36- Finale

1.4K 11 1
                                    

Shikin.

Anim na buwan na ang relasyon namin ni Denmark masasabi ko masaya na ako sa kaniya at nakalimutan ko na ang lalaki na nagiwan sa akin. Si Denmark sa napansin ko mas naging totoo siya sa akin mapagmahal at maaruga ito kumpara kay Renato. Siya na talaga ang magiging unang husband ko nag-propose na rin siya sa akin noong nasa tatlong buwan pa lang kami.

Hindi na rin tumanggi ang mga magulang ko at gayundin naman si tita Rosie. Kahit na nagulat siya sa nangyari mas minabuti niyang tinanggap iyon ng buong-buo. Mas naging masaya ako kasi parehong pamilya namin pumayag na rin sa kasal namin na mangayayari isang linggo sa ngayon.

Nandito ako sa bahay namin ni Denmark nagpagawa na rin si papa ng bahay naming dalawa. Suportado kasi siya sa lahat ng bagay kapag dating akin at ayaw na niyang masira ang kasal namin ni Denmark kaya sinisiguro niya na wala na talagang dahilan pa para iwan ako ni Denmark.

Ako ang babaeng first love niya kaya naging kampante na ako na siya na talaga ang nakatadhana para sa akin.
Naging masaya na ako sa panibagong bubay na tatahakin ko.

Si Clara at Albert ay kasal na rin. Halos engrande ang kasal nila na under the river pa at sa may wishing river pa, kong saan gusto ko sanang ikasal kami ni Renato noon. Mas naging matibay sila sa isa't-isa at sa aming tatlong magkakaibigan siya pa rin talaga ang swerte kapag dating sa dulo kasi sila pa rin ang nagkatuluyan ng mahal niya.

Si Angelo naman ay succesful na habang pinapatakbo ang business nila ni Shena naging masaya na rin silang dalawa. Maganda na ang takbo ng kapalaran ni Angelo, marami siyang pinagdaanan pero at the end umangat pa rin siya at nakatagpo na rin ng babaeng tunay na magmamahal sa kaniya.

Si Mydear at Harold alam ko na nasa langit na pareho at pinagmamaasdan kaming dalawa ni Clara dito sa lupa. Mahirap man dahil huling hantungan nila hindi namin nagawa ni Clara na makita siya pero tinanggap na namin iyon dahil iyon daw ang gusto ng pamilya ni Harold. Ang mahalaga alam namin ni Clara na huling hantungan niya magkasama pa rin sila ni Harold ang lalaking mahal na mahal niya.

Si Renato alam ko na ang dahilan kung bakit iniwan niya ako bigla, dahil iyon sa salamangka na ginamit ni Sheyin sa kaniya halos anim na buwan na rin kaya wala na rin akong pakialam doon. Nalaman ko iyon matapos kong mapanood iyong video namin sa hospital ni Renato sa may grass field, may kong anong salamangka ang pumasok sa katawan ni Renato nakita iyon sa video na may hawak si Sheyin na bote at pinkawalan iyon at napunta lahat kay Renato. Subalit wala na akong dapat pang ibalik kong sakaling bumalik ang alaala niya, iniwan na niya ako at masaya na ako sa taong mahal ko.

Hindi na rin ako nagtanim ng galit kay Sheyin bagkus nagpapasalamat ako sa kaniya dahil alam ko na masaya na si Renato sa piling niya.

"If we really want to love, we must learn how to forgive"

Masasabi ko marami na ang nangyari sa amin. Marami ang nagbago at tuluyan kinalimutan ang nakaraan at naging masaya sa kakaharapin ng bagong tatahakin.

"Starting today i need to forget what's gone, appreciate what still remain, and look forward what's coming next"

Nasa harapan ako ng salamin. Nandito ako dahil nararapat ko ng itago ang hikaw at singsing na binigay sa akin ni Renato marami ang mga masasayang alaala na nabuo sa dalawang bagay na ito. Mga sakit, tawa , saya at kung ano-ano pa. Ito na ang oras para tanggalin ito at tuluyan ng ibaon sa lupa ang pait ng nakaraan. Its time for a new beggining of my life with Denmark.

