Chapter 13

697 18 0
                                    

Shikin.

"Manong, pakikuha naman itong bitbit kong bayong at plastik bag." Pagsusuyo ko sa isang guwardiyang nakatayo sa gilid ng mall.

Marahan niyang hinaplos ang likod ko . Mas nagiba naman ang tipla ng pakiramdam ko. Embes na tinulungan ako nagawa niya pang tumawa at ngumiti sa ginawa niya. "Thanks you for visiting ma'am. Dagdag pa niya, na parang iniinis pa ako.

Tumingin ako sa kanya ng masama. "Bastos na guwardiya" sabi ko na lang sa isip ko. Kung may oras pa ako kanina ko pa ginawang ipa-pulis yong guwardiya na iyon. Pero ayaw ko aksayahin ang oras ko sa mga walang kwentang bagay.

Sa init ng ulo ko. Hindi ko na naisipang pumunta sa parking area kong saan naka-pwesto ang car ko. Lalo't nagmamadali pa ako. Medyo malayo kasi kaya sumakay na lang ako sa isang taxi na nakaparada malapit sa entrance door ng mall.

Hindi pa ako nakapasok sa isang taxi na Tarcix ang tatak at may plate number 9999. Medyo may naalala ako sa numero,pamilyar yong taxi na parang nasakyan ko na dati. "Hello ma'am," isang malamig na boses ang narinig ko. Boses iyon ng taxi driver na nakaupo sa harap, naka-hood at naka-shade kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya. But his voice is pamilyar parang napakinggan ko na iyon dati.

"Hi," rinig ko nanaman ang isang boses sa gilid ko. Hindi ko alam na may katabi na pala ako. Wala na rin kasi akong iniisip ng mga oras na iyon. Badtrip kasi yong guwardiya kaya hindi ko namamalayan may katabi pala ako. Boses babae kaya hindi na ako kinabahan.

Mudos operandi ng mga magnanakaw ang kausapin ang pasahero at tatanungin kong anong pangalan at minsan dadalhin pa ito sa malayong lugar. Sa tindig at ayos ng sasakyan na ito hindi ko na inisip iyon ang mahalaga makapunta na ako kay Renato sa probinsya nila.

"Hi!" Pangalawang sabi ng babae medyo may pagtatakang rinig ko mula sa kaniyang labi. Hindi ko pa pala siya napapansin, wala kasi ako sa mood para pansinin pa siya at isa pa hindi ko siya kilala.

"Shikin?" Ikaw na ba yan? Tumingin sa akin iyong babae. Nagulat ako nang banggitin niya yong pangalan ko agad pumasok sa isip ko na kilala ako nito. "Yhup I'm Shikin." Mataray kong sagot sa kanya. "And you?" I'm Clara your best-friend.

Parang napalitan nang napakagaan na emosyon ang pakiramdam ko. Huminga ako ng malalim. Enhale then Exhale. Huh!!! Gulat kong sabi. Bigla akong tumingin sa histura niya. She's still good mas maganda pa ito sa dating Clara na kilala ko. It's been a while nang makita ko siya dalawang taon na nang wala siyang paramdam. Ang huli kong balita sa kanya is yong nasa HongKong na siya with family niya. Kaya naman gulat ako ng siya na pala ang nasa tabi ko at noong grauduation namin sa St. Columban University na parehong nagtapos ng iisang kurso.

"Clara? Ikaw na ba yan. Nilakihan ko siya ng mata na parang hindi ako makapaniwala na siya na pala itong nasa tabi ko ngayon.

Hindi pa rin siya nagiiba sa kaniyang pwesto. "Oo, ako nga ito, kamusta ka naman na? Kamusta kayo ni Renato? Kayo pa rin ba?" nag-uumpaw sa tanong na sabi sa akin.

Ni isang salita walang lumabas sa aking bibig. "A-ahhh... eh?" Nang hindi ko na maituloy ang aking sasabihin nang bigla niya akong niyakap.

Nang hindi ko namamalayan may tumulo at nagmumugtong luha na pala sa kaniyang dalawang mata na ngayon lang tumulo dahil sa bigat ng kaniyang nadarama. "C-clara? May problema ba?" Tinapik ko siya sa kaniyang likod para kahit paano maging kalmado siya.

"Sadyang matagal lang na panahon ang nakalipas at hindi ko alam kong saan kita matatagpuan, dito lang pala." Nangiyak-ngiyak niyang sabi.

"Bakit mo naman ako hinahanap, may sasabihin ka ba o ibabalita?" Pagtatakang impresiyon na reaksyon ko.

Stay Away From Me (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon