Chapter 17: Training

626 28 7
                                    

Savannah Ysabel's 

It's been weeks simula nung nag transfer yung Stephen na yun dito sa school. Nagtataka nga kami kung bat pa siya nakapag transfer sa kalagitnaan ng sem. Siguro may kapit yun sa loob ng school. 

Hindi naman maiiwasan na mag tagpo ang landas ni Stephen and Sky. Kaya hindi rin maiwasan na mag away sila. Na hanggang ngayon hindi parin sakin ini-explain ni Sky kaya hinayaan ko na lang sila mag away. Nakakpagod sila.

Kasalukuyang nasa library ako ngayon sa may thesis room. May tinatapos akong research para sa English class ko. Sobrang na stre-stress nako. 

Pano ba naman kasi ang dami ko kailangan ipasa na requirements tapos midterms na next week. Tas sinabayan pa ng training. Kaya itong katawan ko malapit na atang bumagsak parang grades ko. 

"Hey" Bati sakin ni Sky pagkatapos tumabi siya sakin. Pero hindi ko siya pinasin. 

"Huy pansinin mo naman ako" He said habang pinipisil ang pisnge ko. Hindi ko parin siya pinapansin. Medyo naiirita na ako sakanya. 

Hindi siya nakaramdam kaya patuloy parin niyang pinipisil ang pisnge ko. 

"Ano ba! Di ka ba titigil! May ginagawa ako diba?!" Sigaw ko sakanya. Buti na lang kami lang dalawa ngayon dito sa Thesis room. 

Mukang nagulat siya sa sinigaw ko kaya nanahimik siya. Ako naman bumalik na lang sa ginagawa ko. Maya maya umalis na lang siya sa thesis room ng walang sinasabi. Buti naman.

After kong gawin yun dumiretso na agad ako sa next class ko. Nakalimutan ko pala mag lunch. Bigat na bigat akong pumasok ng room. Pano ba naman kasi ang dami kong dala ngayon. May laptop ako tas may pang training pa ako para mamaya. 

Pag dating ko andun na sila Dani and Aya. Kakatapos lang nila mag lunch. Dumatin na rin yung prof namin. Hindi ko naman maiwasan hindi tumingin sa phone ko. Usually kasi kinukulit ako ni Sky sa text. 

Dinamdamdam niya kaya yung pag sigaw ko sakanya?

Pero sino ba ako diba? Wala lang naman ako sakanya. 

"Huy ano hinihintay mo diyan?" Biglang tanong sakin ni Dani. 

" Anong ano. Baka sino." Pang asar sakin ni Aya.

"Tigil tigilan niyo ka akong dalawa. Bored lang ako okay" Sabi ko sakanila.

"Nako lumang palusot na yan Ysa. Baka naman na attached ka na diyan ah" Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Dani. Nakinig na lang ako sa prof namin. 

Buong araw hindi ako tinext ni Sky. Hindi ba dapat masaya ako kasi hindi niya ako kinukulit? Hay nako ewan ko na.

"Uwi na kayo?" Tanong ko kala Dani. Last subject na namin toh. Nag aayos na kami ng gamit.

"Yup! Pero hatid ka muna namin sa gym. May training ka ngayon diba?" Aya said. I just nodded

Nagpalit muna ako ng pang training at pumunta na sa gym. Simahan muna ako nila Aya habang hindi pa nag sta-start yung training. 

Kaya andito lang kami sa may bleachers. Kumakain muna ako ng salad kasi hindi ako nakapag lunch. Ayoko naman mag rice ngayon kasi sasakit tiyan ko kaya wala akong choice. Bigla naman lumapit samin is Celine na captain namin at may kasama siyang babaeng naka boy cut. 

"Ysa! May papakilala pala ako sayo. Si Reg co captain natin" Pakilala ni Ate Celine sa kasama niya. 

Mukang iba ang course nito. Sumali na rin kasi ako sa varsity ng school. Tutal sumali nako sa org namin sayang naman daw kung di pa ako sasali sa school. 

"Hi" Nakangiting bati ko sakanya. Medyo tipid ako mag salita ngayon kasi wala ako sa mood. 

"Sige maya maya mag ready ka mag start na rin tayo" Ate Celine said. I just nodded. 

Maya maya nag paalam na rin sila Dani kasi mag sta-start na yung training. Tinali ko na ang buhok ko at bumaba na ng bleachers. 