"I close my eyes to old ends and open my heart to new beginning"

Bigla may lumapit sa akin at nakita ko iyong pagtakip ng kamay niya sa mata ko at hindi ako nagkakamali si Denmark na tuwang-tuwa sa ginawa niya.

"Baby, anong ginagawa mo dito?"
Nagtanong siya bigla at sinabing wala lang boring kasi dito sa bahay natin.

"Boring ka ? Tara labas tayo punta tayo sa park, i-treat kita at ayaw kong nakikitang boring ang mahal ko." sabay nakaw ng halik sa aking pisingi.

"Magnanakaw ka talaga!" mapwersa kong sabi pero sa nakakatawang pagsasalita.

Kaso hindi siya sumagot sa sinabi ko at ang loko binuhat ba naman ako at pinunta sa balikat niya at bumaba ng na nasa ganong sitwasyon. Ang sweet niya, nagawa pang buhatin ako pababa para talagang prinsesa ang turing niya sa akin at siya naman ang only prince ko.

"When the world say give up hope whispers. Try it one more time"

Malaki ang nagawa sa akin ni Denmark siya ang nagbago sa mundo kong masalimuot, siya ang lalaking nagsilbing pangalawang langit ko.

***-----***

Lumabas naman kami sa bahay at nagpunta sa grass fieild sa may park 2.00 pm ng hapon kaya medyo makulimlim na may kunting liwanag.

Nakarating kami doon at ako ay nakasalabay pa rin aa likod niya umupo kami at naglatag ng tela para upuan. Masaya kaming nagkwentuhan at dinadamdam ang simoy ng hangin.

Matapos ang lahat ng nagbago sa akin pakiramdam ko nasa mabuti na akong kamay ng taong mahal ko. Masaya na ako sa kaniya dahil si Denmark Montefalco na kasintahan ko ngayon na siguradong papalit na sa apelyido ko.

Nang biglang may nakita akong lalaki na dumaan sa harapan namin na may kasamang babae na naka-holding hands patungo rin dito sa park tanaw na tanaw ko sila na sobrang saya.

Si Renato kasama si Sheyin. Hindi ako naiingit or naiinis dahil nawala na ang hikaw na nagsilbing alalala namin noon at isa lang ibig sabihin non: may lilisan at may maiiwan.

"Ako ang iniwan subalit nagpakatatag at lumaban"

"Siya ang lumisan subalit naging masaya"

Kaya alam kong hindi na ako magtatanim ng galit kay Renato bagkus nagpasalamat na lang ako sa kaniya dahil sa pagmamahal na naranasan ko sa kaniya ko sa kaniya ng dalawang taoan.

Stay away from me

Lalayo na ako sayo dahil iniwan mo na ako hindi na ako magaaksayang ng panahon na kulitin ka, bagkus naging masaya ako dahil nakikita ng dalawa kong mata ang saya na nararamdaman mo sa taong alam kong nagpapasaya sayo.

Layuan mo ang taong iniwan ka dahil sumama sa ibang taong mahal niya. Tandaan mo kapag mahal isang tao handa mong tanggapin ang lahat, handa kang magparaya sa mga bagay na gusto niya para lang sa ikakasaya niya at ikakasaya mo na rin dahil nakikita ng dalawa mong mata ang saya na nararanasan niya sa taong dahilan kung bakit ka niya iniwan.

Hindi tanga ang tawag sa taong natitiis makita ang mahal niya na masaya sa iba. Mas tanga ang taong pinipilit balikan ang taong kinalimutan na siya.

Hindi rin tanga ang taong wala ginawa para bumalik ang mahal niya. Mas tanga ang taong hahabulin ang mahal niya na masaya na sa piling ng iba.

Huwag sumuko dahil sa buhay kapag iniwan ka na ng taong mahal na mahal mo. Kapalarang ang nagbibigay ng kapalit sa sakit na nararamdaman mo siya ang magbibigay ng taong nararapat para sayo.

Laging tandaan: Lumayo ka na sa taong mahal mo na iniwan ka pero nakikita mo na masaya na sa iba. Tanggapin muna habang maaga kesa magmukha kang tanga ng pangmatagalan.

"Harapin ang mangyayari bukas at kalimutan ang pait at sakit ng nakaraan"

"Sometime, someone come into your life, so unexpectedly, take your heart by surprice, and change your life forver"

Stay Away From Me (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon