CHAPTER 14 - TOGETHER

18 2 6
                                    

Everyone's Point of View.

Iyak .

Diyan nalang namin ibinubuhos ang lahat ng mga sama ng loob naming sa isa't isa. Sa pag-iyak na lang namin dinaan ang lahat ng bagay na sa isang iglap ay nawala.

Dreams? Lovelife? Family? In just a split second, all of it.. just faded.

Steph's Point of View

This all my fault.

Paulit-ulit na nagpla-play ang linya sa utak ko. Siguro dala na rin ito ng konsensyang bumubulong sa akin dahil di maikakailang ako ang nagdala sa aming tatlo sa kinalalagyan namin ngayon. Wala man ni isa kanila Jerra at Angel ang nagsalita nang mga oras na iyon ay batid kong sa bawat patak ng luha nila ay may dalang labis na pag-aalala sa kahihinatnan ng sitwasyon naming tila wala nang pag-asa. 

Pero sa mga pagkakataong nasasadlak kami sa katahimikang may kaakibat na kanya-kanyang pangamba ay saka naman lumitaw sa aming harapan ang puting paru-paro. Nagpalipad-lipad ito tapat at maya-maya'y nabigla kami nang bigla itong magliwanag. Puno ng pagtataka ang isipan ko nang mangyari iyon kaya naman napatingin ako kanila Angel at Jerra na tulad ko ay nahihiwagahan na rin sa gustong iparating ng paru-paro.

Hindi ko alam kung bakit, pero agad na lang pumasok sa utak ko na ilahad ang kamay ko sa tapat ng nilalang na iyon. Napakunot na lang noo ko nang pumaibabaw ang paru-paro sa aking palad at nang dumapo ito ay hinigop kami nito patungo sa kung saan.

Sa isang kisap ay nag-iba ang kinaroroonan namin at pare-pareho kaming nagulantang nang mapagtantong nasa gitna kami ng alapaap.

"S-Subukan niyong lumutang!" Sambit ko sa kanila subalit nang mga tagpong iyon ay doon lang din namin napag-alamang, nawala na rin sa amin ang kakayahang pinaka-kailangan namin ngayon.

Ang paglipad.

Kaya naman napapikit na lang kaming tatlo kasabay ng pagsigaw habang patuloy na bumubulusok paibaba hanggang sa tuluyan na kaming bumagsak at tumagos sa first floor ng isang bahay.

"A-Aray." Daing ko matapos naming lumagapak sa sahig. Tumayo naman ako kaagad para alalayan ang dalawa na ngayon ay may iniinda rin sanhi ng mabilis na pagbagsak.

"Ahh.. Ang sakit." Sambit ni Angel habang hinihimas ang braso.

"Ayos lang kayo?" Tanong ko.

"Pumlakda lang naman ako mula sa taas na halos katumbas ng sampung palapag na building. What do you think I feel?" Antipatikang turan ni Jerra na hindi ko na ginantihan at bagkus ay tinulungan ko na lang na makatayo.

"Saan na naman ba tayo dinala ng paru-parong 'yon?" Tanong niya nang maayos na itong nakatindig mula sa sahig.

"Hey, are you alright?" Biglaang wika ng isang boses na siyang ikinatuon ng atensyon patungo sa pinagmulan nito.

Nang ipaling namin ang aming mga mata sa direksyon na iyon ay agad naming nalaman ang kasagutan sa huling tanong ni Jerra. Dahil nakaupo sa mahabang couch ay dalawang lalaki.. lalaking kilalang-kilala namin.

Sina Jungkook at Taehyung.

"It's Jungkook who drank soju last night but why does it seems, I have the hangover.." Pabulong na salita ni Taehyung.

"What's the matter?" Tanong pa ni Jungkook nang makitang balisa ang reaksyon nito habang lumilingon sa paligid.

"N-Nothing." Tugon na lang niya sabay ngiti nang pilit at saka muli nilang binalik ang mga mata nila sa TV.

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWhere stories live. Discover now