Chapter 14

667 11 1
                                    

Shikin.

Si Sheyin sigaw ko nanginginig ang tuhod kong nakatingin sa kanila ni Renato. Nakatayo ako at pilit pinipigilan ang kamao ko na pwersahin ito para walang mangyaring gulo. Isang ahas ang tuluyang tumuklaw sa katawan ni Renato na siyang dumadaloy na lason sa katawan niya dahilan na pagkagat nito. I'm late, huli na ang lahat.

"S-shikin," gulat si Renato nang makita niya ako sa kanilang likuran habang kitang-kita nang dalawa kong mata ang ginagawa niyang kaahasan kay Sheyin. Paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan ko hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na ako ang nasa likuran nila.

"Oh bakit parang tulala ka yata? Hindi ako multo ano kaba? Tuloy mo lang, papanoorin ko kayo." Walang pangiisip na turan ko.

"S-shikin!!! I---im so sorry," nakatulala sa hangganan niyang sabi, na may kasamang nginig sa kaniyang labi.

Akmang aalis na ako sa pwesto ko nang lumapit siya sa akin hinawakan ang kamay ko nang napakahigpit na parang hindi niya ako papakawalan sa ganitong paraan. Sa tagal naming nagkasama isa ito sa pinakamasakit na nagyari sa dalawang taon na pagsasama namin. Bakit naman kaya ganon kong kailan ang taong kay tagal nang nawala muling bumalik para mahalin ang taong iniwan niya. Uso pa rin pala ang salitang "muling pagtanggap" or comeback is real.

"Shikin, pakinggan mo naman ang paliwanag ko huwag mo naman akong iiwan sa paraan na ganito." Awang-awa niyang sabi sa akin.

"Pakinggan? Renato! Wala ka na dapat pang sabihin sa akin! Nakita na mismo nang dalawa kong mata ang ginawa mo sa kaniya. Masakit para sa akin na makita ang babaeng iyon, siya ang nanakit sayo dati pero itong nakita ko ngayon na ginawa mo parang wala lang ang lahat nang nakaraan ninyo tinanggap mo pa din siya nang buong-buo. Anong klase kang boy-friend!" Pasigaw kong sabi, na siya naman nagpatahimik sa kaniya nakayuko't umiiyak ang tindig niya habang sinasabi ko iyon.

"Shikin maawa ka naman sa akin ayaw ko lang naman na mawala lang ang dalawang taon nating relasyon nang ganon-ganon lang. Magpapakasal pa tayo diba? Shikin."
Tumingin siya sa akin nang diretso at nagtugma ang pareho naming mga mata. Matang parehong lumuluha.

"Renato, dapat inisip mo muna ang mararamdaman ko sa ginawa mo. Masakit para sa isang babae na makita ang kaniyang nobyong may kahalikang iba ang mas masakit pa si Sheyin iyon. Alam ko Renato masyado kitang pinaraya akala ko patuloy na magiging maayos na ang relasyon natin pero sa ganitong kalagayan muling naging mali ang akala ko." Patuloy ang paglayo ko sa kaniya at siya naman ay patuloy na lumalapit sa akin.

"Shikin huwag mo naman akong iiwan, forever diba? Infinity diba? Lifetime diba? Panagutan mo naman iyong pangako mo, iyong pangako nating pareho." "Shikin pakinggan mo muna ako ohh." Pagpapatuloy niya.

Siyang patuloy na lumalapit sa akin pero binabantaan ko siya na huwag lumapit. Dahan-dahan akong umaalis sa kanya at siyang paunti-unti pa ring lumalapit sa akin na para siyang isang cactus sa aking paningin na iniiwasan lumapit sa kaniya baka ako'y masugatan kapag siya'y aking nakatabi.

"Alam mo ba ang salitang tiwala? Diba tayo'y nagsimula diyan, ngunit bakit tayo'y nagtapos sa isang tiwala na nasira? Tama nga ang sabi nila 'Promises are meant to be broken' Isa kang malaking sakit na nasa aking puso ngayon." May pwersa kong sagot sa kaniya, siya naman ay patuloy pa rin ang paglapit sa akin.

"Oo na! Mali ko na! Palagi naman eh! Palagi na lang akong nagpapakababa sa relasyon natin! Ako na lang ang palaging nag-aadjust! Oo na mali ko na. Tama ka promise are meant to be broken. Pero ang pangako ko sayo ay never napako maawa ka sana at sana ako'y maintindihan mo aking mahal. Shikin." Sa una'y parang galit siya nang sumunod siya'y nagpakababa muli.

"Ikaw pa ang may ganang magsalita sa akin niyan. Masaya ang relasyon na meron tayo pero hindi ko alam ang mga sinasabi mo." Aniya ko sa kaniya.

"Oo masaya. Kasi pareho nating mahal ang isa't-isa at suot natin ang patience na nirerepresinta nang isang damit, kaya ngayon ang damit na ito'y tuluyan ko nang tatanggalin sapagkat ikaw ay parang susuko na. Shikin I'm still love you pero para ka namang maka-react para naman iiwan na kita." Medyo seryoso niyang sabi.

Stay Away From Me (Complete)Where stories live. Discover now