CHAPTER 2 - HER

45 1 3
                                    

Steph's Point Of View

Kasalukuyan pa rin akong nandito sa entrance ng university namin. Nakakaboring kaya naman nilabas ko muna ang smartphone ko.

At syempre as usualn agsoscroll pa rin tungkol sa bangtan. Kung ano na bang updates tungkol sa kanila. In short fan-gir---este fanboying pala. (or fan-gaying kung gusto niyo. Haha!)

Maya-maya hindi pa man malayo-layo ang naso-scroll ko , ay may van huminto sa bungad ng entrance kung saan ako nakatayo.

Tinigil ko ang pagosocroll para makita kung sino ang taong baba mula rito.

Hindi kalaunan ay nagbukas din ang pintuan.

At mula rito ay may lumabas na isang babae. Hirap na hirap ito sa paghila ng kanyang mala-higanteng maleta.

Naibaba niya naman ito agad at kasabay nito ang pag-alis din ng van.

Nagpalinga-linga ito hanggang sa dumapo ang mga mata niya sa akin. Nanlaki ang mga mata nito at nabitawan niya ang hawak niyang bag nang tumakbo siya patungo sa direksyon ko.

"BAKLLLLAAAAAAA!!"

Isang nakakabinging sigaw ang pinakawalan niya habang tumatakbo papunta sa akin.

At sa kaingayan pa lang alam mo na kung sino ito.

Tama , dumating na nga ang self-proclaimed bride ni Jimin.

Si 'Angel'

Ang taong nagpakilala sa akin sa mundo ng K-POP at lalong-lalo na sa pitong gwapong koreanong kinababaliwan namin.

'Bangtan'

"Oh my God! Bakla! Namiss kita! Sobra!" Bungad nito sa akin na may kasama pang pang-hahampas.

"Ewan ko sayo. Ang tagal mong dumating. Hmm!"

"Ito naman oh. Sorry na. Jusko! Kasi naman tong nakakaloka naming driver dinaan banaman ako kung saan madalas traffic. Dapat talaga kanina pa ako nandito eh at mas mauuna pa dapat ako sayo." Pagpapaliwanag nito na may kasamang pagka-irita.

"Oh sige na nga tama na yan. Baka mamaya mahimatay ka pa dyan sa highblood. Jusko girl. Maawa ka saken di kita kayang buhatin!"

"Ewan ko sayo! Sige na nga tara na. But wait, saan ba tayo pupunta!?"

"Oh tingnan mo di mo pa alam. Tsk tsk."

"Saan nga?"

"Malamang sa Registrar's Office para ma-encode na tong Enrollment Papers naten at para makuha narin naten yung mga susi ng dorm."

"Oh okay, let's go."

Bago pa kami tuluyang pumasok ng Registrar's Office ay pinakuha ko na sa kanya ang lahat ng papales na dapat niyang ilabas.

Pagpasok namin sa loob ay di nakakapagtakang walang pila. Dahil August 23 pa lang naman at bukas pa ang simula ng klase.

Paglapit namin sa registrar ay agad naming ibinigay ang aming mga papeles. Maya-maya ay ibinalik na niya sa amin ang mga papeles at kasunod nito ang mga susi para sa dorm.

Tumingin ito sa monitor niya at agad na ibinaling sa amin ang tingin.

"Mr. Escalia right?" Wika nito sa akin.

"Yes po ma'am." Sagot ko naman.

"And Ms. Permithivo?" Sabi nito ng sunod na ibaling ang tingin kay Angel.

"Ok, just wait a sec." Sabi nito kasabay ng pagdial ng numero sa telepono.

"Uhm, this is Ms. Monteverde from the Registrar's Office. Can you send us a personnel here? Yes! Oo! Para maihatid yung mga students sa dorm nila. Ok sige thank you. Ah, Ms.Permithivo and Mr, Escalia can you wait for the assisting personnel to arrive?"

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWhere stories live. Discover now