Chapter 15

756 14 0
                                    

Renato.

Sa tuwing naaalala ko si lola nagiging malungkot ako namatay kasi siya sa isang car accident noon. Naisugod pa naman siya sa isang hospital noon pero binawian din agad ng buhay. Mga nasa taong labingdalawa ako ng siya'y tuluyang namaalam. Kasama niya na rin siguro si lolo Martin na namatay rin sa parehong aksidente. Napapangiti na lang ako sa tuwing nakikita ko ang malaki niyang paint na siya mismo nagpinta dito sa bahay niya.

Nandito ako sa bahay ni Lola ko sa siyudad din ng magulang ko halos sampung hakbang lang ang layo. Nagtungo talaga ako dito sa kadahilanang sobrang init na ng panahon. Madalas kasi ako tumambay dito dahil may sandamakmak na aircon na nakapalibot sa buong bahay.

Isang malaking paintboard na nakadikit sa may pader kong saan akap-akap niya kaming mga apo niya. Nakakatuwa dahil napapagmasdan ko pa rin ang aking larawan noong ako'y isang musmos pa lamang. Habang nakatitig ako doon, hindi ko maiwasang maging emosyonal. Matagal na panahon na rin naman ang nakalipas kaya tinanggap ko na rin ito ng buong-buo.

Napabuntong hininga na lang ako sa aking naalala. Kahit pala matagal na panahon na ang nakalipas iba pa rin talaga kapag maraming taong nagmamahal saiyo.

Nakangiti kong pinagmasdan iyon habang ako'y papunta sa rooftop. Hindi ko na rin kasi matiis itong panahon. Mainit tiyaka kanina pa ako pinagpapawisan.

"Hay, sarap mabubay!" Naginat kong sabi matapos akong makarating sa rooftop, lalo na kapag wala ka ng problema tapos may naalala ka pang mga bagay na sobrang saya. Si Sheyin kinalimutan ko na tapos si Lola bigla kong naalala. Dobleng saya naman ang naramdaman ko ngayon. Inaalala ko na lang ngayon kong ano pa ba ang gagawin ko dito sa amin sa nalalabing araw ng aking little vacation kasama ang pamilya.

I wear black sando ang white boxer. Suot ko rin itong black shade ko na nakita ko sa may floded chair dito sa rooftop.

Pinagmasdan ko ang paligid. Medyo malakas ang hangin pero mainit pa rin dahil sa sikat ng araw. Pumunta ako doon sa may floded chair, tiniklop ko ito tapos humiga pagkatapos.

Nang bigla kong naalala, masyado palang mainit baka masunog itong balat ko. Kahit papaano naman ayaw kong masira itong balat ko baka sa lagay kong iyon tuluyan na akong iwan ni Shikin isa pa naman sa katangian na nagustuhan niya sa akin itong physical appearance ko kaya kinuha ko iyong sunblock na nakalagay sa desk dito sa tabi lang din ng floded chair kinuha ko iyon at dali-daling pinahid sa aking balat mula kamay maging sa paa.

Tuluyan na akong humiga dito tapos naginat na rin ng katawan. My feeling is so good parang ngayon ko lang uli ito naranasan. I look Jhony Bravo that time. Swabe tapos labas itong laki ng pangangatawan ko.

Sa tahimik ng paligid isama mo pa ang sinag ng araw wari'y akong parang nasa isang hardin na napakaraming bulaklak at kasama ang aking sinisinta na si Shikin.

"Oh aking mahal pwe---de! mo ba akong tabihan at samahan dito?" bulong ko sa aking sarili.

"Ika'y aking patuloy na mamahalin kahit anong mangyari." pagpapatuloy ko.

"At---t!" Nang hindi ko na naituloy ang sinabi ko. "Pssss--tt!!" Isang tinig ang narinig ko sa lower floor ng bahay, hindi ko na rin naituloy ang pagiisip at pagaasume ko na kasama si Shikin. Sa tahimik ng paligid tapos isang lalaki ang sumira sa napakaganda kong iniisip.

Hindi ko rin naman inaasahan na meron palang nagmamasid sa akin sa baba ng bahay. Hindi ko na iyon inisip kasi sa ikaapat na palapag ako ng bahay. Malabong meron pang makakatanaw mula sa akin sa itaas. Isa pa sa gumugulo sa akin, bakit lalaki pa ang tumatawag at nagmamasid sa akin. Hindi kaya trip ako noon o baka naman may gusto siya sa akin. O sh*t naaalala ko nanaman sa ikalawang pagkakataon si Angelo. Bakit kaya? bulong ko na lang sa aking sarili. Hindi ko na rin inisip iyon nag-focus na lang ako sa lalaki na kanina pa ako pinagmamasadan ng hindi ko inaasahan.

Stay Away From Me (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon