Chapter 32

447 7 0
                                    

Shikin.

Muli kung narinig ang tinig ng isang babae. Ang babaeng kinakatakutan ko. Si Sheyin, hindi ko alam tila parang nabangungot ako sa pagtulog ng narinig ko ang boses niya sa labas ng bahay. Doble ang gulat ko ng makita ko si Denmark at Sheyin. Labis din ang takot ko dahil siya ang babaeng may itim na tela sa mukha siya iyong babaeng humahabol at sumusunod sa amin.

"Tara na sa loob" medyo nataranta ako sa sarili ko. Narinig ko rin kasi ang boses niyang tinatawag si Renato. Mas kinabahan ako baka iwan ako ni Renato ng wala sa oras.

Papasok ako sa bahay pero si Renato sinundan ang tinig ng babae. Hindi ko alam bakit interesado pa rin siya na makita si Sheyin. Ikakasal na kami pero parang mas kinakabahan ako na baka bigla siyang mawala sa piling ko.

"Renato! Sigaw ko pero hindi niya ako nagawang lingunin man lang na siyang mas nagpababa sa sarili ko. Para akong babaeng hinahabol ang mahal ko na papunta sa iba.

Pinigilan ako ni Denmark at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam pero parang pinipigilan niya ako na pigilan si Renato upang makita si Sheyin. Tila parang naging instrumento pa si Denmark para makita ni Renato si Sheyin.

Pakiramdam ko parang paunti-unti nalalaglag ang puso ko sa lupa. Bakit tila pati si Renato ay kinalimutan na kasama niya ako. Nakakatampo saka nakakaselos bakit parang meron pa rin siyang nararamdaman para kay Sheyin.

Bigla akong napaluhod dito at hugulgol sa kaiiyak. Si Denmark nama'y tinatapik ako sa likod para patigilin sa pagiyak pero hindi e, hindi ko kaya.

Masama ang bungad ng paguwi ko dito sa bayan namin. Ang alam ko magiging masaya na ang mga mangayayari paguwi ko dito pero hindi parang may masamang elemento na dumating sa buhay namin ni Renato na sisira sa pangarap at hinahangad kong kaligayahan.

Wala pa rin Renato ang bumalik sa akin. Kaya mas naging emosyonal ako sa mga nangyayari. Bakit hindi niya ako binalikan ako ang magiging asawa niya pero bakit parang sumama na siya kay Sheyin na walang paalam.

Si Denmark parang mas gumaan ang pakiramdam ko kasi siya ang nandito sa oras ng kawalan ko. Parang nakikita ko sa kanya si Renato. Tumayo ako at niyakap siya ng napakahigpit. Hindi ko matanggap ang nangyari parang mamatay na ako ng wala sa oras.

***------***

Renato.

Hindi ko alam pero parang kuminang ang mga mata ko ng makita si Sheyin. Sa nararamdaman ko muli kong nakita ang babaeng napakaganda at minahal ko noon. Sariwa pa rin ang alaala ko sa nangyari. Ang huling balita ko sa kanya is yong nasa mental hospital siya pati ang pangyayari itinakwil ko siya sa harapan ni Shikin. Lahat naalala ko, ang mga nakaraan namin na sobrang saya, siya ang babaeng unang nagpatibok ng puso ko pero iniwan ako ng walang paalam at tila binabalikan na ako at ipagpapatuloy ang pagmamahal na naudlot.

Para akong namental-block ng makita ko siya kahit na nakapalibot ng itim na tela ang buo niyang katawan. Naaninag ko pa rin ang kagandahan niya. Parang nakaramdam ako ng ibang elemento ng makita ko siya parang kong may ano akong naramdaman na dumaloy sa akin katawan.

Wala akong maalala kundi si Sheyin. Parang nabulag ako at may kinalimutan na bagay-bagay. Wala akong hinagad kundi makita at makasama siya. Para akong nagayuma sa taglay niyang kagandahan. Misteryo maituturing ang mga nangayayari sa akin. Wala talaga akong malaala bukod sa kaniya.

Naglakad ako patungo sa kinalalagyan niya. Niyakap ko siya ng makalapit ako sa kanya. Nakaramdam ako ng muling pagkakayakap ng taong matagal ko ng hindi nakakasama. Si Sheyin ang alam ko mahal ko pa rin. Gusto kong ituloy ang naudlot na pagmamahalan namin.

"Renato, sana matanggap mo ako, nandito ako nagbabablik sayo. Alam ko na itinakwil mo ako noong bumalik ako sayo pero alam ko na mahal mo pa rin ako. Nandito ako nagbabalik sa ikatlong pagkakataon. Gusto ko muling makapiling ang lalaking minahal ko noon" rinig na rinig ko ang mga salita na lumalabas sa bibig niya. Mahinhin at tila nagaakit.

Stay Away From Me (Complete)Where stories live. Discover now