Chapter 18

490 6 0
                                    

PS: (Huwag mao-ofend, basahin niyo lang) Enjoy!

***------***

Shikin.

Kanina pa ako nakatingin sa kanya habang siyang nakahilata sa kaniyang higaan. Alam ko kung gaano kabigat ang nararamdaman niya. Hindi madali ang malaman ang katotohanan tungkol sa nangyari sa kanya parang sarili ko kinamumuhian ko na dahil sa pagkukulang ko sa kanya.

"Ma'am," sambit nang isang doctor, napansin ko kong gaano kabigat ang pakiramdam niya na parang nagaalangan siya sa kaniyang sasabihin sa akin. "Ayaw ipasabi ng pasyente ang sakit niya ngunit alam ko may karapatan kang malaman ang katotohanan." Dagdag nito.

Matagal ko ng nakakasama si Renato, pero iyong sabi ng doctor nacomatose raw siya sa kadahilanang maraming dugo ang naubos sa ulo niya dahil sa lakas ng impak daw ng bumunggo sa kaniya. Doon na nagiba ang pakiramdam ko. Nasaktan ako. Ang inaakala kong simpleng epekto lang, mas naging malala pa at iyong inaasahan kong wedding mukhang mapapatagal pa, sa aking nalaman.

"Ma'am sorry, mukhang matagal na panahon kang maghihintay para magising siya, kong mamarapatin niyo kami muna ang magbabantay sa kanya dito, tatlong oras na kasi kayo naghihintay sa wala." Binulgar na agad sa akin ng Doctor ni Renato na parang wala ng pagasa.

"How there you to say that to me! You don't have a right things to say that magigising pa si Renato!" Mapwersa at mangiyak kong turan.

"Ma'am hindi biro ang comatose, kalahati sa mga taong nagkakaroon nito namamatay at possibleng mangyari iyon sa aking pasyente. Paumanhin mauuna na ako." Sagot nito.

Sa mga sinabi ng doctor inilabas ko na lang ang mga iyon sa aking tenga. He's not a God to say that in Renato. Alam ko na hindi niya ako iiwan, may pangako kami at hinintayin ko siya kahit anong mangyari.

***-----***

"Good morning, gising na huh, kagabi pa po kasi kayo hindi gumagalaw sa pwesto niyo." Rinig kong sambit ng isang nars na gumising sa akin. Umaga na pala hindi ko akalaing dito na ako nagpalipas ng gabi. Kaya ng magising ako kumukulong sikmura at gutom ang naramdaman ko.

I do everything I can, para kay Renato lalo na sa karamdaman niya ngayon at mas kailangan niya ng kasama. Hindi ko man siya nakakausap pero ramdam ko ang presensiya niya.

Gusto kong itanong sa diyos kung bakit ako pinarusahan ng ganito? Marami namang tao na pwede macomatose bakit si Renato pa? Inisip ko na lang na anumang oras makakaharap ko si Renato na buhay at babalik sa dati. Nalulungkot ako na isipin ang dalagang ay mananatiling dalaga habang buhay. Wala na akong gustong mahalin kundi si Renato, kaya kapag nawala siya gusto ko na rin magpakamatay.

Dalawang taon--- naging mabuti akong kasintahan sa kanya. Ni minsan ay hindi ko sinuway ang kagustuhan niya, sinaway man ngunit ako'y papatawarin niya. How this world become unfair para na rin akong binawian ng buhay sa sitwasyon ko. Wala akong inisip kundi makita siyang masaya at nakangiti, ngunit ngayon sa nakikita ko para ng nilamon ng buo ang saya at ngiti na gusto kong ibigay sa kaniya napalitan na ng lungkot at pighati ang aking nararamdaman.

I just realized that he's always in the good situation. Sobra kong inisip ang magagandang pangyayari. Tama nga ang sinabi ni Clara. "Dapat maging malungkot ka sa una dahil kasunod nito ay saya, kesa naman naging masaya ka nong una, sa dulo magiging malungkot ka naman." I imagine right now, kong ano ang gustong iparating sa amin ni Clara habang papasok kami sa resort. Napagtanto ko na ganon talaga ang bagay. Kaya naman doble sisi ako ngayon sa sarili ko na bakit masyado akong nag think positive sa lahat na posibleng mangyari.

The old Shikin na puro duda ay maganda rin pala, kesa naman na ang Shikin ngayon na puro positive sa lahat ng bagay kaya ito kabaliktaran na ang nagyari. Napakaaga wala na akong inisip kundi sisihin ang sarili ko. Siguro kapag nandito si Renato ayaw niya na sisihin ko sarili ko. Pero hindi e, kasalanan ko talaga ito.

Stay Away From Me (Complete)Where stories live. Discover now