CHAPTER 19 - FOR NOW

16 1 9
                                    

Steph's Point of View

"Hang Myeon-ie!!" Pagtawag ni Shaman Jang sa anak niya.

"Yes Mom?" Tugon naman ng bata na patakbong lumapit sa nanay niya.

"Prepare some tea for our guests." Nakangiting usal nito sa kanya.

Tumango nalang ulit si Hang Myeon sa nanay niya at pagkatapos ay umalis and probably pumunta sa kusina. Habang si Shaman Jang naman ay sinenyasan kaming lahat na manatili lang kung nasaan kami dahil may kukunin lang siya.

Pumasok siya sa kwarto and then after nang mga ilang minuto ay bumalik siya na may suot ng necklace.. ang necklace na matagal na naming inaasam na makakuha pa.

Reumdulhan

Kasabay nang pag-upo ni Shaman Jang sa pwesto niya kanina bago pumasok ng kwarto ay siya rin namang labas din ni Hang Myeon sa kusina dala ang isang tray na may babasaging takore and mga tea cups na bulaklak ang design.

Kaloka sis! Nakakailang liters na ng natural tea ang tyan ko. Parang masusuya na ata ako neto. Ganito talaga siguro ang form of entertaining the guests dito sa Korea. No choice ako dahil ang bastos ko naman kung tatanggihan ko to noh.

Sinimulan na nga ni Hang Myeon ang pagsasalin ng tea sa mga malilit na cups. And kapansin-pansin na malaki ang pinagbago ni Hang Myeon since huling punta namin nila Jerra at Angel dito. Ilang buwan pa lang naman ang nakakalipas pero parang mas tumangkad na siya and mahahalata mong nagdadalaga na. Wait.. OA naman ng term na 'nagdadalaga' kasi parang 8 or 9 years old palang ata siya. But still parang nagmamature na yung physical appearance niya.

"I am honored to have BTS as a guest in my humble abode." Shaman Jang said while sipping her cup of tea.

Ikinabigla naman namin ang pahayag niyang iyon. Paano niya naman kaya nakilala ang BTS.. I mean YES, mabilis na kumalat ang information ngayon dahil sa advance at mabilis na ang teknolohiya ngayon and also sikat na grupo din ang bangtan. But what I meant to say is syempre nga Shaman siya so mas gugustuhin niyang magnilay-nilay kaysa sa magdutdot ng cellphone like most millenials do.

Oh wait.. OO nga pala! Nakalimutan ko. Nabanggit nga pala namin sa kanya ni Angel noon na balak naming puntahan ang bangtan siguro napapanood nya din sila sa TV kaya mas nakilala niya sila.

Anyways, ilang saglit lang matapos sabihin iyon ni Shaman Jang ay ibinaba niya ang tea cup at saka nagbato ng isang ngiti sa amin. Agad naman siyang sinuklian pabalik ng mga ngiti rin ng buong bangtan at halatang nahihiya. Sus pa-shy type pa.Haha!

"Kim Namjoon?" Sabi ni Shaman Jang sabay tingin kay Namjoon.

"Kim Seok Jin?" Shaman Jang said and Jin nodded.

"Min Yoon Gi?" She said then Yoongi nodded.

"Jung Ho Seok?" She uttered again and Hoseok nodded.

"Park Ji Min?" Shaman Jang said and Jimin answered with a nod.

Napatingin naman ako kay Angel ng banggitin ni Shaman Jang ang pangalan ni Jimin and well tama nga ang prediction ko, namula nga siya. Harot ha!

"Kim Tae Hyung?" Pagpapatuloy pa ni Shaman Jang at siya rin namang sinuklian siya ni Taehyung ng pagtango.

"Jeon Jungkook?" Pagtawag nito kay Jungkook and like what other members did he nodded also with a smile.

"BTS?" Pabirong wika ni Jerra na ikinagulat naming lahat and bigla namang natawa ang lahat sa ginawa niya

Oh God! Ayan na naman siya. Mukang nababaliw na naman siya dahil hindi nabakunahan. Nakakaloka! Bakit ba kasi kita naging kaibigan. Gusto kong matunaw sa kahihiyan.

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWhere stories live. Discover now