Chapter 46: Flat Line

912 23 15
                                    

Savannah Ysabel's

Its been a year since Sky left. Simula nun nag focus ako sa pag aaral ko. I really did my best. Pinagpatuloy ko ang pagiging varsity. I became the captain ball. Sumali kami sa UAAP. Nag babakasali din na makita ni Sky.

Palagi rin ako sini set-up nila Daddy at kuya sa mga dates. Pero ni isa wala ako pinag bigyan. Kahit anong gawin ko siya parin. Si Sky parin ang nasa puso't isipan ko.

Wala na kaming masyadong balita sakanya. Hindi siya ganun ka active sa social medias. Minsan may nakikita akong pictures nila dahil nag popost si Anna. Kahit masakit, okay lang atleast may update ako sakanya.

"Oh andiyan na pala ang graduates!" Sabi ni Tita Maris ng bumaba na kaming tatlo sa living room.

Ngayon na ang graduation namin nila Kuya Zach and Stephen. Masaya naman ako dahil sabay sabay kami ga graduate. Si Kuya Sean naman last year pa naka graduate at ngayon may anak na siya.

Nagulat kaming lahat nung graduation ni Kuya na may girlfriend na daw siya at buntis na daw ito ng isang buwan. Galit na galit syempre si Tito Arnold. Kaka tapos lang niya ng pag aaral tapos naka buntis na agad siya.

Pero dahil sobrang mahal ni Kuya ang girlfriend niya pinaglaban niya toh. Lalong lalo na sa parents nung girlfriend niya dahil isa pala toh sa mga anak ng ka business partner nila Dad. Nakilala niya ito sa christmas party nila Sky. Nalagpasan na nila yun kaya ngayon masaya na sila with their 4 month old baby girl, Samantha Isabel.

They want it to name after me. Dahil for the first time may babae na ulit sa pamilya. Gusto mag move out nila Kuya sa mansion pero dad said wag na. Para na rin niyang anak si kuya at tuwang tuwa naman siya kay Sam.

"Oh picture picture muna tayo!" Tito Arnold said. Nag picture taking muna kami bago umalis papuntang school.

"Ysa!" Tawag sakin nila Aya ng dumating ako. Magkakasama sila nila Tristan. Lalo pa naging strong friendship namin. Sana andito rin si Sky.

"Buti naman hindi ka late sa graduation!" Asar sakin ni Tristan. Tinawana naman nila ako at hinampas ko na lang siya.

Tumingin ako sa paligid. Dadating kaya si Sky? Sinabi kasi niya kay Tristan na itatry niyang pumunta.

Maya maya pinapasok na kami sa loob ng gym. Nauna tawagin sila Kuya kaya si Daddy kay kuya muna. Nung turn na ng course namin isa isa na kaming pumila. Si Daddy ang sasama sakin sa stage.

Dapat si Lola, kaso hindi nakasama si Lola samin ngayon. Malubha ang karamdaman niya. Lumalala na ang sakit niya at ngayon nasa hospital siya.

"Marquez, Savannah Ysabel" Pagkatawag sakin agad kaming umakyat ni Daddy sa stage.

I'm still using the surname Marquez. I want it to use it hanggang sa maka graduate ako. Sila ang nagpalaki sakin kaya yun ang gusto kong ilagay sa diploma ko. Para man lang makabawi ako. Pumayag naman si Dad.

After that bumalik na ako sa upuan ko. Habang nag hihintay matapos ang iba nakaramdam ako na may tumintingin sakin. Tumingin naman ako sa may gilid ko pero wala namam.

Pagkatapos ng ceremony nag picture picture kaming mga ka batch. After that dumiretso nako sa pamilya ko.

"Congrats tita Ysa!" Sabi ni Kuya Sean na dala dala si Sam. Agad ko naman siya kinuha at binuhat.

"Yes! Graduate na tayo! Di nako gigising ng maaga!" Sigaw ni Kuya Zach. Binatukan naman siya ni Tita Maris.

"Hoy mag tratrabaho ka pa!" Sabi sakanya ng mama niya. Natawa naman kaming lahat.

"Sav" Napalingon ako sa tumawag sakin. Its Harry. Binalik ko muna si Sam kay Kuya at kinausap si Harry.

"Congrats!" He said then he hugged me.

"Congrats din" Sabi ko sakanya. Harry confessed to me. Pero sabi ko hanggang friends lang talaga kami.

"Sorry to interrupt. But we need to go" Kuya Stephen said.

"Sige na Ysa. I understand naman. I'll see u soon" He said. Nag paalam na ako sakanya at sa mga kaibigan ko.

Bago kami makaalis sa gym nakaramdam ulit ako ng may nakatingin nanaman sakin. Tinignan ko ang paligid pero wala naman.

Kung ang iba after graduation aalis sila to celebrate. Kami hindi we are going straight to the hospital to visit Lola.

Kinakabahan ako. Nararamdaman kasi namin na malapit na sumuko si Lola. Kaya ang ginagawa namin ini enjoy namin ang bawat moment kasama siya.

Mabigat sa pakiramdam na pumasok sa loob ng hospital kung saan andun si Lola. We are still wearing our toga. Gusto namin ito ipakita sakanya.

Pag pasok namin agad siyang napatingin samin at napangiti. Andun din si Lolo Bernie na binabantayan siya. Agad naman kami lumapit sakanya at nag picture kasama siya.

Nakiusap naman si Lola na kung pwede kausapin kami niya ng isa isa. Andito naman kami sa labas ng room nag hihintay.

"Okay ka lang?" Tanong sakin ni Kuya Paolo. Umiling ako at niyakap siya.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari.

"It's okay. Andito lang kami" Kuya said.

Matagal pa ako naghintay dahil ako ang huli na gustong kausapin ni Lola. Pagkalabas ni Kuya Stephen ako na ang pumasok.

"Ysa apo. Ang aming unica iha" Sabi sakin ni Lola pagka pasok na pagka pasok ko. Agad naman akong lumapit at niyakap siya.

"Proud na proud ako sayo apo. Kahit ang dami mong pinag daanan nagin matatag ka" Sabi niya sakin.

"Alam ko naman na makakaya mo eh. I always believed in you apo" Napaluha ako sa sinabi ni Lola.

"Thank you Lola, kahit na pasaway ako iniintindi niyo ako at lagi kayo naniniwala na kaya ko. Salamat po sa pag papalaki sakin" Sabi ko sakanya. Nginitian niya lang ako at hinaplos ang muka ko.

"Sana patuloy mo patawarin ang mga taong nakasakit sayo. May mga dahilan kung bat nangyayari ang lahat. Dadating din ang panahon na maaayos din ang lahat at magiging masaya ka" Sabi niya sakin. Hinawakan ko naman ang kamay niya.

"Mahal na mahal kita Lola"

"Mahal na mahal din kita apo ko. Pwede bang kantahan mo ang Lola? " She said. Tumango naman ako.

"Sana'y di magmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay"
I started singing. Hindi ko na napigilan na umiyak.

"Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan"" Unti unti naman pumikit ang mga mata niya.

Tumunog ang machine na katabi ni Lola.

Flat line.

Wala na ang taong nagpalaki sakin. Ang nag turo sakin na mag patawad, mag mahal at magkaron ng takot sa Diyos.

If We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon