CHAPTER 1 - BEGUN

140 3 10
                                    

Steph's Point of View

Mga huni ng ibon ang gumising sa aking diwa. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at bumungon sa aking kinahihigaan. Laking gulat ko nang mapagtantong nasa damuhan ako.

Nasaan ako?

Ang nag-iisang tanong na bumalot sa isipan ko. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid at nakita kong nasa gitna ako ng kagubatan, sa taas ng isang bundok.

Ano namang ginagawa ko dito? Eh kanina lang natulog pa ako sa kama ko, dahil bukas magiging busy na kami ni mommy dahil sa sobrang daming gagawin.

~Again~

"Huh?" Usal ko nang may marinig akong isang malumanay na boses ng isang babae na nagsalita sa paligid.

~De Nuevo~

"Sino yan?" Sigaw ko habang iginagala ang mata sa paligid, ngunit bigo pa rin akong makita kung saan nanggagaling ang boses na iyon.

~다시 (dasi)~

Kinilabutan na ako ng sobra sa ikatlong pagwika nang hindi ko makilalang boses ng isang babae. Sa di ko mawaring dahilan ay napatingin na lang ako sa kalangitan at namangha ako sa aking mga nakita.

Totoo ba ang mga nasasaksihan ko ngayon? Talaga bang parehong kong nakikita ang buwan at ang araw na nasa iisang papawirin?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Totoo ba ang mga nasasaksihan ko ngayon? Talaga bang parehong kong nakikita ang buwan at ang araw na nasa iisang papawirin?

~Sa pagkakataong ito, muling mangyayari ang lahat.~

Sambit ng boses na nasa paligid ko at sa isang iglap ay para akong hinatak ng isang pwersa na hindi ko alam kung saan nagmumula.

"Huh!" Wika ko nang bigla akong magising at hinahabol ang aking paghinga.

Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid at nakita kong nasa loob na ako ng kwarto ko habang nakatabon sa mga binti ko ang makapal na comforter.

Sabi ko na nga ba't panaginip lang'yon.

Binuksan ko ang lockscreen ng phone ko and there I saw..

August 21, 2017 - 7:43 A.M.

Pinunasan ko ang mga butil ng pawis na tumatagaktak sa pagmumuka ko at saka pumunta na sa banyo para makapaghilamos. Matapos nun ay saka ako bumaba para mag-almusal.

Ilang sandali ang lumipas at natapos na nga akong kumain kaya naman sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit ko.

"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong yan,nak?"

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWhere stories live. Discover now