. Napatingin naman silang lahat saakin. Andun na sila Sky pati ang mga kaibigan ko.

Sanay naman na akong pinag titinginan pag late ako. Kaya wala akong pake lumapit sa prof ko at humingi ng test paper.

Pagkatapos nun pumunta nako sa upuan ko nag start ng mag sagot. Dire diresto lang ako nag sagot. Hindi ko alam kung madali lang talaga yung mga tanong or hindi ko lang alam ang mga sagot.

Nung natapos na ako mag sagot nakita ko namam na wala parin nag papasa. Ayoko namam agad mag pasa kasi baka sabihin ako na nga late dumating ako pa nauna natapos. Hihintayin ko na lang na may mag pasa.

"If you're done pwede na mag pass" Sabi naman nh prof namin dito sa gen psych. Mukang ako pinapatamaan nito ah.

Wala na akong nagawa kaya tumayo na ako at pinasa yung papel ko. Tapos naman na kasi talaga ako. Nakakahiya kasi ako ang huling dumating ako naman ang unang natapos.

Natagalan pa bago natapos yung buong klase kaya natulog muna ako.

"Grabe ka Ysa! Ikaw na nga huling dumating ikaw pa unanh natapos!" Sabi sakin ni Dani ng nakalabas na yung prof.

"Di ko rin alam eh. Basta tapos na ko" Sagot ko sakanya.

"Galing ah. Galing manghula" Narining kong sabi ni Sky sa tabi ko. Di ko siya pinapansin nakatikod parin ako sakanya.

"Ay Ysa. Basketball daw ah sasali ka!" Sabi sakin ni Aya.

Oo nga pala. Ayoko sana sumali kasi tinatamad talaga ako lalo na pag may training. Kaso wala eh nakakahiya sabihin ko na busy ako eh 2nd year palang naman ako.

"Oo na. Sasali na nga diba" Sagot ko.

"Sasali ka? Lampa ka naman ata eh tas sasali ka?" Uminit nanaman ulo ko sa sinabi ni Sky kaya hinarap ko siya.

"Ano bang problema mo ha? Hindi ka ka pa ba aalis? May class ka diba?" Inis na sabi ko sakanya pero tinawanan niya lang ako.

"Bye love" He said then kininditan niya ako tapos umalis na sila nila Tristan.

"Kadiri" Sabi ko.

"Weh kadiri nga ba? Or kinikilig ka?" Asar sakin ni Dana.

"Hindi ako kinikilig okay. Tigil tigilan niyo nga ako" Sabi ko sakanila. Ang lakas kasi nila mang asar.

"Oo nga pala. May new student daw ah. Ano Stephen ata pangalan?" Sabi samin ni Aya.

Stephen? Parang narinig ko na yun? Pero hindi ko maalala.

"Kayo talaga pag tsismis ang dami niyong alam" Sabi ko sakanila.

Maya maya dumating na yung susunod na prof namin. Kaya nanahimik na kami nila Dani.

After ng class namin dumiretso na agad kami sa bench para makakain. Himala walang mga kumag na na nang gugulo samin ngayon.

If We Fall In LoveWhere stories live. Discover now