CHAPTER 20 - CALICO

40 1 47
                                    

Angel's P.O.V.

Nakababa na kaming tatlo nila Steph at Jerra mula sa van. Nakatingin lang kami ni Steph sa mga ginagawa ng bangtan na pagpreprepare sa loob habang si Jerra naman ay halos mapunit na ang ngiti sa mukha at kung saan-saang sulok ng paligid nagagawi ang mata.

Kala mo 6 years old na ngayon lang nakalabas ng bahay eh. Haha!

Anyways, tuluyan na ngang lumabas ng van ang bangtan and may mga black face mask na nakatakip sa mga mukha nila. Nagtaas ng hoodie ang iba while the others naman ay nagsumbrero para maitago talaga ng bongga ang mga identity nila. Juiceko! Kahit ako di ko narin kilala kung sino si Jin or si YoonGi dahil balot na balot talaga sila.

Well, I can not blame them dahil kung may makakita nga naman sa kanila dito ay baka magkagulo.

May isang lalake na lumapit sa kanila, medyo nag-internal panic ako kasi baka mamaya fanboy pala yun at magwawawala dun dahil nakita niya ang mga idols niya pero it turns out na isa lang pala itong utility service ng mall.

Yun bang mga tao na nagpapark ng kotse sa designated parking lot talaga ng mall at siya na yung maghahanap kung saan ito ititengga ng saglit.

Ibinigay naman na ni Jin ang susi sa kanya at nag-usap lang sila saglit and then sumakay na yung lalake sa van at dinrive niya na ito paalis.

Matapos nun ay naglakad na patungo sa amin ang bangtan. Ang nakakaloka lang ay sabay-sabay ang hakbang ng paa nila para bang mga model ng victoria's secret.

But wait, parang may naaalala akong kdrama sa ginagawa nila ngayon, teka parang.. OO NGA! Yung boys over flowers, yung scene na kung saan sabay-sabay papasok yung F4 sa pintuan ng school tas maraming babae na nasa gilid yung kikiligin na tipong malalaglag na yung panty. Char! HAHA!

Hindi na kami pa nakagalaw ni Steph sa kinatatayuan namin dahil parang nakaglue ang mga paa namin, maging si Jerra na kung saan-saan ang tingin kanina ay nakafocus na ngayon sa pitong lalakeng ito.

F7 Haha!

Nagising nalang muli ang diwa ko nang may isang kamay ang dumampi rin sa palad ko at nagulat ako ng makitang si Jimin iyon.

WHAT!? Nasa tabi ko na siya? Nandito na pala silang pito ngayon sa tabi namen? Parang ang bagal ng buong paligid kanina and then ngayon.. ahckk!

Napalunok na lang ako habang nakatulala sa kanya, grabe cyst! Ang cute pa rin niya kahit na takip na takip yung mukha niya. Ahhhh!!

"Are you ready?" Jimin asked while staring at my eyes.

Shocks! Pano ba toh? Nakakakaba!! Eye to Eye contact teh! Teka? Ano ba isasagot ko? Uhmmm... YESH?

"H-huh?" Tanging wika na lumabas sa bibig ko.

Di ko man nakikita ng buo ang mukha niya alam kong napangiti siya dahil sa tugon ko sa kanya.

"I said, are you ready?" Jimin said with a soft voice again.

"Y-Yes.." Sagot ko naman sa kanya with matching patango-tango pa.

And after noon ay napagpasyahan na nga naming pumasok sa loob ng mall. Taliwas sa nakasanayan lagi ng mga pilipino everytime na papasok sa mall ay may guard's desk ka munang dadaanan and then kakapkapan ka ng guard.

Well, dito sa South Korea wala ng mga guard's desk na nakalagay sa harapan ng pinto ng kahit anong establishment lalong lalo na ng mga mall. May guard oo pero di kanya kakapkapan, masyado kasing safe dito at bihira lang yung mga taong siraulo na mahilig manggulo or mandekwat ng something sa ibang tao.

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWhere stories live. Discover now