Chapter 8: Movie

735 29 17
                                    

Savannah Ysabel's

Today is Friday at ngayon na yung lakad namin ni Sky kasama si Ellie. Excited nako kasi mukang masayang kasama yung pamangkin niya.

"Hindi talaga ako makapaniwala na hindi ka sasama samin ngayon" Sabi sakin ni Dani habang nag aayos kami ng gamit namin. Dismissal na kasi.

"Hala parang mga baliw toh. Minsan lang eh" Sabi ko sakanila.

"Ang lakas talaga ni Sky sayo noh" Sabi naman ni Aya.

"Nako tigilan niyo nga ako. Para toh dun sa pamangkin niya okay" Sabi ko sakanila.

"Okay" Sabay nilang sinabi.

Tumayo na kami at sabay sabay ng classroom. Pag labas namin nakita ko na agad si Sky.

"Let's go" Cold na sabi niya tas nauna na siya.

"Sige alis na kami bye!" Paalam ko sa dalawa tas nag beso kami.

"Ingat si Sky sayo! Este ingat kayo!" Biro ni Aya. Natawa na lang ako

Pumunta kami sa parking lot kung nasan yung sasakyan niya, pag dating namin lumabas si Tristan sa sasakyan ni Sky.

"Oh anong ginagawa mo diyan Tristan?" Tanong ko sakanya.

"Ako nag bantay kay Ellie para ma sundo ka sa classroom ni Sky" Napangiti naman ako sa sinabi ni Tristan.

"Wag kang mag assume inutusan lang ako ni Ellie" Kahit kelan panira talaga to si Sky. Di ko na lang siya pinansin nag paalam na lang ako kay Tristan.

Papasok na sana ako sa likod ng sasakyan ng biglang nag salita si Sky.

"What are you doing?" Inis na tanong niya. Ano nanaman ba ginagawa ko?

"Papasok sa sasakyan bakit? Papalakarin mo ba ako?" Sagot ko sakanya.

"Gagawin niyo ba akong driver? Sa passenger seat ka sumakay" He said then pumasok na siya sa driver seat.

Jusko yun lang pala kailangan pa mag sungit. Pumasok na lang ako sa passenger seat.

"Hi Ate Ysa!" Masayang bati sakin ni Ellie.

"Hello Ellie!" Sabi ko at niyakap siya.

"Ang bango niyo naman po! Amoy cookies and vanilla po kayo. Kaya po siguro kayo gusto ni Tito kasi hilig siya sa sweets" Natawa naman ako sa sinabi ni Ellie.

"Talaga?" Sabi ko then tumingin ako kay Sky pero umiwas lang siya.

"Opo! Siguro po lagi kayo hug ni tito sky noh?" Inosenteng tanong ni Ellie na ikinatuwa ko naman.

"Ellie!" Saway sakanya ni Sky. Nag peace sign naman si Ellie.

Nag start na mag drive si Sky. Samantalang kami ni Ellie walang tigil ang daldalan hanggang sa makarating kami sa mall.

"So anong gusto mong gawin ngayon?" Tanong ko kay Ellie habang magkahawak ang kamay namin habang naglalakad sa mall. Samantala ang tito Sky niya nasa likod lang namin.

"Watch po tayo movie!" She said.

"Sige! Anong gusto mo?" Tanong ko sakanya.

"Yung giant po na movie?" The BFG yung tinutukoy niya.

Pumayag naman si Sky kaya pumunta kami sa may cinema para makabili kami ng ticket. Pag dating namin hindi na pala kami umabot dun sa showing mamayang 7 na yung sunod kaya nag decide kami na mag dinner muna.

"Ate pano po kayo nag meet ni tito?" Tanong sakin ni Ellie habang naghihintay ng order namin.

"Eh kasi ganito yun may chinito na pogi na pumasok sa classroom, tas pag tingin ni Ate Ysa mo na love at first sight siya, eh yung tito mo kasi pakipot eh" Kwento ko sakanya.

"Talaga po? Nako po ate lab na lab ka ni tito! Pinag tanggol ka nga po niya eh" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Pinag tanggol? Kelan?

"Wag ka ngang maniwala diyan kay Ellie" Sky said. Mukang maiinit nanaman ulo niya.

"Ang init naman ng ulo ng love ko" Sabi ko sakanya then pinisil ko yung pisnge niya.

Mukang nagulat siya kasi nakatitig lang siya sakin. Hindi naman siya mukang naiinis. Nakakatitig lang talaga siya sakin. Tas nakahawak parin ako sa pisnge niya.

"Ay ang sweet!" Napabitaw na lang ako ng biglang nag salita si Ellie. Sakto dumating naman yung order namin.

After namin kumain dumiretso na kami sa cinema para makabili na kami ng ticket.

Mahaba yung pila sa ticket booth kaya si Sky at Ellie na ang pumila dun tas ako pumila ako sa bilihan ng pop corn.

Habang nakapila ako may kumausap na lalaki sakin.

"Hi" Sabi niya sakin. Muka namam siyang matino pero di ko siya feel. Nginitian ko na lang siya.

"You're going to buy a pop corn?" Napairap ako sa tanong niya. Tanga ba toh?

"Ay hindi baka bibili ako ng ticket sa bilihan ng popcorn" Inis na sabi ko sakanya. Natawa naman siya sa sinabi ko. May nakakatawa ba sinabi ko?

"By the way I'm Shawn" Pakilala niya.

"Oh? Shawn Mendes o Shawn the sheep?" Alam kong rude pero naiirita ako sa muka niya. Gwapo naman eh pero malandi.

"You're funny" He said.

"Sorry di ako clown" I said. Buti na lang turn ko na bumili ng pop corn. After nun umalis agad ako para makalayo sa Shawn na yun.

"Hey! May kasama ka ba manood ng movie?" Akala ko makakalayo na ko sakanya, hindi pala.

"Ay wala! Siguro sakin lahat itong popcorn na dala ko" Sabi ko habang nag lalakad. Pero sinusundan niya parin ako.

"I can help you" Tatanggi pa sana ako kaso biglang dumating si Ellie.

"Ate Ysa!" Sigaw ni Ellie tas lumapit siya sakin. Napatingin naman ako kay Sky na nakasimangot nanaman.

"Oh your brother and sister?" Nag sasalita nanaman tong annoying na toh. Kapatid? Eh ang sisingkit ng mga toh eh! Bigla naman lumapit sakin si Sky.

"Love, sino siya?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng sabihin yun ni Sky.

"Love?" Tanong nung Shawn.

"Yes, she's my girlfriend is there a problem?" Sabi sakanya ni Sky.

"Wala naman. Sige i'll go ahead. Enjoy the movie" Shawn said then umalis na.

"Let's go" Sabi naman ni Sky. Na excite naman si Ellie kaya nauna siyang tumatakbo samin.

"Naks nag seselos ang love ko ah" Sabi ko sakanya. Lalo tuloy siyang sumimangot.

"Kilabutan ka nga sa pinag sasabi mo. I'm not jealous okay ayoko lang ispin ng pamangkin noh na nakikipaglandian sa iba yung girlfriend ng tito niya " He said.

"Eh bakit hindi mo na lang sabihin sakanya na hindi mo naman talaga ako girlfriend" Napatigil naman siya sa sinabi ko.

Hinihintay ko siyang sumagot pero instead nilayasan niya lang ako. Ang moody talaga nun!

If We Fall In LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora