Chapter 42: Cornetto

585 23 14
                                    

Savannah Ysabel's

Kanina pa ako hanap ng hanap ng flash drive ko dito sa kwarto ko. Ang kalat kasi ng kwarto ko ngayon puro mga kahon. Next week na kasi kami mag lilipat.

"Ano ba Ysa hindi ka pa ba diyan tapos?" Tanong sakin ni Kuya Zach.

"Hindi pa nga diba" Naiinis kong sagot ko sakanya. Asan na ba kasi yun?!

"Ano ba late na tayo, bilisan mo!" Sigaw ni Kuya sakin.

"Eh di mauna ka na! Wala akong pake!"Sigaw ko sakanya at sinaraduhan siya ng pinto.

Kanina pa ako naiirita, kahit pagka gising ko palang naiirita nako. Tas hindi ko pa mahanap flash drive ko tas si Kuya super kulit pa.

"Bahala ka nga diyan, meron ka nanaman kaya ka ganyan"He said then narinig ko na umalis na siya sa harapan ng pinto.

Ewan ko ba kung normal pa ba toh oh hindi pag meron ako. Tapos sinasabayan pa ng sakit ng puson ko.

Nung nahanap ko yung flash drive agad na ako nag paalam kay Lola at umalis na ng bahay para pumasok ng school.

Nag book na lang ako ng uber dahil wala ako sa mood makipag gera sa LRT at sa jeep.

9:30 am na ng dumating ako sa school. 30 mins na ako late pero papasok parin ako. Aba buti nga papasok pa ako eh. Atsaka sanay na yung prof sakin.

Pag dating ko sa classroom napatingin naman silang lahat sakin pero dire-diretso lang nag turo yung prof samin. Dumiretso naman ako sa upuan ko.

"Mag training ka ngayon?" Tanong sakin Dani.

"Ay hindi, trip ko lang magdala ng gym bag"

"Eto meron nanaman kaya nang aaway ka nanaman" She said. Sanay na sila sakin.

"Masanay ka na ulit diyan, tayo na ulit aawayin niyan" Aya said.

Nung kami kasi ni Sky, siya inaaway ko pag meron ako. Eh ngayon? Wala na.

After ng class namin dumiretso na kami sa field para kumain. Habang papunta naka salubong namin sila Tristan kasama si Sky at Anna.

Simula nung nag usap kami ni Sky sa sasasakyan, iniiwasan ko na siya. Ano pa ba ang point ng pag hahabol ko kung sila na? Masaya siya kay Anna. Kitang kita ko naman.

"Hey, sama kayo?" Tanong samin ni Carlo.

"San ba kayo kakain?" Tanong naman ni Aya sakanila.

"Sa food park. Nag yaya kasi tong si Anna" Sagot ni Tristan.

"Kayo na lang" Walang gana kong sagot.

Hindi dahil iniiwasan ko sila, malayo pa kasi yung food park na sinasabi nila, lalabas pa ng campus. Wala ako sa mood para mag lakad lakad ang bigat ng bag ko ngayon tapos meron pa ako.

"Di na rin kami sasama" Sabi naman ni Dani.

"Wag na lang, sa field na lang ulit tayo kumain" Biglang sabi ni Sky. Wala naman nagawa si Anna kaya pumunta na kami ng field para dun kumain.

Habang kumakain ng lunch bigla ako nag crave ng cornetto. Gusto ko yung ube or halo-halo flavor. Lagi yun ang kinakain ko pag meron ako.

"Wow ang dami naman niyan Sky?" Napatingin naman ako kay Sky na galing canteen kasama si Tristan.

Ang dami niyang dalang ice cream, and cornetto yun! And may nakikita akong ube!

"It's my treat" Tipid niyang sabi. Isa-isa naman niyang binibigyan sila, pero ako nakatingin lang. Nakakahiya naman kasi.

If We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon