Chapter 23

380 8 0
                                    

Shikin.

Si mama isa lang ang masasabi ko sa kanya isang mapagmahal at maarugang ina. Itong yaman na ito ang kaya kong isigaw sa buong mundo na nagkaroon ako ng magulang na kagaya niya. She's very lovable mother among the others. Siguro sa propesyon ng pagiging ina saludo ako sa ginagawa niya sa akin. Maliban dahil only child ako napunan niya iyong pagmamahal ng isang ama dahil sa pagkawala ni papa ng matagal na panahon. She's a mother and father to her only one beutiful and lovalble daughte. Siguro sa pagiging mapagmahal ko kay Renato: kay mama ko nakuha iyong loyalty kasi gaya ng nangyari sa kanila ni papa hanggang ngayon hindi pa rin sila naghihiwalay, dahil na rin siguro sa pangako nila noong ikinasal sila doon sa may dambana.

Matapos magayos ng mga utensils si mudra nagtungo na siya dito sa amin para samanahan at makipagusap na rin. Kanina pa ako naghihintay na malaman kong anong pakay o plano sa akin ni papa. Sympre kahit na matagal siyang nawala siya pa rin iyong tunay na father ko, kaya kahit medyo may hinnanakit ako sa kanya I stay positive as always naman e, dahil baka sakaling ito na ang huling paguusap namin ni papa.

Lumapit si mama sa akin tapos humarap na kaming dalawa kay papa sa itsura niya parang ramdam ko na gusto niya muli kaming mayakap na dalawa. Sino ba naman ang ama na matagal na nawala kahit katiting lang na pagyakap hindi niya inaasam? pero sa nakikita ko kay papa parang gusto niya akong yakapin saka iyong mata niya parang nagpapaawa effect na, kaya mas lalo nabawasan iyong galit ko sa kanya, siguro hindi na rin kailangan magtanim ng galit kasi, iyong galit nawawala yon eh. Siguro kong ano man ang nagawa ni papa noon na pagiwan sa amin ng walong taon: maganda siguro na magsimula na lang ng panibago at para maging complete at maging happy family na rin kami.

Noon pa man kahit kailan hindi ko naramdaman iyong pagmamahal ng isang tunay na ama sa kanyang nagiisang anak, maski haplos at yakap nito hindi ko naramdaman. Subalit ako naman ay nagbabakasakali na muling maramdaman ang isang yakap ng tunay na haligi ng tahanan walang iba kundi si papa na kanina pa nakatingin sa amin ni mama.

Hindi ko alam bakit pati si mama umiiwas na rin at parang ayaw niya itong hawakan parang uod na pinandidirian lang. Para sakin natanggal na iyong galit, pero kay mama bitbit pa rin niya sa puso niya iyong galit saka tampo kaya inintindi ko na lang si mama at ako na lang ang nag-confort kay papa para kausapin siya.

Tumingin sa akin si mama iyong tingin niya parang nagsasalita na iyong dalawa niyang mata at sinasabing: huwag na lang, siya na lang kumausap. Pero nilabas ko iyong girl power ko at makakaya ang lahat basta para kay mama.

Hindi ko alam kung bakit ganon na lamang ang kinabaliktaran ang inaasta ni mama ng mga nakalipas na oras. Samantala halos magsitalon-talon na siya noon una at may ipapakilala sa akin at ngayon parang ang lungkot na saka nalalaglag na iyong baba niya sa tindi ng kalungkutan niya.

Maya-maya nagsimula ng magsalita si papa una nangamusta at pangalawa doon na siya biglang umiyak. Siguro narealize niya na mali ang ginawa niya sa amin kaya bigla siyang naging emosyonal. Sa nakita kong reaksyon ni papa naramdaman ko na mahal pa rin niya talaga kami kahit na matagal niya kaming iniwan. Kaya naman mas natuwa ako sa inasta ni papa habang siya'y nagsasalita: si mama naman ay umiiyak na rin sa mga sinasabi ni papa.

"pasensiya na kayo, matagal na akong walang paramdan sainyo. Saka maraming nangyari nong ako'y nawala, kaya heto ako nagbabalik kasama itong adapted sister mo. Shikin, salamat sa pagaalaga mo kay mama mo. Ngayon sa ikalawang yugto ng iyong buhay sinusuportahan na kita na maiba ang iyong apelyido, wala naman akong karapatan para pigilan ang kasal niyo, isa akong malaking handlang kong tututolan ko ang lalaking pinakamamahal mo. Shikin. Lumapit na siya sa akin, tapos tumayo ako at niyakap ng husto si papa at sumabay din naman sa amin si mama iyong inaasam kong complete family sa kasal, magiging totoo na. Nakakataba naman sa puso.

Stay Away From Me (Complete)Where stories live. Discover now