Habang kinakausap kami ni Ate Celine  nagulat kaming lahat ng may pumasok ng mga grupo ng lalaki sa gym. Teka andun si Sky kasama si Tristan and Carlo. 

"Teka bat andito ang varsity boys?" Tanong ni Reg. 

"Ay oo nga pala. Kasabay natin sila mag training ngayon kasi iisa lang coach natin" Explain ni Ate Celine. Medyo kinabahan naman ako. Makakasabay namin sila?

"Ysa!" Tawag sakin ni Tristan. Kinawayan ko naman sila. Pero samantalang si Sky hindi ako pinansin. 

"Kilala mo sila?" Tanong ni Reg. Ay hindi. Naki hi lang siguro ako. 

"Yup. Friends ko sila" Sagot ko sakanya. 

"Okay. Tara na jog na" She said. Ang sungit naman nun. Hindi ko na lang siya pinatulan nag start na lang kami mag jog paikot sa gym. Kasabay namin ang boys. 

Nung nakaramdam na ako ng pagod nag lakad na lang ako. Ayoko naman pilitin ang sarili ko. 

"Okay ka lang?" Nagulat ako ng nagsalita si Reg sa tabi ko. 

"Yup. Napagod lang" Sagot ko sakanya.

"Wala tayo sa park para maglakad! Pagpatuloy niyo yung jog" Sigaw samin ni Sky. Teka sino ba siya para utusan kami? Coach ba siya, 

Hindi ko na lang pinatulan si Sky. Nag jog na lang ako. After ng jogging at stretching start na talaga ng training. 

Pinapila kami isa isa para sa shooting. At kung ano ano pa. Pinag dribble din kami. Hindi nako sanay sa ganito kaya medyo nag a-adjust ako.  

Nung binigyan kami ng water break agad kong kinuha yung water bottle ko. Hindi ako mahilig sa tubig pero feeling ko mauubos ko na yung water ko. 

"Hey. Kailangan pala mag pasa ng birth certificate and med cert. Requirements eh" Sabi sakin ni Reg. 

"Sige sige. Mag papasa ako baka next week" Sagot ko sakanya. Bigla naman may tumamang bola sa braso ko. Pag tingin ko sila Sky yun. 

Tinapon naman pabalik sakanila ni Reg yung bola. Ayoko na lang pansinin si Sky. Baka magkagulo pa. After nun nag start na ulit ang training. 

10 PM din natapos ang training. Nag palit na agad ako ng t-shirt. Hinahanap na kasi ko sa bahay. Lagot nanaman ako kay Kuya. Nag paalam nako kala Ate Celine.

"San ka uuwi? Sabay na tayo gusto mo?" Sabi sakin ni Reg. Mag sasalita na sana ako kaso biglang may sumingit.

"Ako na bahala sa girlfriend ko" Sabi ni Sky tapos kinuha ang gym bag ko at hinila ako. Hindi naman ako nakapalag kasi pagod na talaga ako. 

"Pwedeng bang layuan mo yun" Sabi niya sakin habang naglalakad kami. 

"Sino? Si Reg? Nababaliw ka na ba? Nako love alam kong seloso ka pero pati ba naman babae?" Asar ko sakanya.

"Tibo yun Savannah. Halata naman na may gusto siya sayo" He said. Hawak niya parin ang kamay ko. 

"Eh ano naman? Straight naman ako" Sagot ko sakanya. Binitawan na niya ang kamay ko at hinarap ako. 

"Kahit na! Atsaka ano ba yang suot mo ha" Sabi niya sabay turo sa shorts ko. 

"Um malamang shorts?" 

"Bakit ang ikli?!"  Sigaw niya saakin. 

"Kasi shorts siya. Hindi naman po siya long" Inis na sabi ko sakanya. 

"I dont' care! Alam mo bang pinag titinginan ka kanina ha?!" 

"Eh ano naman? Hindi ka nga namamansin mag hapon eh!" Sumbat ko sakanya. Buti na lang wala ng tao ngayon sa campus. 

"So na miss mo ako?" Natigilan naman ako sa sinabi niya. 

"Don't worry na miss rin kita" He said then nauna ng naglakad. Napaka bipolar talaga nun!

Sinundan ko na lang din siya habang nakangiti. 



If We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon