CHAPTER 7 - ADVENTURE

26 1 0
                                    

[A/N: SPG alert! Haha! ( ͡° ͜ʖ ͡° )]

Angel's Point of View

Am I dreaming?

Yan ang tanong na paulit-ulit na dumidiin sa aking isipan habang nakatingin sa labas ng pintuan ng eroplano. Di parin kasi ako makapaniwala na nandito na ko sa lupaing ito.

Parang dati lang pinapantasyahan ko lang ang pagpunta sa lugar na to.. and then tada! I'm here!

Some of you might ask kung bakit hindi na lang kami pumunta rito, considering that we can afford going here. But you know... having both family and wealth at the same time, it's very obvious what answers to that question.

It's either an unending family feud or the lack of time for leisure.

Pero sa ngayon, ay hindi ko muna iintindihin ang mga bagay na yan dahil finally nakapunta na rin ako sa lugar na 'to. Sa lugar na dati ay pinapangarap ko lang na mapasyalan habang umiiyak sa k-dramang pinapanood ko sa loob ng apat na sulok ng sarili kong kwarto.

"Pangarap mo bang maging bato at habang buhay na manatili rito sa pintuan ng eroplano?" Pabirong tanong sa akin ni Steph nang mapansin na kanina pa ako nakatulala at nakatingin sa malayo.

"S-Sorry, I'm just... astonished." Sambit ko naman.

"What now? Where should we go first?" Balik ko.

"Hmm.. bahala na. Kung saan na lang siguro tayo dalhin ng mga mata natin, doon tayo. What's important tonight is we spend the most of it." Tugon niya naman.

"So.. let's go?" Tanong ko at tumango naman siya nang may ngiti at bakas sa mukha niya ang excitement.

Kasunod ng maikli naming usapan ay nagsimula na nga kaming lumipad papaalis ng lugar na iyon. Napasyahan naming libutin ang buong Incheon at tunguhan ang mga pwedeng pasyalan sa palibot nito. Halos ilang oras din kaming sumabay sa hangin at nagpakasaya sa ilalim ng buwan. 

"Teka! Angel! Look!" Tawag sa akin ni Steph na siyang nagpatigil sa paglipad ko at tinapunan siya ng tingin. Nang nasa kanya na ang atensyon ko ay may itinuro siya kaya naman doon ko ipinadapo ang mga mata ko at sa saglit na tanawin ko ang bagay na tinutukoy niya ay nakita kong isa pala itong malaking screen na nakadikit sa gilid ng isang building.

Kasalukuyang may ume-ere na balita nang mga oras na iyon at laman ng report nila ang pitong lalaking kinahuhumalingan naming tatlo. 

BANGTAN

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

BANGTAN.

Kapwa man naman hindi maintindihan ni Steph ang mga sinabi ng reporter ay nanatili pa rin kaming nanonood ngunit ang mga ngiti na nasa labi naming dalawa ay unti-unting nawala nang mabasa namin ang isang salita mula sa report.

사생

Wala man kaming nauunawaan sa mismong nagsasalita sa tv screen ay nalaman pa rin naming nasa panganib ang buhay nila dahil sa mga pictures na ipinakita sa balita. Nagkatinginan kaming dalawa ni Steph nang mga pagkakataong iyon at waring iisang pangamba lang ang nasa isip namin.

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWhere stories live. Discover now