36 Finale 2

2.3K 14 0
                                    

Renato.

Makalipas ang anim na buwan na relasyon namin ni Sheyin nagawa na niyang sabihin ang lahat tungkol sa nangyari at wala akong ginawa kundi tanggapin iyon dahil masaya na ako sa piling niya.

Masaya na ako dahil kasama ko na Sheyin at gayundin naman para kay Shikin. Nakita ko siya noong pumunta kami sa may park at  kasama niya si Denmark ang pinsan ko na tinuring kong kambal na kamukha ko at napakabuti ng loob.

Hindi na ako gumawa ng paraan upang mabalik ang dating kami dahil nakikita ko na rin na masaya na siya kay Denmark. Kinuha pa nga akong abay sa kasal na mangayayari ngayon araw at alam ko rin na masaya na rin sa akin si Shikin dahil nakikita niya rin na pareho kaming masaya sa pareho naming minamahal.

"Masaya na ako ng makitang masaya na rin siya, hindi man sa piling ko ngunit sa piling ng taong mahal niya"

Hindi man kami nagkatuluyan sa dulo subalit sapat nang makita naming pareho kaming masaya sa persona ng minamahal namin.

Hindi ako nagtamin ng galit kay Sheyin dahil kami na talaga ang tinandhana na dapat talagang magkatuluyan ang babaeng o lalaking first love mo. Katulad ng nangayari kay Denmark. Ikakasal na nga sila sa simbaham kong nasaan kami ni Sheyin ngayon.

Marami ang nangyari noon at masaya ako kahit na hindi kami sa dulo. Napakabuti pa rin ni Shikin dahil sa kabila ng lahat nagpakababa siya at tinanggap ang nangayari.

Hinihintay namin ang pagdating niya kasama ang mga pamilya at si Denmark. Nagpapasalamat ako sa kaniya kasi siya ang nagpatuloy ng pagmamahal na deserve ni Shikin aldo kahit na pinsan ko pa siya. May taglay kasi siyang kabutian ng loob na katulad ko kaya masaya na ako dahil siya ang nakatuluyan ng babaeng minahal ko noon.

Maya-maya tanaw na tanaw ko ang paglabas niya sa van suot ang gown na napagara naglakad siya papunta sa gate ng simbahan at ng makita ako lumapit siya sa akin, ngumiti at niyakap. Sinabi niya rin na "salamat" at nagtungo na siya kay Denmark at naglakad na tungo sa altar.

***-----***

Lumapit bigla ang magulang ni Shikin sa amin. Nagulat ako kasi akala ko susuntukin at paalisin nila ako dito pero hindi: niyakap nila ako at sinabing "maraming salamat iho" Iba ang naramdaman ko sa bawat yakap na naranasan ko ngayon. Pakiramdam sa kabila ng nangyari tinanggap pa rin nila ako at hindi itinakwil na parang ibang tao.

"Now you will kiss your brigde" narinig namin ang sinabi ng pari. Nakaupo kami dito ni Sheyin magkatabi at pinapanood ang bawat kaganapan.

Hindi ko maiwasang maging emosyonal dahil nakikita ng pareho kong mata na ang babaeng minahal ko dati ay kinasal na sa lalaking mahal niya.

Happiness can exist only in
acceptance.
      

       -Sa dulo hindi man kami pero tinanggap namin dahil alam namin na pareho na kaming masaya sa pareho naming mahal, kaya masaya na rin kami para sa isat-isa.  


                 -Ang Pagtatapos-

Stay Away From Me (Complete)Where stories live. Discover now