Chapter 31

442 7 0
                                    

Renato.

Narito na ako sa aming bayan at nakauwi na rin ng maayos. Halos sulit ang little vacation ko sa probinsiya nila lola. Maging ang mga pangayayari ay nakakatuwa. Matapos ang lahat mauuwi rin pala sa kasiyahan ang dulo. Dalawang buwan na lang ay ikakasal na ako kay Shikin. Halo-halong emosyon na rin ang aking nararamdaman hindi ko mawari na apelyido ko ang kukumpleto sa pangalan niya. Naisipan ko siyang puntahan sa bahay nila umuwi na rin sila Angelo, Shikin at Clara dito sa bayan namin. Naisipan ko siyang puntahan para maghalungkat ng mga gamit na pwede naming ilagay sa album.

Bumaba ako sa sala ng bahay at nakita ko na naka-ready na ang breakfast ko. Naghanda pala si tita Josia na mudrakels ni Denmark ang co-worker dati ni Shikin sa Restuarant, siya ang nagsilbing kasama ko sa bahay dahil pareho kong mga magulang ay nagwo-work abroad. Siya dito sa bayan namin at si Tita Rosie naman sa probinsiya. Isang linggo uuwi ang parents ko bago ang kasal iyon ang sabi sa akin nila papa. Kaya hindi na ako makapaghintay na muli silang mahangkan.

"Magandang umaga iho," bungad na bati ni tita Josia na may bahid na galak sa muli kong pagbabalik sa bahay na ito.

"Good morning po tita." tugon ko naman sa kaniya at saka diretso na ako sa hapag kainan para kumain.

Magandang bungad ng umaga sa akin parang mapupuno muli ng saya ang unang araw ko dito sa bayan namin. Iba pa rin pero ang pakiramdam kapag nasa probinsiya ka ramdam mo iyong pagkabalik mo sa bata. Nakakapanibago ng kunti pero sinanay ko na ang sarili ko.

Sinimulan ko ng kumain ng kanin at hotdog saka may isang fried chicken. Sinamahan na rin ako ni tita na kumain dahil kami lang dalawa dito sa bahay. Medyo marami rin kasi ang nakalatay na pagkain sa hapag.

"Kamusta naman bakasyon mo." Nagsimulang mag-open ng topic si tita kaya sinabayan ko naman para magkaroon kami ng bonding together.

"Ayos naman tita, marami pong nangyari na hinding-hindi ko makakalimutan." sagot ko at ngumiti naman siya habang sinusubo ang pagkain.

"Nga pala uuwi ang anak kong si Denamrk na pinsan mo na galing pa sa Malaysia para sa kasal mo. Maya-maya darating na siya para makita at kamustahin ka." muling ngumiti si tita at halatang masaya.

Lingid sa aking kaalaman na naaalala pa ako ni Denmark ito iyong kahawig ko dati kaya naman nakakatuwa kasi nabigyan kami ng pagkakataon para muling magkita na tinagurian kong kambal. Pero baka mas gwapo na siya sa akin ngayon. Hindi ko alam pero handa na akong muling makita ang pinsan kong kahawig ko na gagawin ko na rin abay.

"Ohh.. Talaga po tita? Nakakabilib naman po yan." sagot ko at halatang gulat na gulat ako at nakita ko rin ang pagngisi ni tita habang nakita ang reaksyon ko.

"Ako rin nagulat kasi hindi ko inaasahan na uuwi siya para suportahan ka. Tinuring ka niyang kapatid kahit na hindi iisa ang dugo niyo, pero naalala ka niya at may pakialam pa rin siya sayo." mahabang paliwanag ni tita sa akin na nagpataba ng puso ko.

Hindi ko akalain na may pinsan pa pala akong ganon. Sa kanilang lahat si Denmark lang ang nakakaalala sa akin. Kaya naman mas doble saya ang naramdaman ko sa sinabing magandang balita ni tita.

"Ah sige po tita ako rin hindi na ako makapaghintay na muli siyang makita." ngumiti ako kay tita at bigla naman siyang tumayo dahil nag-ring ang telepono niya.

Sandali lang iho ah...

Nakita ko ang tindig ni tita gulat siya ng marinig ang boses ng tumawag. Kung hindi ako nagkakamali baka si Denmark iyon kaya medyo kinabahan na rin ako ng kunti. Hindi mapakali si tita habang may kausap sa telepono siguro natutuwa or kinakabahan na ewan. Maya-maya biglang tumunog ang doorbell hudyat para tumakbo si tita ng mabilis. Napatayo naman ako sa pagkain at tinanaw kong saan papunta si tita.

Stay Away From Me (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon