Chapter 11

1K 18 3
                                    


"If they have a patience to both of you your relationship become longer and if your relationship stay forever then you'll be happy at all."

Hindi sagot ang paglisan para maging masaya ka. Kong ang isang tao ay mahal mo pa huwag mo subukan iwanan siya. dahil sa totoo ikaw lang din ang masasaktan pag dating sa dulo.

~Shikin Gomez~

-----***-----

Renato.

Gano'n pala ang tunay na pagmamahal hindi natatapos at walang katapusan. Isip-isip ko pa rin ang nagyari dahil ako mismo natuwa at lubos ang saya ang aking naramdaman ng muling bumalik ang matamis na pagmamahalan namin ni Shikin.

Nandito ako ngayon sa Malolos Bulacan sa probinsya for little vacation kasama ang pamilya. Samantalang si Shikin ay nasa vacation din kagaya ko. Forever? I think so. Lahat na lang ng bagay parehas kami kaya hindi kami naghihiwalay e. Naghiwalay man pero nagbalikan naman at iyon na ang huli naming paghihiwalay.

That's the true love at minsan hindi magiging madali sa isang tao kapag ang taong lubos mong minahal ay iniwan ka. Oo, hindi talaga, siyempre mahal mo iyon e. Sino bang tao ang magiging masaya kapag nawala ang taong mahal niya, Wala naman diba? Pwera na lang. Kong isang laro ang relasyon na pinasok mo panigurado magiging masaya ka pa, baka nga tumawa ka pa e.

Pero ako heto masaya pa rin. Oo, masaya kasi hanggang ngayon kami pa rin ni Shikin parang wala na ngang makakasira sa relasyon namin kong meron man? Ako mismo magsasabi sa kanya na. Sorry may forever na ako.

Flashback.

Kunting recap lang sa nagyari sa akin bago ako pumunta dito sa probinsya.

Naalala ko iyong isang babaeng lumapit sa'kin si Freezequen.

"Hello? Handsome guy, your truly gorgeous po." Tapos ngiti sa akin, ngiting abot langit.

Natawa talaga ako. Handsome na nga Gorgeous pa! Tindi naman, ano ako lesbian? Jusko ko Lord patawarin ka nawa ng po'ong may kapal.

"Why are you so smiling? I think that you have a problem?

Isa pa yan sa hindi ko makakalimutan na linya niya. Baliktad yata ang utak niya e. Pero kung anong kinabaliktad ng utak niya ganon naman ang bawi ng napakaganda niyang katawan isama mo pa ang napaka-lovely niyang mukha. Sayang nga e, may saltik yata yon? Ewan ko ba.

"Meet my girlfriend Denver." She's Handsome like you and she have a very nice personality.

Ito pa, girlfriend daw pero lalaki? Grabe na talaga ang pagkabaliw ng babaeng ito. Nabaliw siguro sa gwapo niyang boyfriend. Bagay sila kaso itong si Freezequen medyo mas sayad ang utak.

Pinakilala pa niya sa akin iyong kaibigan niya na si Neriza. Nireto niya sa akin. Oo maganda siya pero may forever na ako e. Kaya naman binaliwala ko na lang iyon kahit pa mas doble ang ganda na meron siya kumpara kay Shikin.

Mayaman, sikat at tinitingala ng karamihan pero hindi e, mali na umibig ako ng kagaya niya. Oo pasado siya sa akin pero ang tanong? Tama ba ang gagawin ko kapag minahal ko siya? Natural hindi.

Sino ba ang taong magmamahal ng iba kong hindi pa tapos mahalin ang taong mahal niya? Marami. Pero ako hindi e, hindi ko ipagpapalit si Shikin sa kahit kanino man kahit sa kagaya pa ni Neriza.

"Hello pre," Denver nga pala. Pagabot kamay sa akin ng boyfriend ni Freezequen. Tama nga ang sinabi niya gwapo siya at he's have a nice personality tumpak din kahit papaano, meron din pala kahit kunting pagka-seryoso si Freezequen hindi pala sa lahat ng bagay mali siya.
Kahit paano may tama rin pala sa mga sinasabi niya.

Stay Away From Me (Complete)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt