Chapter 33

512 6 0
                                    

Shikin.

Nasa loob ako ng bahay kasama ko si Denmark siya ngayon ang nagsilbing best man sa akin. Marami pa akong dapat gawin. Hindi ako isang talunan na susuko lang basta-basta.

"Sa pagibig mas lamang ang tunay kesa peke"

Para sa akin si Sheyin isa siyang babaeng hindi sumusuko sa laban. Hindi ko siya magawang sugurin dahil ayaw kong ipahalata kay Renato na nagseselos ako dahil simula pa lang kami na ang tinadhana siya naman ang sabit lang.

Iba ang naramdaman ko ng makita sigawan ko si Renato. Wala siyang kung anong reaksyon ng makita akong luhaan. Hindi siya si Renato Dela Vega, may kong anong bagay na nagbago sa isipan niya. Kaya alam ko may masamang ginawa si Sheyin kay Renato para sumama ito sa kanya.

Ang suot niya'y itim na tela kaya naisipan ko na baka kinulam niya ito o kaya ginayuma. Hindi ko alam bakit ganon bigla ang pinakita ni Renato sa akin nasaktan ako ng todo pero may mali sa pinapakita niya. Iba siya at hindi siya ang Renatong nakilala ko noong una.

'Kesa iyakan dapat maging palaban, dahil sa pagibig uuwing luhaan ang sabit at makakamit ang saya ng tunay'

Naghurumentado akong tumayo sa upuan at naglalakad-lakad sa sala. Nakatingin naman sa akin si Gabriel na tila nagtataka sa bigla kong inasta. Naging mahinahon ako at naging kalmado. Biglang nag-ring ang phone ko kaya agad kong kinuha ito sa bulsa at paniguradong si Renato ang tumatawag kaya nagmadali akong kunin ito at nang magsalita ang tumawag nagulat ako dahil pinagsisigaw at pinagmumura niya ako.

Si Clara ang best friend ko. Hindi ko alam bakit nasabi niya ang mga iyon. Nagtataka ako sa mga nangyayari bakit tila pati ang kaibigan ko nawawala na. Hindi pa rin malinaw sa akin ang mga sinasabi niya "ahas daw ako at sinungaling!" hanggang sa maalala ko si Albert. Nagtapat na siguro siya na ako ang unang babaeng nagalaw niya at baka nalaman ni Clara kaya nagawa akong murahin at sigawan. Sa palagay ko iyon ang dahil at wala akong ibang ginawang masama sa kaniya maliban doon.

Bigla kong nabitawan ang cellphone na hawak ko at napatulala ako habang nakatayo. May tumulo na lang na luha sa mata ko at saka umiyak na ako ng tuluyan. Si Denmark lumapit siyang muli sa akin at sinabing "okay lang yan maayos din lahat ng problema mo" Hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko kay Denmark mas mabait siya kumpara ngayon at talagang hindi niya ako iniwan dito at sinamahan upang damayan sa mabigat na pinagdadaanan ko.

Parang lahat na ng kamalasan nararanasan ko na. Mga mabibigat na bagay napupunta na sa akin. "malas na araw ito" sabay sabunot ko sa sarili ko na medyo may pagkasigaw habang sinabi ko iyon. Si Denmark naman, inaalayan ako na huwag gawin iyon. Gusto ko ng tapusin ang buhay ko pero hindi ko magawa kasi nandiyan si Denmark na pumipigil sa akin. Para bang sinasabi niya na huwag ka pang sumuko may pagasa pa.

"Shikin. Nandito lang ako, susuportahan kita." sabi niya yan sa akin sabay pinatayo niya na ako sa pagkakaupo.

"Salamat kasi dahil sayo nagiging matibay ako, salamat sa pagcomfort sa akin, pinsan ka nga talaga ni Renato." tugon ko sabay yakap sa kanya.

***-----***

May nagdorbell sa labas kaya naman dali dali akong kumalas sa pagkakaykap kay Denmark. Labis akong natutuwa na baka bumalik na si Renato. Masakit iyong ginawa niya sa akin na tila nakakapang walang buhay na. Pero kapag bumalik siya mas matutuwa ako aasahan ko iyon kasi may pangako siya at may singsing na akong suot tanda ng pagmamahalan namin.

Naiwan si Denmark sa may sala at pinagmasdan lang ako habang papunta sa pintuan kaso pagkabukas ko. Isang malakas na sampal ang bumungad sa akin. Sampal sa tunay na kaibigan.

Si Clara at kasama si Albert na pinipigilan niya na huwag sumugod dito. Sa aking nakikitang postura ni Clara alam ko na nalaman niya na ang nangyari sa nakaraan ko kay Albert. Hindi ko mali ang nangyari kaya wala akong kasalanan dahil natukso si Albert sa tindig ko noon at wala naman na akong balak na balikan siya hindi ko lang pinaalam kay Clara iyon kasi natatakot ako.

Stay Away From Me (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon