Chapter 44: Party

619 25 14
                                    

Savannah Ysabel's

Ngayon na yung Christmas party nila Sky kung saan invited kami. Nakakahiya naman kasi kung tatanggihan nila Daddy para lang sakin.

I'm wearing a simple black long dress na backless. Naghahanap naman ako na necklace na pwede i-bagay sa dress ko.

Nakita ko naman ang necklace na regalo sakin ni Sky. Mukang bagay yon sa dress ko kaya yun na lang an pinili ko. Wala naman siguro masama, siya naman ang nanloko kaya wag siya magalit.

Yung about naman sa naging away namin ni Chanine hindi ako nabigyan ng violation. Nalaman kasi ni daddy ang nangyari kaya pumunta siya sa school.

Hindi naman daw ako ang nag simula ng away bat ako bibigyan ng violation. Hindi ko nga alam kung pano nalaman ni dad eh di ko naman sakanya sinabi.

Nang matapos ako mag ayos lumabas na ako ng kwarto ko. Sakto naman na nakita ko si Kuya Zach na kakalabas lang din ng kwarto.

"Stay away pala ah" Asar sakin ni kuya Zach. Inirapan ko lang siya at di pinansin. Tinawanan lang ako ng gago. Hindi naman kami siguro mag uusap dun. Maraming invited naman dun.

Maya maya umalis na rin kaming lahat.

"Ang ganda talaga ng apo ko" Sabi sakin ni Lola habang nasa sasakyan kami.

"Mana po sainyo ni mommy" Sabi ko sakanya habang nakangiti.

"That's true" Kuya Stephen said. Bata pa si kuya nung namatay si mommy. Naalala niya pa kaya yung memories niya?

After an hour nakarating na rin kami sa mansion ng mga Chua. Biglang bumalik lahat ng masasaya at malulungkot na memories ko dito.

"Steven!" Bati ni Tita Irene. Lumapit naman sila papunta samin naki pag beso si tita kala daddy. Nagulat ako ng tumingin siya sakin at ngumiti at nakipag beso rin at kay Lola.

"Glad you all came" sabi ng daddy ni Sky. Tumingin naman siya samin. I just smiled at him.

Nag usap saglit sila ni Daddy at nag paalam na rin para i entertain yung iba nilang bisita.

Inupo muna nila Kuya si Lola, si kuya Stephen naman niyaya ako na mag libot libot para ipakilala daw sa friends niya.

"Tita Ysa!" Lumingon naman ako sa tumawag sakin. It's Ellie at tumatakbo siya papunta sakin agad ko naman siyang sinalubong ng yakap.

"Na miss kita tita!" She said then she kissed me on my cheeks.

"I miss u too my ellie!" I said to her.

"Batit hindi ko na po nadalaw?" She asked me. Walang ka alam alam si Ellie sa nangyayari samin ng Tito niya.

"Naging busy lang ang tita ysa, sorry ah di na kita nadadalaw"

"Laging na lang po si Anna dito. Ayaw ko sakanya!" Nagulat naman ako sa sinabi ni Ellie hindi ko alam ang sasabihin sakanya.

Napatingin naman ako sa kasama niya. It's must be her mom. Kasing ganda niya si Ellie.

"Hello, I'm Ellie's mom. Josephine" She said while smiling. Tumayo ako para makipag shake hands sakanya pero nagulat ako ng nakipag beso siya sakin.

"Nice meeting you po, I'm Ysa" Sabi ko naman sakanya.

"I know lagi kang kwinikwento ni Ellie. Savannah Ysabel right?" Nagulat naman ako na alam niya pala full name ko. I just nodded.

"Tito sky!" Napatingin ako sa bagong dating na Sky at Anna. They look so good together.

Nagulat ako ng bigla ako hinali ni Ellie palapit sakanila.

"Ellie wait" Sabi ko sakanya pero di niya ako pinakinggan kaya napunta kami kala Sky.

"Hi Ysa. You're here pala" Anna said.

"Hi" Tipid kong sagot at ngumiti sakanya. Napatingin naman ako kay Sky. He's also looking at me pero umiwas din ako.

"Andito na tito sky si tita ysa! Ma play na ulit tayong three!" Masayang sabi ni Ellie. Shet ang awkward nito.

"Umm Ellie do you want to get some chocolates?" Tanong ni Anna sakanya.

"No! Ayaw ko sayo Anna!" Nagulat naman ako sa inasta ni Ellie.

"Umm Ellie come to mommy hinahanap ka na ni Daddy mo" wala naman nagawa ni Ellie kaya sumama na lang siya sa mommy niya.

"Ysa!" Napatingin kami sa tumawag sakin. It's kuya Stephen. Napatingin naman siya kala Sky. Alam kong nasasaktan siya. Halata sa mga mata niya.

"Stephen" Tawag sakanya ni Anna. Kuya just nodded at tumingin sakin.

"Dad is looking for you. Ipapakilala ka niya" Kuya Stephen said. Nag paalam na kami sa dalawa at pumunta kay Dad.

After niya akong ipakilala sa friends niya bumalik na kami sa table para kumain. Napansin ko naman na wala si Kuya Sean.

"Asan si Kuya Sean?" Tanong ko sakanila.

"Baka nag hanap nanaman ng babae" Sabi ni Kuya Zach.

"Nako si Kuya talaga kahit kelan" Sabi ko.

Nag de-dessert na kamj ng biglang nag patugtog ng slow dance.

"Can I dance my daughter?" Dad said and I nodded at tumayo na kami para sumayaw.

Masayang nag kwekwentuhan kami ni Daddy habang sumasayaw. Hindi ko pinag sisihan na binigyan ko ng chance si Daddy.

"Thank you for being strong like your mother" He said. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Can i dance your daughter Mr. Sandoval?" Nagulat naman ako sa sinabi ng Kuya ni Sky. Pumayag naman si Daddy at binigay ako kay kuya Brandon.

"What are you doing here?" Nagulat ako sa sinabi niya. Ayaw niya ba ako andito?

"I don't have any problem to you. Gusto ko pa nga mag pasalamat because napasaya mo ang kapatid ko" He said.

"I'm sorry but I think hindi ko siya napasaya. He's more happy with Anna" Sabi ko sakanya.

"You should not come here. Masasaktan ko lang" Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya.

Dahil ba makikita ko sila? Araw-araw ko sila nakikita sa school. Sanay nako.

Pagkatapos niya ako i sayaw hinatid na niya ako sa table namin ni nila Kuya.

"Anong sinabi niya sayo?" Kuya Stephen asked.

"Wala naman. Nag kwentuhan lang kami" Sagot ko.

"Tita Ysa!" Sigaw ni Ellie habang papalapit sakin. May inabot naman siya sakin isang box.

"What is this?" Tanong ko sakanya.

"Tito sky gift!" Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Si Sky? May gift? Pero bakit?

Siguro pinilit lang siya ni Ellie. Binuksan ko naman ang box at nagulat ako ng makita ang sing sing na may birthstone ko. Match na match sa kwintas na suot ko.

"Ang pretty mo noh?" Ellie said. Napangiti naman ako.

"Yes it is" Sabi ko sakanya.

"Can I have your attention all please" Napatingin naman lahat kami sa Daddy ni Sky.

"As well all know Anna is back from new york and the childhood sweethearts are reunited" Nakaramdam ako ng sakit. Nagpalakpakan naman silang lahat.

"And I'm happy to announce that this two are engaged!" Parang akong nabingi sa sinabi niya.

Hindi. Hindi ito totoo.

Nakatingin sakin sila Lola. Pati si Sky.

"Ysa" Tawag sakin ni kuya Zach. Hindi ko yun pinansin tumayo ako at lumabas.

Unti unti tumulo ang mga luha ko na kanina pa gustong lumabas.

Bakit Sky? Bakit siya pa?

If We Fall In LoveWhere stories live. Discover now